KABANATA 2

1023 Words
(ANNE POV) Uminom ako ng tequila ulit, nawala ulit ang kalasingan ko at back to normal ang katawan ko. Pag sapit ng 11:30 pm ay nag simula nang mag tipon tipon ang mga tao sa stage. Aba, kahit na mag isa lang ako ay hindi ako magpapa daig. Even at 22 ay may moves pa rin ako na pwede kong ipakita. Sumayaw ako kasabay ng pagsayaw ng maraming mga tao. Siksikan kami halos dito sa stage habang nagsasayaw. Ang sarap din pa lang maging single kahit papaano sapagkat wala nang lalaki ang magbabawal sa akin na lumandi. Subalit sa kalagitnaan ang pagsasayaw ko ay mayroong humampas ng pwetan ko mula sa likuran. "You've go some moves baby," ang bulong ng isang lalaking nasa likuran ko. Sa lamig ng boses niya ay gininaw ako ng biglaan. Lumingon ako at napatingala, ang tangkad pala ng lalaking ito at ang bango ng pabango niya, ganito rin ang pabango ng ex kong nakalimutan ko kaagad ang pangalan. Pagtingala ko, nakita ko ang isang lalaking may matamis na ngiti, mapukaw ang mga mata niya at mala machete ang hugis ng katawan. Ang tangos ng ilong niya at ang kapal ng kilay, at mapupula ang labi. But looking at him deeply, nagiging mukha itong babaero sa paningin ko. Subalit sumimangot ako sa kanya. I am not going to be swayed by his charming look. Maganda rin ako kaya may karapatan akong mag suplada. "Bastos ka ha! Ikaw ba ang humampas sa pwet ko!" Dinuro ko pa siya ng may pang gigigil. Pero imbes na matakot ay mas lumawak pa ang ngiti sa kanyang labi. Ganitong ganito ang mga lalaking saksakan ng yabang porket alam nilang may hitsura sila! "Ako nga, nakakagigil kasing hawakan eh! Magkano ba ang isang gabi? Name your price and I can afford it!" Mas lalong umangat ang kilay ko sa pang iinsulto niya. Sa inis ko pa ay tinulak ko siya papalayo. "Ang bastos mo ha!? FYI, I am not a pokpok, sana kung ganun man ako ay sumasayaw ako dito sa loob ng bar! Ikaw, mukha kang mayabang na lalaki na babaero, manyak ka pa nga eh! Get the hell out of here at baka magdilim ang paningin ko at masipa pa kita palabas!" He kept his annoying smile on his face and it's really frustrating. "I like you, mahilig ako sa mga babaeng mataray dahil kapag nagiging akin sila ay napapalambot ko ang puso nila." This guy, he really talks like a babaero pero sa lahat ng mga babaerong na encounter ko in the past, siya lang ang masasabi kong lantaran at aminado sa ginagawa niyang pambobola. "Not in my case, sorry but I do not flirt with anyone even if you have money. At para sa kaalaman mo, I am not single anymore!" "You are not single pero nandito ha?" I clenched my right fist, tumaas kaagad ang dugo ko sa lalaking ito. I've never been disrespected like this before. S'ya ang unang lalaking nambastos sakin! "P'wede ba tantanan mo na ako ha? Wala kang pakialam kung bakit ako nandito, I do not want to talk to stranger so go away!" Tumalikod akong muli sa lalaking ito at sumaway ako ng sumayaw. I want to feel the music, I want to be so wild tonight. "Kamusta nga pala yung whiskey na binigay ko sayo kanina? That one is the most expensive drink na binibigay ko lang sa mga babaeng natitipuha ko." Kinagat ko ang labi ko ng may pang gigigil, akala ko ay umalis na siya ngunit nandito parin pala para mang asar. I turned around and frankly spoke to him, "Sorry, I am not an easy to get girl at wala akong panahon sa mga katulad mo. I do not talk to strangers, much more to someone like you. Lumandi ka na lang ng ibang babae!" After speaking to him, nakaramdam ako kaagad ng panghihilo. My head is spinning right now and my vision is getting blurred. Ang huli kong nakita ay ang pagmumukha ng lalaking ito, ang lawak ng ngiti sa kanyang mga labi. Hinila niya ako papalapit sa kanya at ang huli kong naalala ay nakasandal ako sa dibdbi niya at hawak hawak niya ang pwetan ko. Nang mamulat ang akong mga mata, napansin ko na nasa isang kwarto ako. Ang bango, amoy pabango ni Clint. But f**k! Sumakit bigla ang ulo ko at pakiramdam ko ay nahihilo ako, ngunit nagulat ako ng may biglang humawak sa boobs ko at yumakap ng mahigpit, naramdaman ko rin ang init ng hininga ng katabi ko. As I turned around, nakita ko ang hambog na lalaking kupal kanina. Nakahubad siya at share pa kami sa iisang kumot. Nang makita ko siyang nakahubad ay napatingin na rin ako sa sarili ko. Tinanggal ko pa ang kumot ko at wala na ang panty ko. This guy just take my virginity! Sasampalin ko sana siya subalit napatingin ako sa wallet niya sa table. Sapakin? Sampalin? Saktan! Ito ang mga gusto kong gawin ito sa kanya pero mas matindi ang gagawin ko! Nahihilo man ako pero pinilit kong igalaw ang katawan ko. Sinuot ko ang panty at bra kong nakalapag sa sahig, pati ang damit at skirt ko kanina. Siguro ay pinag tatapon niya ang mga ito nang pinagsasamantalahan niya ako. Halatang nilagyan niya ng something yung inumin kong mamahaling whiskey kanina. Madalas akong uminom ng tequila and never did I experience dizziness kahit maka ilang lagok ako. So definitely, he did that to take advantage. Pero sorry siya kasi tuso akong babae at mas demonyo akong mag isip. After putting my clothes on, kinuha ko ang wallet niya na maraming lamang pera, credit card at debit card, mga id's, his name is Ivan at parang pang foreigner ang apilyedo nito. I even took his iphone at susi. Tama ang hinala ko, galante ang lalaking ito the very moment I laid my eyes on him. Lahat ng mga ito ay nilagay ko sa bag ko. Pag gising niya, gusto ko na wala na siyang madadatnan in the same way na naramdaman ko as of this moment na kinuha niya ang pinaka importanteng bagay sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD