Mari’s pov NAKAMASID lamang si Mari kay Gener. Sa tingin niya ay magaling na ang sugat nito. Iba na rin ang suot na damit nito. Tulog ito nang dumating siya. Upang magising si Gener ay sinampal niya ito sa mukha. Nagulat pa ito nang makita siya. Tila ito naalimpungatan. “Ang sarap yata ng buhay mo?” tanong niya kay Gener. “Bakit hindi niyo pa ako patayin?” tanong sa kanya ni Gener. Ngumisi siya sa sinabi nito. Kung alam lang nito kung gaano siya kasabik na patayin ito ay ginawa niya na, pero hindi pwede dahil may plano siya. Mabuti na lamang at hawak niya ang cellphone ni Gener. Ilang beses din na nagtext si Mendoza dito. Pinapahanap nito kung sino ang pumatay kay Emman. Walang kaalam-alam si Mendoza na siya ang sumasagot sa mga text nito kay Gener. “Wag kang ex

