Madi’s pov NAPANGITI siya nang makita ang flash report sa TV. Wala na si Mendoza. Brutal itong pinatay at ang suspect ay ang mga sindikato rin. Hindi na nila kailangan pang dungisan ang kanilang mga kamay. Dahil kapwa sindikato na ang nagpapatayan. Gusto niyang ibalita iyon kay Dominic pero hinayaan niya muna ito na masolo si Rica. Napangiti siya habang iniisip ngayon si Dominic. Tiyak niyang abot langit ang ngiti nito. Masaya siya dahil nakatagpo na ito ng babaeng mamahallin. Alam niya ang pinagdaanan nito kaya masaya siya ngayon sa bago nitong pag-ibig. “Miss Clemente?” tawag sa kanya ni Cindy. Gising na pala ito. Binuksan nito ang pinto ng silid nito. Tumayo siya at tiningnan si Cindy. Inalalayan niya ito. “Masakit pa ba ang sugat mo?” tanong niya sa babae. Pinaupo

