AKIRA POV
Ilang buntong hininga rin ang pinakawalan ko bago ako bumaba ng kotse. Nandito na kami sa harap ng bahay at sa tagal ko nang hindi nagpupunta rito, kinakabahan ako. Minsan lang umuwi ng biglaan ang parents ko at kapag ganoon, it’s either bad news or good news ang dala nila.
“Princess, how are you?” masayang bati sa akin ni mommy.
Siya si Rachell Montenegro, ang mommy ko. Malaki ang kaibahan niya sa akin dahil fashionista si mommy. Nababalitaan ko pa nga na gusto siyang gawing model ng ibang company. Hindi lang pumapayag si daddy dahil baka raw pagpyestahan lang siya ng mga kalalakihan. Kapag magkasama naman kami, napapagkamalan na magkapatid lang kami. Mas bata kasing tingnan si Mommy kumpara sa edad niya.
It’s been two months nang huli naming pagkikita ng parents ko. Masyado kasi silang busy sa mga businesses namin kaya bihira lang sila dito sa Pilipinas. Kaya nga mas pinili kong sa condo na lang tumira kaysa dito sa napakalaking mansion na ito na ako lang ang tao.
Actually, hindi naman talaga ako anak mahirap. Mayaman ang parents ko. Nagmamay-ari sila ng mga multi-national companies. Mayroon silang clothing lines, restaurants, hotel and resorts at ang Kitsune Academy. Yes, anak ako ng may-ari ng school na pinapasukan ko. Pero walang nakakaalam ng tunay kong pagkatao dahil ayaw ko ng special treatment sa school. Naging madali na rin naman sa akin ang magpanggap dahil base na rin sa pananamit at itsura ko. Hindi rin nila malalaman na anak ako ng may-ari dahil apelyido ni mommy noong dalaga pa siya ang gamit ko. Noong ipinanganak kasi ako ay hindi pa kasal ang parents ko kaya kay mommy isinunod ang pangalan ko. After ko mag 1 year old, saka lang nagpakasal ang mommy at daddy. But my surname remains, na pabor naman sa akin dahil masyadong matunog ang Montenegro. Sabi ni daddy, once na mag 18 na ako, saka nila ipapalipat ang pangalan ko at gagawin nang Montenegro.
“Hon, papasukin mo muna ang anak mo. I’m sure pagod iyan from school.”
Napangiti na lang ako nang makita ko si daddy sa may pintuan ng bahay. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.
Siya naman si Alejandro Montenegro, ang daddy ko. Masasabi kong sa kanya ako nagmana dahil bihira rin magpakita ng emosyon si daddy. Sa unang tingin ay aakalain mong istrikto siya. Pero mabait si daddy, may pagka-authorative lang talaga ang mukha niya.
“Iba talaga pag daddy’s girl,” may himig na pagtatampong sabi ni mommy.
“May pagtatampo pa ang mommy.”
Lumapit ako kay mommy at niyakap din siya.
“Wait, napaaga po yata ang uwi niyo?”
“Well, anak babalik din kami sa US dahil hindi pa tapos ang business trip namin. Umuwi lang kami dito para sana ipakilala sa 'yo si Kanji,” sabi ni daddy.
Napakunot naman ang noo ko. Sa tanang buhay ko yata ay ngayon lang may ipapakilala sa akin ang parents ko. Ito na yata ang dahilan kung bakit bigla akong kinabahan nang makita ang kotse sa labas ng school kanina.
“Who’s Kanji?”
Pumasok kami sa bahay at nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa sofa. Halos kasing edad ko lang siya. Tumayo siya nang makita kami. Matangkad siya, maputi, mapungay ang mga mata at may dimples sa magkabilang pisngi.
“Akira anak, this is Kanji Shin. And Kanji, this is our daughter Akira,” pagpapakilala ni mommy.
Yumuko naman si Kanji na nakapagpagulat sa akin. Agad naman siyang nilapitan ni daddy at parang may ibinulong sa kaniya.
“Pagpasensiyahan mo na anak. Ganiyan talaga siya bumati,” nakangiting sabi ni mommy.
Weird.
“So ano pong mayroon?” clueless kong tanong sa kanila.
“As you can see our princess, lumaki itong si Kanji sa ibang bansa. Pero napagdesisyunan niyang ipagpatuloy ang pag-aaral niya sa Kitsune Academy. Since wala siyang masyadong alam dito, ikaw ang inaatasan naming magguide sa kanya,” paliwanag ni daddy.
“What?” hindi makapaniwalang sabi ko.
“Yes anak. He’s the son of one of our closest friend. So do us a favor please,” pakiusap ni mommy sa akin.
“So saan siya titira?”
“In your condo, two bedrooms naman ang condo mo. At para hindi ka na rin nag-iisa doon.”
“Mommy naman.”
“Ah Tita, okay lang naman po na kumuha na lang ako ng paupahan para hindi na ako makishare sa kanya,” nahihiyang sabi ni Kanji.
Infairness, nagsasalita pala itong lalaking ito and take note, nagtatagalog siya. Akala ko ay hindi siya marunong magtagalog dahil lumaki siya sa ibang bansa. At parang sanay na sanay siyang magtagalog dahil hindi siya baluktot magsalita.
“Kanji, napag-usapan na natin ito,” maawtoridad na sabi ni daddy.
Ayan na, lumalabas na ang pagiging maawtoridad ni daddy. Kapag ganoon na ang boses niya, hindi na ako pwedeng tumanggi sa gusto niya.
“Mas mapapanatag kami kung sa condo ka ni Akira tutuloy. At least, panatag din kami na may makakasama na siya.”
Mahaba haba kasing usapin ang nangyari noong nagpaalam ako kina mommy na sa condo na lang ako titira. Ayaw kasi nila na mag-isa ako. Dito kasi sa bahay, at least daw ay may kasama akong mga guard at katulong. Nagpumilit lang ako na payagan nila akong magcondo dahil nami-miss ko lang sila kapag nandito ako sa bahay namin.
Mukhang desidido na talaga ang parents ko kaya wala na akong magagawa kundi ang sundin sila. Makikisama ako sa lalaking ngayon ko lang nakilala. Isa pang pinoproblema ko ay sa Kitsune Academy din siya papasok. Once na makita siya ng ibang estudyante na kasama ako, marami ang magtataka. At baka madamay pa siya sa pambubully sa akin ni Miro. Hindi rin maikakaila na gwapo si Kanji, panigurado na maraming babae ang magkakagusto sa kaniya.
At ang isa pa palang problema, malalaman ni Kanji ang pagpapanggap ko sa school. Baka isumbong niya ako kina mommy. Or worst, ibunyag niya sa buong school ang totoo kong pagkatao. Mukhang kailangan ko pa siyang makausap tungkol dito. Hindi pa naman ako sanay makipag-usap sa ibang tao. Ano nang gagawin ko nito?
“Okay ka lang anak?” tanong sa akin ni mommy.
“I think so.”
“Alam kong mahirap para sa 'yo dahil hindi ka sanay makisama sa ibang tao. Pero mabait iyang si Kanji, I’m sure magkakasundo kayo.”
Tumingin ako kay Kanji na nakaupo na ulit sa sofa. Nakatingin din siya sa akin pero hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Hindi ko alam kung magkakasundo nga kami dahil hindi ako sanay makipag-usap sa iba. Hindi rin ako marunong makisama kaya matinding pag-aadjust ang kakailanganin ko.
“Kanji hijo, okay na ang transfer papers mo. All you need to do is to meet Mr. June, the school principal for your orientation. Akira, samahan mo siya bukas sa tito June mo.”
Tumango na lang ako sa sinabi ni daddy. Si tito June ang principal ng Kitsune Academy. Highschool friend siya ni daddy kaya sa kanya ipinagkatiwala ang school. Alam din ni tito June ang pangbubully sa akin sa school at ang pagpapanggap ko. Pinakiusapan ko na lang siya na huwag sasabihin kina Mommy at Daddy, pati na rin sa mga estudyante ng academy. Mabuti na lang at napapayag ko siya na ilihim ang lahat though hindi niya gusto ang pangbubully sa akin ng mga estudyante.
“At nabanggit nga pala sa akin ni Damian na hindi ka raw nagpapahatid sa kaniya sa school,” pag-iiba ng usapan ni mommy.
“Yes mom. May sarili naman po akong kotse,” awkward kong sagot kay mommy.
Kahit ang totoo ay hindi ko rin ginagamit ang kotse ko kapag papasok sa school. Ginagamit ko lang ang kotse ko kapag maggogrocery ako o kaya ay may pupuntahan ako. 17 years old pa lang ako pero may lisensiya na ako dahil mas matanda ako ng isang taon sa birth certificate ko. Mali kasi ang nakarehistrong birth year ko kaya 18 years old na ako sa mga documents ko.
Masyado na akong madaming kasalanan sa mommy at daddy ko. Sana lang ay maintindihan nila ako oras na malaman nila ang totoo. Hindi ko naman ginustong magsinungaling. Wala lang talaga akong choice.
Pinakiusapan ko na rin sila na baka pwedeng lumipat na lang ako ng school pero ayaw nila. Itinayo raw nila ang school para mabigyan ako ng sapat na edukasyon. At sino nga namang anak ng may-ari ng school ang mag-aaral sa ibang school?