Beinte ocho

1689 Words

Sinasara na sana ni Miyang ang bintana sa bandang sala ng mansion nang makarinig siya ng ugong ng tricycle. "Sino kaya 'yun?" Wala naman kasi silang inaashang bisita, at sa ganitong oras pa talaga. Ang akala niya ay liliko ito papunta sa parte ng hacienda kung saan naroon ang mga kabahayan ng mga trabahador, ngunit hindi. Papalapit na ito sa malaking bahay. Doon na siya lumabas para salubungin, kung sino man 'yung taong paparating. Pumara iyon sa harapan at iniluwa si Nadia. "Maraming salamat po, Manong!" Hindi nga si nagkakamali. Si Nadia nga ang umuwi. Teka! Bakit mag-isa lamang ito? "Nadia!" Masayang tili niya sa kaibigan. "Miyang!" Masayang kumaway ito sa kaniya. Natigilan siya nang makitang may kasama pala ito, hindi ito nag-iisa pero hindi naman si Trsitan ang ito. Isang babae,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD