"What do you you're doing?" Kunot noong tanong ni Tristan sa kaniya nang makalabas ito sa silid. Tinutuyo nito ang buhok gamit ang tuwalyang ginamit pang-shower. Kakatapos lamang nila mag-dinner kanina. And take note, sabay silang nag-dinner ng asawa niya. Medyo masungit parin naman at paminsan-minsan ay binabara siya nito, pero okay lang. Carry naman niya. Masaya si Tritan sa araw nito, masaya silang dalawa. "Nag-aayos ng higaan?" Pabalik niyang tanong. Obviously naman na inaayos niya ang couch para matulog siya. "You're not going to sleep here." Matigas nitong sabi. "H-huh?" Napanganga siya. Kumakampana na naman ba ang aning-aning nito? Saan naman kaya siya papatulugin nito? Hinila nito ang inayos niyang kumot kung saan siya hihiga. "Pe-pero... Tristan! Saan naman ako matutulog?"

