Madi’s pov HINDI magawang salubungin ni Madi ang mga titig ni Joaquin. Niyakap siya ng mahigpit ni Joaquin. “I texted you. I called you. I want to explain pero iniiwasan mo ako. You didn’t give me chance,” mahina ang boses na sumbat sa kanya ni Joaquin. “Sinaktan mo ako Joaquin? Anong mararamdaman ko sa ginawa mo?” sagot niya sa lalaki. “Alam mong hindi kita kayang saktan. Matagal kong pinangarap na maging akin ka. Sa tingin mo ba ay basta-basta ko lang iyon kakalimutan?” wika sa kanya ni Joaquin. Itinaas ni Joaquin ang kanyang mukha upang makita siya nito. “Plano mo bang saktan ako kaya ibang lalaki ang kasama mo ngayon?” tanong sa kanya ng lalaki. Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. “Kung kaya mo, kaya ko rin. Maraming lalaki diyan,” sagot niyang matigas ang

