"Mag-isa ka na naman? Bakit ba palagi kang hinahayaan ng asawa mo maglakad ng mag-isa?" Tanong ni Eduard sa kaniya. Sabay silang pumasok sa loob. Inanyaya siya nitong magmeryenda sa isang donut house. "Ah hindi naman, susundui niya ako ngayon. May pinuntahan lamang siya, kaya mag-isa lang ako." Tugon niya na totoo naman. Susunduin naman talaga siya ni Tristan. Pero ang totoo hindi naman talaga siya nito sinasamahan, or sasamahan kahit kailan. "Kung ako ang asawa mo, hindi kita hahayaan na maglakad ng mag-isa." Ngumiti ito at inabot sa kaniya ang baso ng iced chocolate drink. "Bakit naman? Matanda naman ako at kaya ko ang sarili ko." Inosente niyang tugon sa binata sabay kuha sa inumin. "Hindi naman kailangan laging nakabuntot ang asawa ko sa akin." "Wala lang, baka kasi maagaw ka p

