Madi’s pov NAKAMASID lamang siya kay Joaquin habang mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Napatingin siya sa orasan na nasa dingding. Five thirty in the morning pa lamang. Hindi niya na alam kung anong oras sila nakatulog kagabi. Nakayakap pa rin siya sa hubad na katawan ng lalaki. Dinadama ang init ng katawang nito. Hindi niya na yata kakayanin na nawala sa kanya ang lalaki. Nasasanay na siya sa presensiya nito. Sa pagmamahal nito ay unti-unti siyang nabubuo. Dahil kay Joaquin ay nangangarap siya. Nangangarap ng masaya at buong pamilya. Kay Joaquin niya nakikita ang kanyang hinaharap. Isa lang hinihiling niya ngayon. Ang gumaling ng tuluyan ang kanyang Ate Mari at matapos ang misyon nila ni Dominic. Gusto niya nang mamuhay ng normal. Nang tahimik, kasama si Joaquin.

