Tres

1511 Words
"Ano yan?!" Maangas na tanong ni Gabina sa anak nang magising ng umagang iyon. Sumasakit kasi ang kaniyang ulo dahil sa hangover, nag-inuman sila ni Carlos kagabi sa mismong bulok at masikip nilang bahay. "T-tambang tuyo inay at...at ano po..." Nanginginig na sagot ni Nadia habang nakikitang hindi na maipinta ang mukha ng ina. "Sunog na itlog?!" Singhal nito at hinampas ang mismong plato sa pagmumukha ng anak. "Letse! Ke-tanda-tanda mo na hindi ka pa rin marunong magluto ng itlog?! Punyetang buhay oo!" "Huhuhu inay, sorry po... H-hindi ko po sinasadyang su---"  magkandaugagang iyak ni Nadia subalit di siya pinatapos ni Gabina at isang malakas na hampas ng platong naglalaman ng tuyo at itlog ang ibinigay nito sa anak. "Nagdadahilan ka pa ha!" Bulyaw pa ni Gabina sa anak. "Huhuhu... Inay... Sorry po..." "Leche! Puros ka na lang sorry! Kahit kailan pabigat ka talaga de pvta ka!" "Hoy! Ano ba kayo kay aga-aga ang inay mo Gabina!" Biglang lumabas si Carlos mula sa maliit na kuwarto kung saan sila nagtalik buong magdamag ni Gabina. Papungas-pungas pa ito, magulo ang buhok at walang suot na pang-itaas. "Eh kasi itong walang kwentang babae hindi marunong magluto!" Dinuro-duro pa ni Gabina ang sariling anak sa may ulo. "Kahit kailan pabigat lang ito at walang silbi! Napaka-bobo pa! Letse!" Patuloy lamang ang pag-iyak ni Nadia, siguradong magkakapasa na naman ang kaniyang mukha. Kahit kailan hinding-hindi magsasawa ang kaniyang Nanay Gabina na saktan siya. Hindi na nga siya nakatulog kagabi dahil sa ingay ng mga ungol at halinghing ng mga ito tapos ay sasaktan pa siya dahil lamang sa iisang pagkakamaling hindi niya sinsadyang sunugin ang piniritong itlog. Walang tigil ang pag-agos ng kaniyang luha dahil sa nararamdamang awa para sa sarili. Kung sana nabubuhay ang kaniyang Lola, hinding-hindi siya mapupunta sa poder ng kaniyang sadistang ina. Naramdaman na lamang ni Nadia ang paglapit ni Carlos sa kaniya. Kahit kailan hindi niya talaga nagugustuhan ang lalakeng ito para sa ina, bukod sa wala na ngang itsura mukha pa itong rapist. Napaitlag siya at bahagyang umatras upang sumiksik sa sulok ng kusina nang ayusin nito ang tumatabong buhok sa kaniyang mukha. "Bakit mo naman hinampas ng plato ang anak mo baby?" Baling nito sa kaniyang ina, nakakaumay ang pag tawag nitong 'baby'. "Kawawa naman itong anak mo..." Hinaplos nito ang kaniyang makinis at inosenteng mukha, bagay na ikinilabutan siya. "Awa?! Di yan dapat kaawan! Ama nga niyan ay dinaig pa ang demonyo yan pa kaya. Kung ano ang puno siya ring ang bunga Carlos! Kaya huwag kang pauuto sa mala-anghel na pagmumukha niyan!" Palatak ni Gabina, sumindi ito ng isang stick ng mighty red at humihit dun. "Pvtang inang buhay 'to kahit kailan! 'Yan kasi ang malas sa buhay ko!" "Hindi malas si Nadia sa buhay mo Gabina," ani ni Carlos habang ang mga mata ay matiimtim nakatitig sa dalagita---mula ulo hanggang paa. At di kalauna'y ngumisi ito na parang aso. "Ang ganda pala ng anak mo Gabina! Mas maganda pa kay sa sa'yo!" "Anong sabi mo?!" Nanlilisik ang mata ni Gabina at di maiwasan ang pagtaas ng boses nito. "Ikaw naman!" Tumayo si Carlos at hinapit siya sa baywang. "Siyempre maganda ka din, kasi ikaw ang nanay..." Anito sa malambing na boses habang hinahalik-halikan ang leeg ng babae. "Lokohin mo lelang mo bwiset ka!" Nagtatapang-tapangang angas ni Gabina, pero sa isang saglit humarap ito kay Carlos upang siilin ng halik ang mga labi nito. Umiwas na lamang ng tingin si Nadia, dahil nandidiri siya sa kaniyang nakikita. "Doon tayo...may sasabihin ako..." Narinig pa niyang sabi ni Carlos sa kaniyang ina, mukhang magtatrabaho na naman ng milagro ang dalawa. Ilang minuto pa ang nakalipas, naiwang siyang mag-isa sa kusina. Wala na rin ang kaniyang ina pati ang lalake nito, minsan naisipan na rin niya ang layasin ang ina pero wala naman siyang mapupuntahan at ito na lang din ang nag-iisang pamilyang meron siya. Sa huli ay isa-isa niyang pinulot ang nakakalat na pagkain. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa plato, nanghihinayang siyang itapon ang mga iyon kaya kinain na lamang iyon ni Nadia kahit pa nadumihan ang mga iyon. ------- "Hoy! Bumangon ka diyan! Hapon na ay natutulog ka pa! Kahit kailan napakawalang kwenta mo talaga!" Ginising siya ng kaniyang ina gamit ang isang paa nito. Natataranta naman siyang bumangon, hindi niya napansin nakatulog pala siya pagkatapos mag linis ng kanilang maliit na bahay. Buong araw wala ang kaniyang ina kaya malaya siyang umiyak nang umiyak ng araw na 'yun. "Oh hwag ka na magsaing. Maligo ka na dun! Gusto kong maligo ka ng mabuti at magpabango ka! May pupuntahan tayo!" "Saan po ta---" "Huwag ka na ngang magtanong! Sundin mo na lang ang mga inuutos ko!" "O-opo Inay..." Aniya sa mahinang boses, takot siyang baka bigla na lang siya ulit nitong hampasin o di kaya sampalin. Sinunod niya ang utos ng kaniyang ina, pagktapos ay nagsuot ng damit. Isang maluwag na t-shirt at kupas na pantalon na halatang napaglumaan ng panahon, subalit pinalitan siya ng damit ng kaniyang ina. ---- "Inay ayoko po inay...pakiusap po inay...huhuhu" pilit niyang kumalas sa mahigpit na pagkakahawak ni Gabina sa kaniyang pulso. Hindi man siya nakapag-aral ng maayos pero hindi siya bobo para hindi malaman kung ano ang tumatakbo sa utak ng ina. "Tumahimik ka! Pwede bang huwag kang iiyak-yak dyan! Nasisira ang make-up mo! Paano tayo magkakapera niyan?!" Singhal nito sa kaniya. "Inay..." Ilang beses siyang napalunok pati luha nalunok na din ata niya. "Huwag po ganito inay...ayoko po! Nakikiusap po ako inay... Kahit mamamalimos ako ay gagawin ko huwag niyo lang po ako ibenta! Inay! Maawa ka!" Subalit walang puso si Gabina at nagmistulang bingi, isang malutong na sampal pa ang isinagot nito sa pagmamakaawa niya. "Isa pa Nadia! Isa pa! Kung hindi ka titigil hindi lang sampal ang aabutin mo sa akin!" Nangangalaiti nitong sigaw sa kaniyang pagmumukha. Dali-dali tiong pumara ng tricycle, "bilis sakay!" Utos nito. Sa di kalayuan, isang itim na kotse ang nakaparada sa isang sulok ng bahagi ng kalsada. Hindi man sinasadyang mapadpad siya dun ay muli niyang nakita ang pagmamaltrato ng babae sa sarili nitong anak. Ewan ba niya kung bakit sa tuwing mapupunta siya rito sa lugar na ito ay ganito lagi ang eksenang sumasalubong sa kaniya. He felt sorry for what he sees, he felt sorry for the young girl. He clenched his jaw at di namalayang sinusundan na pala niya ang tricycle. Para bang may nagsasabing kailangan niyang iligtas ang bata. ---- Kanina pang pabalik-balik si Carlos sa kaniyang kinatatayuang entrance ng Diamond waves. Isa itong kilalang bar kung saan dumadayo ang iba't ibang parokyanong mahilig sa mga teenager na babae. Ilang beses na niyang nakita ang anak ni Gabina pero kaninang umaga lang niya itong pinakatitigan. Maganda ang tsinita nitong mata, perpekto rin ang hugis ng ilong nito bagama't hindi ito kasing tangos tulad ng kaniyang ina ay nababagay parin ito sa hugis puso nitong mukha. Ang manipis nitong labi na medyo maputla pero maganda parin tignan. At dahil alam niyang walang ka-amor-amor etong si Gabina sa anak ay sinulsol niya ito at kinumbinsing ibenta ang anak, tiyak na marami ang magkaka-interes dito. Kumbaga 'young meat' fresh and delicious. So ibig sabihin makakarami sila ng entrada ngayon lalo pa't birhen ito. --- "Naku Nadia tigil-tigilan mo ako sa mga hikbi-hikbi mong 'yan! Naalibadbaran na talaga ako sa'yo! Ayusin mo itsura mo!" Untag ni Gabina sa anak, lulan sila ng tricycle papuntang Diamond waves. Nakatuon ang kaniyang mga mata sa daan kaya hindi niya nakikita si Nadia maliban na lang sa naririnig niyang pag-ingos nito. Pinahid naman ni Nadia ang mga luha sa kanyang mukha gamit ang isang palad, samantalang si Gabina ay walang humpay ang pagdakdak sa kaniya. Natigilan lamang ito ng mapansin nitong dahan-dahang nag-slow down ang pagtakbo ng tricycle hanggang sa tuluyang namatay ang makina. "Oh anyare manong?!" Tanong ni Gabina sa nagmamaneho. "Naku! Ale! Pasensiya na mukhang sira na talaga sparkplug ng tricycle ko." Hinging paumanhin nito. "Maghintay na lang po kayo ng ibang tricycle na daraan." "Ano?!" Dismayadong tinapalan ni Gabina ang sariling noo. "Wala namang dumaraang tricycle dito! Peste talaga oo! Kahit kailang napakamaalat mo talagang bata ka!" Hinatak niyang pababa ang dalagita. "Aray inay..." Mahinang tili nito. "Oh ayan bente!" Inabot ni Gabina ang bayad nila. Napakamot ng ulo ang driver. "Ale kulang po ito," angal nito. "Ampota naman! Nasiraan ka na nga! Mabagal ka pang magpatakbo, may gana ka pa talagang magreklamo!" "Eh sa kulang nga po ito..." "Ako na ang magbabayad..." Isang boses ng lalake ang umeksena. Kinuha nito ang bente at ibinalik kay Gabina. Dumukot ito ng wallet at kumuha ng isang daan at ibinigay sa driver. "Mukhang mayaman..." Sa isip-isip ni Gabina habanag sinisipat ng tingin ang estrangherong nasa kanilang harapan. Si Nadia nama'y nanatiling nakayuko at takot sa ina. "Maraming salamat Mister..." Ngumiti ng kay tamis-tamis si Gabina rito nang humarap ito sa kanila. "Walang anuman, ako nga pala si Don Hernan Buenaventura," pakikilala nito at naglahad ng kamay. Dali-dali naman iyong tinanggap ni Gabina ngunit ang mga mata ng nagpakilalang Don Hernan ay nakapukol sa nayukong dalaga. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD