"Kain ka lang ineng," sabi ng matandang lalakeng tumulong kay Nadia. Dinala siya nito sa isang maliit na carenderia malapit lang malaking palengke. Mabait naman ito at mukhang kagalang-galang, ibang-iba ang pananamit nito sa mga tao sa kanilang lugar. Dahil sa sobrang gutom pati naubos rin ang kaniyang lakas sa pag-iyak ay parang isang taon siyang hindi kumain. Hindi pa nga niya natapos nguyain ang unang subo ay sumubo pa siyang muli. "Dahan-dahan lang ineng, baka maibilaukan ka. Tsaka sa 'yo na lahat yan..." Nakangiti nitong sabi. Tinitigan lang ito ni Nadia at muling sumubo.
Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya kumain ng masarap. Nung nabubuhay pa yung Lola niya ay bihira lang silang makakakain ng isda o manok. Halos araw-araw ay gulay lang ang kanilang kinakain at prutas, ganun naman talaga pag namumuhay sa bukid, malayo ang palengke at bihira lang bumiyahe ang kaniyang Lola dahil may dinaramdam ito. Yung Nanay Gabina naman niya ay laging de latang sardinas ang ulam, hindi kasi ito nag-aabalang magluto. Minsan hindi na ito kumakain pagdating ng bahay kasi kumain na ito sa labas o minsan rin ay dun na kumakain sa pasugalan. Swerte na lang kung hindi itlog ang kaniyang ulam ay tuyong isda naman.
"Maraming salamat po," nahihiya pa niyang pasalamat sa matanda lalake. Naubos niya lahat ng inorder nitong pagkain. Tatlong order ng kanin, isang order ng adobong baboy, isang order rin ng kaldereteng baka at manggang parang ginawang ice cream (mango shake). Busog na busog siya, maraming salamat sa estrangherong ito at nakakain siya. Pakiramdam niya ay gustong sumabog ang kaniyang tiyan sa kabusugan.
"Ano pala ang pangalan mo ineng?" Tanong nito sa kaniya. Nag-angat ng mukha si Nadia at napansin nito ang maliit na pasa sa pisngi, na sa unang tingin ay akalain ito ay dumi lang sa mukha. "Teka, sinong may gawa niyan?" Hinawi nito ang buhok niya.
"A-ako po si Nadia..." Mahinang sagot nito na parang bumubulong lamang sa hangin. Tinakpan nito ulit ang pasa mukha gamit ang kaniyang mahabang buhok.
"Ineng, sino ang gumawa niyan sa 'yo?" Buong sinserong tanong ng matanda. Sobrang awa ito sa bata. "Wala po..." Kaila nito. "Nauntog lang po kasi ako..."
"Nauntog?" Kumunot ang noo ng ginoo, at hinawakan ng marahan ang kaniyang braso. "Eh ito? Napano ito?" Tukoy nito pati ang pasa ng bata sa braso.
"Aray..." Napangiwi ang dalagita sa sakit. Na bugbog ata ang laman niya sa sobrang paghahampas ng walis tambo ng kaniyang ina. Binitawan naman agad siya ng matandang ginoo.
"Sorry," sabi nito kay Nadia. He felt sorry for this child. Alam niyang minamaltrato ito base palang sa hitsura nito.
"Ang totoo po..." Yumuko ito at garalgal ang boses, pinipilit na huwag umiyak. "Kasalan ko rin naman po yun eh... Hindi po ako nakapag-sain at naghugas ng pinggan..." Natagpuan na lamang ni Nadia na sinasabi dito sa matandang ginoo ang nangyaring tagpo sa kaniya at ng kaniyang ina. Subalit, kahit ganoon pa man ang ginawa sa kaniya ay hindi niya magawang sirain ang sariling ina sa ibang tao. Sinabi niya pang siya ang may kasalanan kung bakit siya nasaktan nito.
----
"Oh hayan ang bayad," inabot ni Carlos ang lukot na lumang limang daang piso sa kamay ni Gabina. Kakatapos lang ang mainit nilang pagniniig.
"Teka! Bakit limang daan lang 'to?!" Angil ni Gabina kay Carlos. Nagbibihis ito sa kaniyang harapan habang siya'y hubad parin naka-upo sa gilid ng kama.
"Limang daan na nga yan! Nagrereklamo ka pa!"
"Hoy! Kulang ito!" Hindi niya alintana ang pagtaas ng kaniyang boses.
"Hoy! Pwedeng huwag kang sumigaw! Hindi lang ikaw ang tao dito sa motel! Tsaka pasalamat ka at five hundred pa ang ibinigay ko sa 'yo! Kontodo maluwag na ng yang pvke mong hindi na sariwa!" Nagpakasarap na nga ito sa kaniya ay nagawa din siya nitong insultuhin.
"Aba't gago ka ah---"
"Hoy! Hoy! Hoy! Anong akala mo sa sarili mo? First class prostitute? Na babayaran ka ng libo-libong pera?! Wow...!" Palatak ni Carlos. "Sobra din naman mataas ang tingin mo sa sarili mo! Baka akala mo di ko alam na isang daan lang binabayaran sa 'yo ng iba! Pasalamat ka't type pa kita kahit pa tumatanda ka na at hindi na mabenta!" Nginisian pa siya nito ng nakakaloko.
"Walang hiya ka!" Singhal niya sabay bato niya rito ang mga unan ng naturang motel. "Umalis ka na! Baka mapatay pa kita ng dis oras!" Nangangalaiti siya sa gali, pvnyetang buhay nga naman! Ginamit na nga katawan niya, nagpakasarap! Nagawa pa siya nitong insultuhin at ipamukha na wala ng lalake ang papatol at magbabayad sa kaniya ng malaking halaga.
"Oo na, oo na! Basta pag nakulangan ka ng pera at walang bigas ang palubugasan mo ay huwag kang magdalawang isip na lapitan ako." Tinapunan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa, yun bang hinahalay siya nito.
"Pvnyeta! Umalis ka na!"
Nang maiwan siyang mag-isa sa loob, ay hindi na niya matiis ang pagtulo ng kaniyang luha na kanina pa niya pinipigilan. Hindi lubusang maisip ang tahimik at simpleng buhay na meron siya noon ay humantong sa tila bangungot na panaginip.
Letseng buhay! Pero wala naman siyang magagawa, kailangan niyang ibenta ang sariling laman para lang mabuhay. Ang buhay na nakasanayan na niya...
-----
"Akin po ito lahat?" Nanlaki ang mga mata ni Nadia nang ibigay ng matandang ginoo ang apat na plastic bag na naglalaman ng samu't saring pagkain. May ilang prutas din at tsitsirya pang bata. Binilhan rin siya nito ng bagong tsinelas at isang headband na kulay dilaw.
"Oo Nadia. Sa iyo lahat ng mga iyan," nakangiti nitong sagot at ginulo ang kaniyang buhok na isang araw na ring hindi na sinusuklayan.
"Ang dami naman po nito Sir," dagdag pa niya. Ang lapad ng kaniyang ngiti, tiyak na matutuwa ang kaniyang Nanay Gabina nito.
"Tawagin mo na lang akong Tito. Alam mo may anak na babae din sana ako..." Saglit itong natahimik at lumongkot ang mukha. "Kaso namatay siya nang malunod siya sa ilog...kaya natutuwa ako sa mga batang babae na may mahabang buhok at morena. Naalala ko ang anak ko..." Inosenteng tinitigan lang siya ng dalagita, makikita sa mga mata nito ang pakikiramay nito sa kaniya. "Tara ihahatid na kita..." Pag-iiba niya ng usapan.
"Ah huwag na po Tito," tanggi nito. "Dun lang naman sa kabilang kalye ang bahay namin, tsaka baka malalagot din ako kay Nanay pag nagkataon... Pero Tito... Maraming-maraming salamat po sa lahat ng mga ito, balang araw mababayaran ko rin po kayo. Sana po ay magkita ulit tayo balang araw."
"Walang anuman yun Nadia," buong sinsero niya sa dalagita. "Sandali..." May hinugot ito mula sa bulsa ng suot nitong amerikana. "Oh eto...itago mo ito." Ibinigay niya sa mismong palad nito...pera!
"Naku po!" Tili ni Nadia nang makitang isang libo ang ibinigay sa kaniya ng matandang ginoo. Kaya hindi siya nagdalawang isip na yakapin ito, isang yakap na nakaramdam siya ng saya sa kaniyang puso, isang yakap na kahit kailan ay ipinagkait sa kaniya ng sariling ina. Isang yakap kung saan nararamdaman niyang walang sinuman ang pwedeng manakit sa kaniya. "Maraming salamat po Tito..."
----
Magkasalubong ang mga kilay ni Gabina nang madatnan ang anak nitong si Nadia sa loob ng maliit nilang bahay at may pagkain na ang kanilang maliit na mesa.
"Hoy!" Agad na lumingon ang anak sa gawi niya. Namutla ito nang makita siya nito. "Saan galing ang mga iyan?"
"M-may nagbigay po..."
"Sino ang nagbigay?!" Nilapitan niya ang anak bago sinuri ang mga pagkaing dala nito.
"H-hindi k-ko po a-alam Nay," nauutal nitong sagot dahil sa labis na takot. Sa panliliksik palang ng kaniyang mga mata ay nanginginig na ang mga tuhod ng dalagita.
"Hindi mo alam? Binigyan ka ng pagkain pero hnd mo alam?" Sita niya rito.
"To-totoo po iyon Nay... N-namamalimos po a-ako nun nang lapitan niya ako." Hindi ito magkandaugaga sa kinatatayuan. May dinudukot itong kung ano sa loob ng suot nitong shorts.
"Pati rin ba yang tsinelas mo?" Napansin rin niyang bago ang suot na tsinelas ng anak. Na pa-isip siya, siguro isang mayamang tao ang nagbigay sa anak niya.
"N-nay oh..." Ganun na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang ilahad ni Nadia ang isang libong piso sa kamay niya.
"Pera..." Kinuha niya iyon sa anak at tinitigan ito. Sino kaya ang nagbigay nito sa kaniyang anak?
Inamoy niya pa iyon at sinuri. "Totoong pera nga..." Bulong-bulong niyang mag-isa.
Ang akala ni Nadia ay matutuwa ang kaniyang Nanay Gabina, subalit hindi din pala.
"Ikaw! Nagnakaw ka noh?!" Bulyaw nito nang harapin siya. Sinampal siya nito at muling sinaktan.
"Aray Ina... Hindi ko po yan ninankaw! Huhuhu" umiiyak nitong sabi habang iniiwasan ang paghampas niya ng walis.
Sa di kalayuang sulok, tanaw na tanaw ng matandang ginoo ang ginagawang pananakit ni Gabina sa anak. Na-kuryoso kasi siya kung saan nakatira ang bata at sino ang may gawa sa mga pasa nito sa katawan. Ngayon, kitang-kita ng dalawa niyang mata ang pagmamaltrato ng sarili nitong ina. Awang-awa siya kay Nadia, sa kaibuturan ng kaniyang puso ay nakaramdam siya na gusto niyang ilayo ang dalagita sa sarili nitong ina.
"Buwiset na bata! Malas na nga sa buhay ay magnanakaw pa!" Gigil na tinapon ni Gabina ang balde sa maliit na katawan ng anak.
Binintangan na nga niya ng magnanakaw pero kinuha naman niya ang pera. Wala siyang ganang kumain, kaya dun na lamang muna siya lilipas ng oras sa pasugalan.
Naiwang umiiyak at basang-basa ang suot na damit Nadia. Hanggang kailan ba ganito ang kaniyang ina? Hanggang kailang siya magdudurusa sa mga kamay nito?
Sa kamay ng sarili niyang ina...