(ANNE POV)
Hindi ko pinalagpas ang kanyang mga saplot. Pati nga ang kumot niya ay tinanggal ko rin, bahagya ko pang nakita ang sa kanya subalit tumalikod ako kaagad. Sumilip ako sa labas at nakita kong walang taong naglalakad.
Malakas ang kutob ko ka nasa motel kaming dalawa. Kinuha ko ang id ng Ivan na ito at binuksan ko ang kabilang kwarto na naka lock gamit ito.
Sa loob ay nilagay ko ang mga gamit niya, hinagis ko ang mga ito sa sahig gaya ng pag hagis niya sa mga saplot ko nang pag samantalahan niya ako.
I was not contented with what I did, before leaving, hiningi ko pa ang susi sa lobby ng motel at ni lock ko ang motel room na ito from the outside. He has nothing now, wala kahit na ano, tanging hubad na katawan niya ang madadatnan niya.
I am so sure na magiging malaking kahihiyan siya kapag nagising siya, ang lakas niyang gumawa ng mali sa iba and now I am going to be his karma. Even though my head is still spinning, naalala ko pa yung sinabi niya na marami na siyang naging babaeng biktima but now is the payback time.
Nang makalabas ako, I have realized na nandito pala kami sa Malate Manila. Ang layo ng ibinyahe ng kumag na 'yun para lang mai motel ako. Hayop siya, sana ay 'di siya makauwi ng maayos sa kanila.
Tingnan natin kung hanggang saan ang yabang niya if he found out na wala na ang lahat ng mga mahahalagang gamit n'ya. Sayang, paborito ko pa naman yung bar na yun sa Cavite ngunit di na ako makakapunta doon ever.
Nag taxi ako pag uwi ng bahay at ginamit kong pera ay ang nakuha ko sa wallet ng Ivan na ito. Puro tag iisang libo ang pera niya, may passport pa siya at dito ko nabatid na isa itong fil-am. That is why matangkad na lalaki s'ya. May iba pa s'yang mga ID, hinahanap ko yung company id n'ya but I failed to find it. Ang meron lang ay mga government issue id's nito.
"Ivan Falcon Bouchier."
Ang hirap i pronounce ang surname ng lalaking ito but in all fairness, he looks handsome sa picture. Walang filter, kung ano ang mukha nito sa passport ay ganun din sa personal.
Kinalkal ko pa ang wallet niya, may cheque pala s'ya na nakaipit sa pagitan ng tag iisang libo at dolyares na pera n'ya. Sakto at bayaran na ng tuition ni Jay, ang college kong kapatid, at kelangan ni May ng pambili ng gamit sa school ngaun na magpapasukan. Magpapadala ako sa probinsya today, nagpadala ako five days ago sa parents ko sa Batangas and tomorrow after kong pumasok sa work ko.
Instant money, instant happiness, ito ang masarap sa pakiramdam. Bagamat malungkot pa rin ako na isang mahalagang parte ng pagkatao ko ang nawala. Bago ako umuwi ay dumaan muna sa isang grocery store upang makapamili ng mga pagkain.
Aabot pa naman ng ilang araw ang mga noodles at delata ko subalit need kong mag dagdag ulit ng mga pagkain. Akala ko ay aabutin ako ng petsa de peligro ngunit may blessing na dumating sa buhay ko.
Kung nitong nakaraang araw ay maliit na basket ang ginagamit ko, ngaun ay push cart na. I never thought na magiging galante ako at kukuha ng mga masasarap na pagkain na dati ay pinapangarap ko lang.
Chocolate, mamahaling delata, at mga frozen foods, ice cream, at snacks. Then I started to pay using Ivan's money. Nasa ten thousand ang lahat ng mga pinamili kong pagkain, sapat na ito for one week.
After paying sa cashier, ang kapal pa rin ng wallet ng Ivan na 'yun na certified manyakol. I wonder what he is doing as of this moment. Nagising na kaya ang manyakol na 'yun? If he is already awake, then he knows na uuwi s'yang nakahubad.
Natawa tuloy ako sa harapan ng bagger at pinigilan ko ang sarili ko kasi baka isipin nito na nasisiraan ako ng bait. I could not help myself, sayang, I would love to see him na natataranta kung ano ang gagawin n'ya kapag nagising ito na mas matindi ang nawala sa kanya.
Mabigat ang dala ko but I am a strong woman kaya kinaya kong mag buhat ng dalawang plastic ng grocery papunta sa apartment ko na nirerentahan ko sa halagang 6 thousand per month.
Libre ang tubig ngunit ang kuryente ay may bayad. As a breadwinner living in Manila, survival mode ako parati. Halos ang lahat ng sahod ko sa pagko call center ay pinapadala ko sa parents ko sa province at pinambabayad ko sa mga bills. Mahirap ngunit ito ako eh, kaligayahan ko nang unahin ang pamilya ko.
Sayang nga, bigo akong makapag tapos ng pag aaral kasi kapos kami. That moment na huminto ako, nanghinayang ako sa pagiging valedictorian ko. Useless ang lahat ng medals ko, best in English ako when I was studying at di sa nag bubuhat ako ng sarili kong bangko ngunit perfect ko ang lahat ng mga exams ko.
However, I had to make some big sacrifices in life so lumuwas ako ng Manila upang makipag sapalaran sa isang BPO company.
Sa first BPO company na inapplyan ko ay nakapasa ako kaagad. Nag start ako after nesting hanggang sa lumaki ang sahod ko. But the downside of working here is the toxic customers na parating naninigaw at yung queue ng mga tawag. At kapag sunod sunod ang calls, no choice ako, I need to render over time.
Subalit dahil sa break up naming dalawa ni Clint, two days na akong absent without leave. I was not paid for my absents but it gave me enough space para magdamdam sa mga problema ko. Tomorrow, papasok na talaga ako kase matatanggal na ako nito.
Nang maka akyat na ako sa floor ng apartment ko, nakaramdam ako ng kakaiba. Dumapo ang kaba sa buong katawan ko. Ang tanging gusto ko sana ay maipahinga ang katawan kong pagod at masakit.
Kumulo ang dugo ko sa lalaking ito na ang kapal ng pagmumukha na mag pakita pa rito. He does not see me yet, at ayoko na mag pakita sa kanya. It reminds me of his betrayal.