CHAPTER THIRTY EIGHT

1459 Words

            Madi’s pov   KAHIT pagod at puyat ay hindi magawang makatulog ni Madi sa tabi ni Joaquin. Minabuti niyang bumaba na lamang upang magtimpla ng gatas. Hindi niya pa rin mapigilang hindi maawa kay Joaquin habang pinagmamasdan ito sa CCTV kanina. Bagsak ang balikat nito sa ilang ulit na pagdoorbell sa kanyang bahay.   Hindi naman nito alam na wala siya sa bahay.   Hindi niya maintindihan ang sarili. Pagdating kay Joaquin ay kaybilis niyang bumigay. Kaybilis maawa ng kanyang puso. Kahit nasasaktan siya ay hindi niya magawang hindi magalit kay Joaquin nang tuluyan. Ito pa rin ang hinahanap ng kanyang puso.   Ayaw niyang maging katulad ng kanyang Mama Teresa. Masyado nitong minahal ang bagong asawa hanggang sa nakalimutan na nito ang sarili nang dahil sa pagmamahal.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD