Dominic’s pov HINDI natuloy si Dominic sa address na ibinigay sa kanya ni Madizon dahil nakipagkita sa kanya ang babae. Mabuti na lang at hindi pa siya nakakalayo sa lugar. Inayos nila ang suot na sombrero upang hindi sila makilala kung sakali man na magkaroon ng problema. Nagsuot din siya ng shades at ganoon din ang ginawa ni Madi. Nasa labas na sila ng apartment nina Ara at Cindy habang tinatawagan ni Madi ang mga ito. “Sigurado ka ba na ito ang lugar na tinutukoy nila?” tanong niya kay Madi. Hindi pa rin sumasagot ng tawag si Ara at Cindy. Kinakabahan siya sa lugar. May mga napapansin siyang mga lalaki na paikot-ikot sa naturang lugar. Sa tingin niya ay hindi lamang tambay ang mga iyon. Ang mga mata ng mga ito ay mailap din sa paligid. Mabuti na lamang at bullet proof an

