Madi's pov HINDI napigilan ni Madi ang sarili at pinuntahan niya kaagad si Dominic. Kanina niya pa ito tinatawagan at hindi sumasagot ang lalaki sa kanya. Minabuti niya na lamang na puntahan ito. Kailangan nilang mag-usap. Habang nasa sasakyan siya ay laman ng balita pa rin si Guevarra at ang kasama nitong nakitang nakabigti na nag-ngangalang George. Hindi rin malinaw kung sino si George sa buhay ni Guevarra. Pakiramdam niya ay may pinagtatakpan ang balita. Wala pa ring malinaw na dahilan kung bakit pinatay si Guevarra. Ayon sa asawa ni Guevarra ay wala naman daw kaaway ang asawa nito. Labis ang pagdadalamhati ng asawa ni Guevarra sa sinapit ng abogado na para dito ay perfect. Napailing na lamang siya sa narinig. Puro papuri ang lumalabas sa bibig ng asawa ni Guevarra. Nakakasuka paking

