Diez

1762 Words
Muntikan na mabangga ni Nadia ang isang tricycle sa sobrang bilis ng kaniyang pagmamaneho, ni hindi na nga niya nagawang hintuan ang mamang driver para humingi ng paumanhin. Si Don Lorenzo lang ang tanging iniisip niya sa ngayon. Labis-labis ang kaniyang pag-alala sa lalakeng nagpalaki, nag-aruga at nagmahal sa kaniya na parang tunay na anak. Kung hindi dahil dito, malamang sira na ang buhay niya sa kamay ng sariling ina. Subalit nang makarating siya sa ospital sa bayan ay wala roon sila Aling Pet, malamang sa kabilang musisipyo pa dinala ang Don. Halos liparain na niya ang sasakyan, kung pwede lang niya pang mas bilisian ang pagtakbo ang ginawa na niya. Subalit sa kasamaang palad ay nawala pa iyon ng gas at na overheat pa ata ang makina, luma na kasi at matagal nang hindi ginagamit. "Diyos ko! Tulungan niyo po ako makarting sa aking ama..." Mangiyak-ngiyak niyang dasal habang palinga-linga, nagbabasakaling may sasakyan daraan. Pinagdarasal na lamang niya na sana ay okay lang ang Don. Samantala... "We need to transfer the patient to a complete facilitated hospital," sabi ng doktor kay Tristan nang maipasok ang ama sa loob ng emergency room kasama si Aling Pet. "Mahirap po ang kondisyon ng pasyente. He needs further treatment." "Do whatever you need to do!" Tugon ng binata. Tumango ang doktor at sinenyasan ang mga nag-a-assist na mga nurse para tulungan ilipat ang pasyente sa ambulansiya. ---- Hinihingal at pawisan si Nadia nang makarating sa ospital, hindi alintanan ang pagod at gutom. Sinipat niya ang suot na relos, alas otso y media na pala ng gabi. Laglag ang balikat nang malaman niyang inilipat ang Don sa mas malaking ospital dahil sa kondisyon nito. Paano na yan? Paano niya hahabulin ang mga ito...? "Ma'am, kaano-ano niyo po ba ang pasyenteng si Lorenzo de Vega?" Tanong ng isang lalakeng nurse nang makalabas ito sa emergency room. "Sir, adopted daughter po ako." Pinahid niya ang luha sa mga mata. "Halika na Ma'am. Ihahatid na kita dun, papaunta rin naman ako sa ospital." Ngumiti ito sa kaniya, mukha namang mabait yung lalake, "sasakay po tayo sa ambulansiya, may ihahatid po akong papeles." "T-talaga po?" Hindi maiwasan ang maiyak lalo. Kahit pa na malas siya sa daan pero sinuwerte parin siya't may taong nag magandang loob para ihatid siya sa kaniyang ama. ---- Sa isang well-known private hospital dinala si Don Lorenzo. Malayo ito sa Hacienda de Vega, mga apat na oras itinagal ang biyahe, mabuti at naroon si Aling Pet para samahan si Tristan. Wala namang imik ang binata, hindi rin ito kinakausap ng kanilang kasambahay, hinayaan na lamang nito kung ano man ang gusto nito. Takot rin naman si Aling Pet na mapagbalingan ng galit. "Aling Pet," lumingon ang kasambahay sa among binata, "baka nagugutom na kayo..." "Ah..h-hinde..." Bahagya itong ngumiti, "huwag mo akong aalalahanin, kumain ako bago natin isinugod sa ospital ang Papa mo..." Napatango-tango na lang ang binata. Magkatabi silang nakaupo sa malambot na couch ng waiting area ng ospital. Hindi man sabihin ng binata, pero batid ng ginang na nag-aalala rin ito para sa ama. Hindi nga lamang nito ipinapakita. Naiintindihan niya kung bakit ito galit sa ama, nilason ng sariling ina ang isip nito. Ang totoo, hindi ang ina ni Tristan ang dapat sana pinakasalan ng Don. Alam na alam niya ang kwento ng mga ito, dahil nung nasa kabataang edad pa lamang si Aling Pet ay saksi siya sa kwentong pag-ibig ni Don Lorenzo. Si Remedios, siya ang babaeng labis na iniibig ng Don. Isa siyang anak ng mga trabahador ng hacienda na nagkaroon ng lihim na relasyon kay Lorenzo. Maganda at simpleng babae lamang si Remedios... Ngunit nagbago ang lahat ng dumating ang ina ni Tristan. Anak ng isa sa mga kumpare ng ama ni Don Lorenzo. Maganda, sopistikada at isa rin anak mayaman. Ipinagkasundo silang ikasal, ayaw man ni Don Lorenzo ay wala siyang magawa lalo pa't pinukot din ito ng ina ni Tristan at ang binata nga ang naging bunga. Nasaktan ng labis si Remedios at nilisan ang hacienda, pero hinabol ito ng Don. Mabait naman ang ina ng binata, minahal nito ang Don sa kabila ng malamig na pagtrato nito sa kaniya. Lingid sa kaalaman ng ina ni Tristan ay nakikipagkita parin ang kaniyang asawa pati na ang dalagang si Remedios. Nagalit ang ina ni Tristan, siyempre kahit sinong asawa ay magagalit sa ginagawang pagpependeha nito sa kaniya! But despite of it all she still tried to be a good wife to Lorenzo... But still she could feel ang kaibahan... Tristan's mom changed because of anger, hate and jelousy! Hanggang sa nagawa nitong pagplanuhan na ipapatay ang ang dalagang si Remedios. Ang hindi niya lang alam... Nahuhulog na pala ang loob ng kaniyang asawa sa kaniya... And Lorenzo is trying to end up the relationship he has with Remedios. Tuluyan na siyang nabulag sa galit nang makita ang dalawang naghahalikan sa huling pagkakataon... and every word that Lorenzon said doesn't matter to her anymore. Her heart was too hurt, too tire of all the pains that turned her into a monster. Gaya ng ng plinano nito, may inutusan siyang tao para patayin si Remedios, and now it's Lorenzo's turn. She took Lorenzo's money, pinakialaman rin niya ang lahat ng mga dokumento ng ari-arian ng asawa, she wanted revenge! Na kaya rin niyang gawin ang mga bagay na ginagawa ng asawa sa kaniya. One night she planned everything, isang trabahador ng hacienda. Alam niyang may lihim itong pagtingin sa kaniya, kaya inakit niya ito at alam niyang makikita sila ng asawa. What a sweet and painful revenge! Nakita niya sa mga mata ni Lorenzo ang sakit! Kulang pa yan! She never run away with that man. Yan ang pinaniwala niya sa lahat ng tao sa hacienda. Na isa siyang masamang babae! Kumabit sa ibang lalake! Na pera lang ang dahilan kung bakit siya pumayag magpakasal kay Lorenzo. Dinala niya si Tristan... At dahil sa galit para sa asawa ay nagawa niyang i-brain wash ang sariling anak and the rest was history. That's the twist of Don Lorenzo's love story... And as for Tristan kung bakit ganun na lamang ang pakikitungo niya kay Nadia....ay malalaman niyo soon... ---- "Stable na ang lagay ng pasyente, pero he's now half paralyzed. Kung mapapansin niyo, hindi niya naigagalaw ang sa right side ng kaniyang katawan." Paliwanag ng doktor, "he still can talk, kasi hindi naman apektado ang left side ng kaniyang brain which is his speech. Medyo malaba nga lang." The doctor added. Tristan didn't say anything, his arms were crossed while his one hand is rubbing his chin. "Mabuti naman po kung ganun..." Naiiyak na sabi ni Aling Pet. "Salamat po Dios ko..." "But... We found out something more serious." Tumungin ang doktor kay Tristan, "I'm afraid your father is positive for lung cancer and it is already in stage four." "What?!" Tristan frowned, "what the hell are you talking about?!" He scowled. Pero bago pa man sumagot ang doktor ay narinig nila ang pag-click ng doorknob at bumungad sa kanilang paningin ang hinihingal na si Nadia. "M-ma... Ahm... G-good evening!" She shyly greeted them as she was catching her breath. "Anong ginagawa mo dito?!" Tristan growled through gritted teeth. "Ama ko rin siya!" Tuluyan na siyang pumasok sa loob! Hindi siya papaapi dito sa ngayon! Iba na ang usapan pag dating sa kaniyang ama. "I have the rights to see the man the who raised me." She sternly said. Sinalubong niya ang mga titig nito. "Anak din ako ni Don Lorenzo! Hindi man kami magkadugo, hindi man kami magka-apelyido pero ama ko rin siya!" Taas noo niyang sabi, "and I won't forgive you if anything wrong will happen to him!" Hindi siya sinagot ng binata, tinitigan lang siya nito. Nakita niya ang pagtigas ng mga panga nito, at pagkaraan ay tumaas ang isang sulok ng labi nito at binigyan siya ng nakakauyam na ngiti. "Whatever!" He snorted at tinalikuran siya. "Siguro mas maganda, if we will have this conversation private, doctor." Binalingan nito ang doktor. Hindi na lamang pinansin ni Nadia ang sinabi nito, though nararamdaman niya parin ang sakit, pinamumukha lang ni Trista na wala siyang karapatan malaman tungkol sa kondisyon ng ama. Tinanguan na lamang ng doktor si Tristan at lumabas, sinundan rin naman ito ng binata. Naiwan sila sa loob ni Aling Pet. Nang makaalis ang dalawa, ay agad niyang sinugod ang ginang at niyakap ito ng mahigpit. This is all what she needs! Isang mahigpit na yakap para hindi maramdaman na nag-iisa lamang siya. "Aling Pet..." Humaguhol siya sa dibdib nito. "Sana umuwi ako ng maaga... Sana hindi nangyari ito kay Papa... Na ilayo ko sana siya kay Tristan... Para hindi sana sila nag-away..." "Ssshhh... Huwag ka nang umiyak! Ipagdasal na lamang natin na gagaling ang Papa niyo..." Hinaplos nito ang kaniyang buhok. "Huwag mo na lang pansinin si Tristan... Ang importante narito ka na." Naiiyak na rin ito. ---- Madaling araw palang ay umalis na si Aling Pet, para umuwi sa hacienda. May mga ipinagawa si Tristan dito, atsaka kailangan niya sin magligpit ng ilang gamit para dalhin pabalik sa ospital. Naiwan nagbabantay sa loob si Nadia, hindi siya umalis sa tabi ng Don. Buong magdamag ay tinitigan niya lamang ang ama, at sa tuwing gumagalaw ito ay agad niyang inaasikaso. Narinig niya ang pagbukas ng pintuan, alam niyang si Tristan iyon. Alam niyang mupo ito sa mahabang couch, pero hindi man lang siya nag-abalang lumingon dito. Ilang sandali pa ay tumayo ito at lumabas. "Saan kaya iyon pupunta?" Bulong niya. Naramdaman niya ang pamimigat ng kaniyang talukap, "please Nadia... Huwag ka munang matutulog..." Pakiusap niya sa sarili, pero dahil sa lamig ng aircon, dagdag pa ang sobrang pagod at gutom ay tuluyan na siyang naigapos ng antok. Tuluyan na siyang nakatulog. ---- Lumabas si Tristan upang bumili ng kape sa isang nearby na coffee shop sa ospital. Kanina habang nakatalikod si Nadia, ay tinititigan niya ito. Na pa-isip siya kung kumain na ba ito, kasi kahit siya ay hindi pa din kumakain. So he decided to go get something to eat, pero nang bumalik siya sa loob ay tulog na ang dalaga. He went near her and couldn't help himself but stare at her face... She's beautiful. Aminin man niya o hindi but she's really attractive, kaparehas ng babae sa larawan kaniyang nakita sa mga gamit ng kaniyang ina, though the woman in the picture has the same age as his mother. And his mom told him... Kerida iyon ng kaniyang ama. He shrugged his shoulder and sighed heavily. He went out and requested for another blanket, and went back to Nadia. He carried her and transfered on the couch, dahil sa sobrang pagod siguro ng dalaga ay hindi nito naramdaman. Kinumtan niya ito at hinayaang matulog. He took over her place, natawa na lamang siya nang ma-realized hindi lang pala isang tao ang binabantayan niya kundi dalawa. "What a lucky b***h!" He smirked while drinking his cup of coffee.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD