"Lumapit ka nga dito!" Maangas na saad ni Tristan kay Nadia. "O-oo andiyan na!" Natatarantang tugon ng dalaga habang karga-karga ang malaking payong. Nagmistulang yaya siya ng binata ng araw na iyon. Pagkatapos kasi nilang kumain ng almusal ay pinakiusapan siya ng Don na dalhin ang anak nito sa pagawaan at para ipakita na rin sa binata ang malawak na lupain ng hacienda.
"Bakit ba ang bagal mong maglakad?!" Magkasalubong ang makakapal at well-shaped nitong kilay na bumagay sa deep set nitong mata.
"Huh?" Wala sa sariling tanging sagot nga dalaga. Naasiwa, natatakot at humahanga siya sa binata, all at the same time.
Takot dahil hindi parin niya nakakalimutan ang ginawa nitong kapangahasan sa kaniya kagabi. Siyempre diba... Ang awkward ng sitwasyon nilang dalawa, mabuti na lang at mukhang di nga nito naalala ang ginawang paghampas ni Miyang sa ulo nito.
Kanina ay halos himatayin na silang dalawa ni Miyang nang tumayo si Tristan at nilapitan ang kasamabahay, yun pala ay kinuha lang nito ang ice pack na dala.
Paghanga, dahil isa naman talaga itong nabubuhay na ebidensiya na sadyang nilikha itong perpekto ng Diyos. Kahit sinong babae ay mapapalingon talaga dito, at kahit sinong Eba ay pwede nitong paibigin ng walang kahirap-hirap.
"Tsk!" Tristan rolled his eyes at nagpatiunang maglakad sa kaniya. Nagkandatalisod naman siya sa kakahabol dito habang hawak-hawak ang payong. "S-sandali..." She tried coping up with him, ang lalaki kasi ng mga hakbang nito.
"S-sandali T-tristan..." Nagkandautal-utal niyang sabi habang iniiwasan ang malalaking bato para hindi siya matalisod. "Hinay-hinay lang tayo... Para naman ma-tour kita." Aniya sa binata ang hindi niya alam huminto na pala ito sa paglalakad at dahil ang mga mata a nakatuon sa malubak na daan ay hindi sinasadyang mabangga siya sa malapad at matigas nitong likura.
"Aray..." Mahina niyang tili nang bumagsak siya sa lupa.
"You know what?" Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Your presence annoys me so much!" Tristan said with full of disgust. Why does he hates her that much?
Naiwan siyang nakatunganga habang sinusundan na lamang ng tingin ang papalayong binata, ni hindi man lang siya tinulungan. Kung tutuusin dapat nga sana ay siya ang dapat magalit dito, pero ang labas ay parang ito pa ngayon ang na aagrabiyado.
Tumayong mag-isa ang dalaga, nagalusan rin ang kaniyang mga kamay pero okay lang. Pinagpag niya ang nadumihan niyang damit, gusto niyang maiyak... Parang naalala niya muli ang kaniyang ina. Parang ganito rin kasi...
Subalit hindi siya papa-apekto, ginagawa niya ito para sa kaniyang Papa, bilang ganti sa lahat ng ginawa nitong kabutihan para sa kaniya ay pagpapasensiyahan niya ang anak nitong nagmana ng ugali kay Taning!
Pinulot niya ang lumipad na payong, at pagkaraan ay hinabol parin niya ito.
---
"Eto nga pala ang taniman ng mga tubo..." Nagmistulan siyang tour guide ng binata na wala namang interes na makinig sa mga sinasabi niya. "Araw-araw ay may mga trabahador tayo dito at nag-aani ng mga tubo, syempre hindi nila pinuputol lahat ng mga iyan para naman may ma-ani pa tayo sa susunod." Sinulyapan niya itong abala sa pagbubusisi ng cellphone, pinagpatuloy parin niya ang pagsasalita kahit halatang hindi naman talaga ito nakikinig sa kaniya. "Actually, ang taniman ng tubo ay ten hectars... Sa kabilang dako nama'y makikita mong nakatanim ang ilang mga mais, pinya, rami..." Tsk! Hindi parin ito nakikinig. "Yung mga tinatapon ng mga akala mong basura ay isinasantabi ko para makagawa ng mga handy crafts..."
"Handy crafts?" Natigilan siya sa pagsasalita ng tanungin siya ng binata. So nakikinig naman pala ito sa kaniya. Ngumiti siya rito. "Oo... Isa rin ang mga iyan na nagawa kong i-deal para ma-export sa ibang bansa." Proud niyang sabi.
"I see..." He gave her a boring look and took out a cigar out of his pocket. Sinindi nito ang dulo at humithit.
"Dadalhin kita sa pagawaan para naman maipakilala k---" napatigil siya sa pagsasalita nang ibuga nito ang usok sa mukha niya sanhi para siyang maubo.
"Don't bother! Kaya kong ipakilala ang sarili ko sa mga tauhan ng hacienda. I don't need you." He said walking away from him.
Napakibit balikat na lamang si Nadia. Kakayanin kaya niya ang magpasensiya rito? Sinundan na lamang niya ito sa likuran.
Nakarating sila sa paggawaan kung saan naroon ang mga trabahador ng hacienda, naghihintay sa kanila.
"Magandang umaga po Sir Tristan!" Magkapanabay na bati ng mga trabahador, naroon ang matatamis na ngiti sa kanilang labi para makilala ang isa sa kanilang mga amo.
"Magandang araw din," tipid nitong sagot. Marunong din naman pala itong magsalita ng maayos yun nga lang eh, hindi man lang ito ngumiti.
Agad itong pumanhik sa loob ng pagawaan at isa-isang tinignan kung ano ang meron sa loob. Samantalang nagmistulang alalay si Nadia na nakasunod sa likuran nito. Tahimik lamang si Tristan nang lumabas pagkatapos ay ang rice and corn mill naman ang tinungo nito.
"Sige na, iwan mo na ako." Narinig ni Nadia itong magsalita. "You don't have to follow me around. Hindi ko first time dito sa hacienda," nagsisimula na naman itong mag-suplado, "in case you forgot, ako ang anak ng Don. Ang totoong anak ng Don." Diniin pa nito ang 'anak'.
Napahiya naman si Nadia, nakuha niya kung ano ang pinapamukha sa kaniya ng binata. Bumuka ang kaniyang bibig pero pakiramdam niya ay nanunuyot ang kaniyang lalamunan. Hindi lamang iyon, naramdaman rin niya ang pagkirot sa kaniyang dibdib. Oo nga naman... Isa lamang siyang sampid.
"S-sige..." Sa wakas ay nagawa rin niyang tugunin ito, ngunit sa isang napakamahinang tono. Sana nga lang ay narinig nito.
Just when she was about to leave when Tristan called her attention, "hey!" Napahinto siya sa paglakad. "What's your name again?" Bahagya niya itong nilingunan, nakatingin ito sa kaniya.
"N-nadia..." She stammered. Kahapon pa ito narito at naipakilala naman sila sa isa't isa, nakalimutan na nito ang kaniyang pangalan? Sabagay... Ano ba ang aasahin niya sa isang ito...
"Okay! You can go now Nadia!" He sounded like a heartless boss. Heartless? Heartless naman talaga ito. Napatango na lamang siya at iniwan ito.
----
It was already getting dark, hindi parin mahanap ni Nadia ang binatang si Tristan. Oo nga, wala silang napag-usapan na magkikita or sabay na uuwi, pero hindi na niya nahagilap ang binata ng buong maghapon. Sa katunayan nga ay hinanap niya ito kaninang tanghali para sabay silang kumain ng tanghalian.
"Tata Mario nakita niyo po ba si Tri--- ibig kong sabihin si Sir Tristan?" Mahirap na baka nasa paligid lang ito at marinig siya.
"Naku Ineng Nadia, hindi ko nakita buhat nang lumabas siya kanina dito sa gilimgan. Baka naman umuwi na." Magalang na tugon ng matanda sa kaniya. Napaisip siya sa sinabi nito.
Oo nga no? Bakit hindi niya na isip ang bagay na yun. Tinapalan niya ang sariling noo nang ma-realized nagiging tanga na siya. Paano naman kasi, kahit nasa paggawaan siya ay si Tristan ang iniisip niya. Tsk! Hindi naman kasi mawawala iyon sa hacienda! Nag-o-over thinking lang siya.
"Ay pasensiya na po Tata Mario..." Ngumiti siya, "masyado lang siguro akong busy!" Busy sa kakaiisip kung saan siya at anong ginagawa niya, "ang dami po kasi naming dineliver na tubo sa pagawaan ng asukal."
"Ay ganun ba hija? Mabuti kung ganun!" Nasiyahan ito sa kaniyang balita, "kaya ka pala ginabi. O siya! Umuwi ka na! Dumidilim na! Medyo malayo pa naman ang mansion dito."
"Oo nga po," tumawa siya ng mahina, "sige po Tata Mario, maraming salamat. Mauuna na akong uuwi." Paalam niya sa matanda.
---
Binilisan niya ang paglakad pauwi, baka kasi nag-aalala na si Don Lorenzo. Masyado pa naman yun nag-aalala pag hindi siya umuuwi ng wala sa oras. Diyahe lang, dahil kasama niya kanina si Tristan ay hindi niya na dala ang kaniyang bisikleta.
Nang palapit na sana siya sa bahay ay bigla siyang sinalubong ng umiiyak na si Miyang.
"Nadia!" Umiiyak nitong yumakap sa kaniya. Napakunot ang kaniyang noo, bakit 'to umiiyak. "Bakit ngayon ka lang umuwi? Kanina ka pa namin hinihintay ni Aling Pet." Iyak parin ito ng iyak.
"Teka lang Miyang! Pasensiya na ginabi ako! Ano ba ang nangyari?!" Biglang kumabog ang kaniyang dibdib. She could sense that something happened.
"Nasa ospital ang Don!"
"H-huh? Saan?! Ano ang nangyari?!" Nasindak siya sa nabalitaan.
"Quinse minutos pa lang nakakaalis ang sasakyan ng demonyitong si Tristan para dalhin ang Papa niyo sa ospital!" Anito sa kaniya, "nag-away silang mag-ama, yun ang alam namin!"
"Saan ospital Miyang?!" Mangiyak-ngiyak niyang sigaw. Kaya pala di niya makita ang binata kasi umuwi pala ito, at nag-away pa pati ang ama.
"Sa bayan!" Tugon ng dalaga. "Pero narinig ko sabi ni Aling Pet kung hindi kumpleto dun sa bayan baka sa kabilang munisipyo dadalhin ang Don!"
Hindi na niya hinintay na tapusin ni Miyang ang mga sasabihin. Agad niyang tinakbuhan ang garahe, gagamitin na lang muna niya ang lumang kotse ng ama. Sana nga lang hindi siya masisiraan sa daan.
"Oi Nadia! Saan ka pupunta?!"
Fingers crossed! Ang importante ay mahabol niya ito sa ospital. The nerve! Sumusobra na ata si Tristan! Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang ini-start ang makita.
"Hahabulin ko sila!" Sigaw niya sa kaibigan at pinaharurot ang sasakyan.