Joaquin’s pov HINDI INAASAHANG panauhin ang bumungad sa kanya. Sinadya pa talaga siya ng kanyang ama sa kanyang bahay dahil hindi siya umuuwi sa kanilang bahay. Napansin niya ang galit na mukha ng ama nang makita siya. At alam niya na kung bakit. Dahil na naman kay Madizon. Bahagya siyang tinulak ng ama upang makapasok ito. Deretso itong tumuloy sa loob ng kanyang bahay. Napapakamot na lamang siya habang nakasunod sa ama. Hinanda niya na ang sarili. “Ang tigas talaga ng ulo mo ano?” duro sa kanya ng ama nang nakapasok siya sa loob ng kanyang bahay. “Harap-harapan mo nang pinakikilala ang babaeng ‘yon sa mga tao?” galit na wika sa kanya ng ama. Kahit pa sixty-five na ito ay matikas pa rin ang katawan. Tuwid pa rin ito kung tumayo. Napakunot-noo siya sa sinabi ng ama. Hindi niya nagustuh

