Wilma’s pov HINDI MAPIGILAN ni Wilma ang hindi tumulo ang luha. Sinadya niya talaga na ‘wag nang magsama ng driver upang hindi malaman ni Glenn ang kanyang lakad. Masaya siya para sa kanyang anak na si Joaquin. Alam niyang magiging masaya ito ng lubusan sa piling ni Madizon. Sa kislap ng mga mata ng mga ito ay nakikita niyang mahal na mahal ng mga ito ang isat-isa. Boto rin siya kay Madizon bilang asawa ng kanyang anak. Nakita niya kung paano masaktan si Joaquin noong piliin ni Olive ang career nito. Labis iyong dinamdam ni Joaquin kaya naman nawala ang pagkagusto niya sa babae. Pakiramdam niya ay ginagamit lamang nito ang kanyang anak at ngayon ay babalik sa buhay ni Joaquin para bawiin ito. Nakakatawa lang. Akala yata ni Olive ay hindi niya alam na sinundo pa ito ng kanyang asawa sa

