Mari’s pov NAKAHILIG si Mari sa braso ni Dominic. Wala itong ginawa kundi ang pugpugin siya ng halik sa mukha. Wala yata itong balak na pakawalan siya. Kahit gusto niyang umuwi ng bahay ay hindi niya magawa dahil sa lalaki. Gusto niyang sulitin ang oras na magkasama sila. “Anong iniisip mo?” tanong sa kanya ni Dominic. “Kung paano nangyari ang lahat ng ito,” wika niya. Tiningnan siya ni Dominic at pilyong ngumiti sa kanya. “Gusto mo ulitin natin?” tanong sa kanya ni Dominic. Ang mata nito ay parang nanunukso. Pinandilatan niya ito. Tumagilid si Dominic upang tingnan siya. Niyakap siya nito. “Hindi mo ba tatanungin kong bakit minahal kita?’ tanong sa kanya ng lalaki. “Bakit nga ba?” nakangiti niyang tanong. “Hindi maganda ang nakaraan ko. Biktima ako ng panggag

