Mari’s pov PWEDE naman na umuwi na lang siya pero mas pinili niyang manatili sa apartment ni Dominic kahit wala ito. Nahihiya naman siyang tawagan ito kaya minabuti niyang i-text na lang ang lalaki na nasa bahay siya nito. Minabuti niyang mag-order online na lang ng pagkain habang wala pa ang lalaki. Nag-grocery online din siya lalo pa at halos walang kahit ano sa bahay nito. Parang walang nakatira. Nasa silid lamang siya ni Dominic at nanunuod ng TV pagkatapos niyang ayusin ang pinamili. Nagpapasalamat siya at nakagawa si Fred ng paraan para magkaroon siya ng valid ID sa pangalang Rica Isabel Antonio. Kapag pera talaga ang magsalita lahat ay magagawa. Walang imposible. Ang pangalang iyon ang ginagamit niya kapag lumalabas siya ng bahay. Sa pangalang Rica Isabel Antonio din n

