"Kumusta na kaya si Nadia, Aling Pet." Tanong ni Miyang sa ginang nang mapagawi ito sa kusina. Kakatapos lamang nitong diligan ang mga halaman sa hardin. "Huwag kang mag-alala, tiyak nasa mabuting kalagayan 'yun. Mabait naman si Nadia e." Tugon ng ginang habang hinihimay ang malunggay. "Si Nadia mabait, e kamusta naman kaya ang kasama niya?" Pumamewang ito, "e splongkong 'yung asawa nun e!" "Splongkong?" Kumunot ang noo ng ginang, "saan mo na naman nakuha ang salitang 'yan?" Natawa ito. "Kahit kailan ayaw mo talaga kay Tristan noh?" "E sino bang may gusto 'dun? E ang sama ng ugali nun!" Ngumuso ito at tumabi kay Aling Pet. "Basta nag-aalala ako sa kaibigan ko." "Magbabago din 'yun. Siguro, ganun lang talaga sa una." "Hindi magbabago 'yun! Splongkong nga e!" "Tsk! Bata ka oo!

