Mahigit isang buwan naka-confine ang Don sa ospital. Kahit pa ay hindi nakakasundo ni Nadia ang binatang soi Tristan, hindi iyon naging hudyat para iwan niya ang nakilalang niyang ama. Kahit pa sabihin na minsan ay nasasaktan na siya ng sobra sa mga tinatapon nitong false accusation against her, specially ang relasiyon nila ng ama nito.
Subalit gayun pa man, hindi niya magawang magalit rito. Hinayaan na lamang niya ito sa anu man ang gusto nitong isipin. Imbis na galit ang pairalin niya, ay mas na awa pa nga siya para sa dalawa, dahil hindi man lang nila nagawang makilala at makasama ang isa't isa sa mahabang panahon. Sa kabila ng masama nitong ugali ay nakikita parin naman niya na concern parin ito sa ama, 'yun nga lang, masyado itong ma-pride.
Noong una, akala niya okay na ang lahat, dahil sa mga araw na namalagi ang Don sa ospital ay nagpakita naman ito ng improvement. Yun ang akala nila... Dahil dalawang linggo lang ang nakalipas nang umuwi ito ng hacienda ay tuluyan na rin itong namaalam.
In a blink of an eye, death suddenly took him...
Siguro hanggang 'dun lang talaga ang buhay ng Don. Everyone was with a heavy heart especially Nadia. Memories kept on flashing through her vision as she was staring at the white coffin lowering unto the ground. Sa tabi niya ay nakatayo si Aling Pet na nakaalalay sa kaniyang braso. Panay parin ang pagpahid niya ng kaniyang luha at sobrang namamaga na ang kaniyang mga mata.
Ilang araw na ba siyang umiiyak? Siyam... Masakit nang iwan siya at ibenta ng sarili niyang ina, pero wala nang mas sasakit sa nararamdaman niya ngayon. Paano na siya? Ngayong wala na ang kaniyang ama! Oo, ama! Hindi man sila magkadugo pero higit pa sa tunay na anak siya kung itinuri ng yumaong Don.
Sa 'di kalayaun ay natanaw niya si Tristan na nakatayo sa ilalim ng punong balete. Nakasuot din itong puting polo na hapit sa katawan at itim na pantalon, naka-shades rin ito na gaya niya. Hindi niya alam kung umiiyak din ba ito ito o ano. Mula nang mamatay ang ama, ay lagi itong nag-iisa wat wala kahit isa man sa kanila ang gusto nitong kausapin.
Na iintindihan naman niya yun eh, dahil alam niya, kahit ano pa man ang mangyari, pagbalik-baliktarin man ang mundo, anak parin ito at ama nito si Don Lorenzo.
Hindi pa man tuluyang na ilibing ang Don ay agad din itong umalis. Hindi alam ni Nadia kung saan ito ngapunta, pero wala rin naman siyang balak na sundan ito. Susulitin niya ang kahuli-hulihang sandali na kasama ang ama.
"Papa..." Garalgal ang kaniyang boses, "salamat sa lahat... Sa lahat ng pagmamahal na ibinigay niyo sa akin. I will always have you in my heart. You are my father and I am your daughter..." Then she threw the white rose she's holding.
----
"Magpahinga ka na anak," ani Aling Pet sa kaniya. Sabay silang pumasok ng masion, samantalang na una na si Miyang dahil ihing-ihi na ito. "Ilang gabi ka rin hindi natutulog..." Hinatid siya ng ginang hanggang sa tapat ng kaniyang kuwarto.
Bumuntong-hininga muna siya bago hinarap si Aling Pet. She needs badly need a hug, someone who she can find comfort at this time of grieving.
"Salamat po Aling Pet," tuluyan siyang napahagulhol sa balikat nito, "pero papaano na ako ngayong wala na si Papa? Hindi ako sanay na wala si Papa Lorenzo."
"Ssshhh... Huwag ka nang umiyak anak." Alo ng ginang sa kaniya, "andito naman kami, pamilya mo rin kami. Ako, si Miyang at lahat ng mga taga-hacienda, andito kami anak. Mahal ka namin..." Pumiyok na rin ang boses ni Aling Pet. Hindi kasi maiwasan nito ang maging emosiyonal at maawa sa dalaga.
"Marami pong Salamat, Aling Pet..." Humiwalay si Nadia sa pagkakayakap dito at pilit na ngumiti, "at mahal ko din kayo..."
"Ayan... Ganyan dapat. Ngumiti ka." Ngumiti rin ito at pinahid ang luha, "ayaw ng Papa mo na umiiyak ka! Kita mo mukha mo o, ang pangit mong umiyak!" Natatawa nitong sabi sanhi para siya ay makitawa.
"Aling Pet, talaga." Umiyak na naman siya, "pero, maraming salamat sa lahat."
"Walang anuman," hinaplos nito ang kaniyang namumulang pisngi dahil sa kaiiyak, "pumasok ka na nga 'dun at matulog!" Taboy nito, "hindi matatapos ang dramng ito kung 'di ka pa papasok!" Ito na ang nagbukas ng pintuan ng kuwarto niya at itinulak siya sa loob. Natawa na lamang siya at pumasok. But still, hindi parin niya maiwasan ang umiyak nang maiwan siyang mag-isa. Ang lungkot-lungkot ng buhay niya...
At mukhang wala siyang balak na tigilan ng kalungkutan dahil marami pa siyang haharapin at pagdadaanan.
----
Malalim na ang gabi at bumabalot ang lamig sa buong paligid, at mukhang uulan pa ata. Tahimik ang buong kabahayan, at tanging tunog lang ng kulisap ang maririnig mula sa labas.
Sa malaking librabry ng mansion na isipin ni Tristan ang magpahinga. Yes, it's true that he hates his father and yet, why does he feel lonely... He just can't understand, or maybe he just can't accept the fact that the death of his father also pains him.
Mabilis niyang nilagok ang alak sa hawak niyang kopita. Kanina, hindi na niya hinintay na matapos ang libing ng ama, mas minabuti niyang umuwi sa mansion at magkulong dito sa loob ng library.
Three days before ang internment ni Don Lorenzo ay kinausap siya ng family lawyer nila na si Atty. Zion Eyas. At bago ito namaalam ay may na banggit itong may huling habilin ang Don. Attorney Eyas said that he forgot to bring the papers with him so, probably after na lang ng libing ng Don nila tatalakayin ang last will and testament.
He sat down on the big sofa and rested his back. He needs rest. Marami ang gumugulo sa utak niya ngayon. Kailangan niya din palang umuwi ng Manila para asikasuhin ang naiwang trabaho, but first he must settle his unfinished business here in the hacienda.
May kailangan din pala siyang gawin, yun ay ang palayasin si Nadia. He needs to get rid of his father's woman.
"That b*tch!" He cursed under his breath. Naalala niya kanina ang hitsura nito habang na iiyak. Na aalibadbaran siya sa kadramahang ipinapakita nito sa mga tao, at mas lalo siyang na iinis dahil lahat ng simpatiya ng tao ay nasa dalaga. And what about him? He got no one.
No one even dared to ask if he was okay?!
"Fvck! Bukas na bukas, I'll make sure I'll get rid of you!" Anas niya at hindi niya napansin dahan-dahan na siya iginugupos ng antok.
The following morning nagising si Trsitan na sumasakit ang kaniyang ulo. Maybe it's because of those sleepless nights and the liquor he drunk last night. He went out of the library and headed straight to the kitchen to have a cup of coffee. Si Aling Pet ang unang nabungaran niya nang makapasok siya sa loob.
"Oh, Tristan! Magandang umaga!" Halatang na gulat ito sa kaniyang presensiya. "May kailangan ka ba? O gustong kainin? Anong gusto mong kainin?" Sunud-sunod nitong tanong.
"A cup of coffee will do," seryoso niyang tugon dito. "Pakihatid na lang sa veranda." Walang kangiti-ngiti niyang sabi bago umalis.
Samantala, kakagising lang ni Nadia at kakatapos lang niya sa kaniyang morning rituals. Napansin niyang namamaga parin ang kaniyang mata at hindi maikakaila, that she really looks haggard and stressed. At goodness, alas dies na pala ng umaga. Ibig sabihin ang tagal niyang nakatulog.
Paglabas niya ng kuwart ay si Tristan agad ang nakasalubong niya sa pasilyo.
"G-good morning..." She greeted in a small shy voice. Blangko lang itong nakatitig sa kaniya, kaya naman agad siyang nag-iwas ng tingin at yumuko.
Ilang hakbang palang niya itong nalagpasan nang tumikhim ito at tawagin ang kaniyang pangalan.
"Nadia," he called out her name in the coldest way. Dinaig pa ang kalamigan ng yelo.
She paused for a while. Hindi siya lumingon, natatakot siya. Wala na si Don Lorenzo, and Tristan hated her for no valid reason and false accusation against her.
Narinig niya ang mga yabag nitong palapit sa kaniya. Mariin siyang napapikit ng mata. Sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang magyayari.
"I don't want talking behind a person's back," he sternly said. Agad naman siyang pumihit para harapin ito.
"I'm sorry..." Nakayuko niyang sabi.
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa," he started, "since my father is gone already, at wala rin naman tayong connection sa isa't isa dahil ia ka lang namang dakilang sampid ng pamilya," dire-diretsang saad ng binata. Not even considering that his words is hurting so much, dinaig pa nito ang sakit sa mag-asawang sampal. Oo! Sampid siya, pero hindi naman siguro kailangan na ipamukha pa sa kaniya.
"I want you out of my house!" Ma-otoridad nitong utos sa kaniya. "You're my father's w***e, and there's no room in this fvcking house for a fvcking b*tch like you!"
Umawang ang labi ng dalaga, she wants to defend her side at sabihin na hindi siya babae ng Don gaya ng inaakala ng binata, pero walang boses ang lumalabas.
"Ano? Why can't you even utter a word?" Tristan smirked at her with a look full of disgust.
How could he say those painful words?
"T-tris...tan..." She could hardly whisper his name, dahil ang sobrang sakit. Umaasa pa naman siyang may magbago sa binata, pero wala...
Mukhang wala nga siyang aasahan mula rito.
"Tristan!" Isang boses ng lalake ang tumawag sa pangalan ng binata na kumuha sa atensiyon nilang dalawa. It was Atty. Zion Eyas, nasa ibaba ito sa malaking salas ng mansion. May kaedaran na rin ito, at na mana pa nito ang position sa ama bilang family lawyer ng mga dela Vega.
"Attorney Zion!" Makapanabay nilang sabi.
Umakyat ito sa malaking hagdanan ng mansion at ang mga mata'y nakapuko kay Tristan.
"You can't send Nadia away from here," Atty. Eyas calmly said. "You just can't."
"What do you mean?" Kumunot ang makinis na noo ng binata.
"I guess hindi pa pala sinabi ni Lorenzo sa 'yo ang huling habilin niya." He took a glance at Nadia, at muling hinarap ang binata. "Where do you want the three of us to talk?"
"H-hindi po ako sasama sa usapang pangpamilya..." Anas ni Nadia. Natatakot siya baka mas lalong magagalit ang binata sa kaniya.
"Hindi pwede," maagap na sabi ng abugado. "Kasali ka sa usapan, and we're going to talk about this, because you are Tristan's key."
"Hell what?" Angil ng binata.
"P-po?" Hindi maunawaan ni Nadia ang sinasabi nito. Key? Siya? Susi ni Tristan? Sa ano?