CHAPTER 1

1495 Words
THIRD POV Isang malakas na tunog mula sa orasan ang gumising kay Akira. Antok na antok pa rin siya dahil madaling araw na siyang natulog kagabi. Simula nang magbakasyon ay hindi na siya nakakatulog ng maaga. Pinakamaaga na niyang tulog ay alas dose ng gabi. Nasanay na ang katawan niya na tulog sa umaga at gising naman sa gabi, tipikal na estudyanteng sinusulit ang bakasyon. Ngunit ngayon ang unang araw ng klase niya kaya kahit inaantok pa ay kailangan na niyang bumangon at maghanda. Nasa ikatlong taon na siya sa highschool kaya hindi na bago sa kanya ang routine niya bago pumasok. Medyo tinatamad lang siya dahil bitin ang kaniyang bakasyon. Ginugol niya lang ang bakasyon niya sa pagmumukmok sa tinitirhan niya. Lagi kasing busy ang kaniyang magulang kaya mas pinili na lang niyang manatili sa bahay. Pinilit na lang niyang bumangon at maghanda sa pagpasok niya. Nang makatapos siyang magbihis ay lumabas na siya ng kaniyang tirahan at nag-abang ng masasakyan. Hindi na siya nag-abalang mag-almusal dahil baka ma-late pa siya sa unang araw ng klase. Hindi rin naman siya sanay kumain ng umagahan. Agad siyang bumaba ng jeep nang tumapat ito sa school niya. Welcome to Kitsune Academy. Ito ang mababasa sa gate ng school niya. Ang Kitsune Academy ang isa sa pinakasikat na eskwelahan sa Pilipinas. Halos lahat ng estudyante rito ay anak ng mga sikat na businessman, ang iba ay anak ng mga pulitiko at artista. Lahat ng pumapasok dito ay mayayaman. Pagkapasok niya ng gate ay mga mapanghusgang mga mata agad ang sumalubong sa kaniya. Hindi na rin ito bago sa kanya dahil simula first year ay ganito na ang turing sa kanya ng mga kaklase at schoolmate niya. Siya si Akira Reyes. Isang simpleng babae na may komplikadong buhay sa loob ng academy. “Akala ko ba lumipat na siya ng school? Bakit nandito pa rin siya?” “Ang kapal naman talaga ng mukha niya.” “Yari siya kay Prince Miro kapag nakita siya. Hindi na siya nadala.” “Akala niya ata dito siya nabibilang. Ang kapal talaga.” “Siya ang nakakasira sa image ng school na ito. Isa sa pinakasikat na school pero may isang commoner na katulad niya.” Ilan lang 'yan sa mga naririnig niya habang naglalakad siya papunta sa assigned classroom niya. Alam na niya kung saan siya pupunta dahil noong nag-enroll siya ay sinabi na sa kaniya ang section niya. Na-orient na rin sila isang linggo bago magstart ang klase. Hindi na lang niya pinansin ang mga naririnig at nagpatuloy lang sa paglalakad. Ngunit sa pagmamadali niya ay hindi niya napansin ang isang balat ng saging na nakaharang sa dadaanan niya. Naapakan niya ito kaya tuloy tuloy siyang lumagapak sa sahig. Ramdam niya ang sakit sa kaniyang tuhod at paa dahil sa pagkakabagsak niya. Hindi na lang niya ito ininda at walang emosyong tumayo. Isang malakas na tawanan ang umalingawngaw sa buong hallway. Nagngingitngit sa galit ngayon si Akira pero itinago na lang ito sa likod nang poker face niya. Sanay na rin siya sa mga ganitong insidente dahil siya ang tampulan ng tukso ng buong school. Ganito ang pakikitungo sa kaniya ng lahat dahil inaakala nilang mahirap lang si Akira. Ang alam nang lahat ay scholar siya kaya siya nakakapasok sa Kitsune Academy. Hinusgahan siya ng lahat dahil na rin sa klase ng pananamit niya. Mayroon siyang mahabang buhok at malaking eyeglasses. Ang kaniyang pananamit ay pantalon at t-shirt, kung minsan ay paldang hanggang talampakan. Mabuti na lamang at pantalon ang suot niya kaya kahit lumagapak siya sa sahig ay ayos lang. “Akala ko ba lilipat ka na ng school? Bakit nakikita pa rin kita?” mayabang na sabi ni Miro. Siya si Miro Santos, ang pinakasikat sa school nila. Siya rin ang sinasabing pinakamayaman dahil nagmamay-ari ang pamilya niya ng iba’t ibang negosyo sa Pilipinas. Ang pamilya Santos ang isa sa mga sikat na pamilya sa buong Pilipinas. Halos lahat din ng kababaihan ay tinatawag siyang Prince Miro at ang mga kalalakihan naman ay ginagalang siya at nirerespeto. Hindi pinansin ni Akira si Miro. Ganito lang lagi ang ginagawa niya kapag binubully siya ni Miro. Hindi niya ito pinapansin at hindi man lang siya nagrereact. Ito naman ang mas lalong ikinainis ni Miro dahil sa hindi pagpansin sa kanya ni Akira. Kaya mas lalo siyang nanggagalaiti na asarin at bully-hin ito. “Balewala ka na naman pare,” kantiyaw ni Richard, ang kaibigan ni Miro. Nagdere-deretso papasok ng classroom si Akira habang si Miro ay patuloy na kinakantiyawan ng mga kaibigan. Pinanood lang ni Miro si Akira hanggang sa makapasok ito sa classroom nila. Magkaklase na naman sila na siyang ikinainis ni Akira. Pagkapasok ni Akira sa classroom ay doon siya naupo sa pinakalikod. Nang makita niyang pumasok na rin si Miro ay lihim siyang napairap. Kumuha na lang siya ng libro at nagbasa upang malibang siya. Ngunit naramdaman niyang pumunta sa harap niya si Miro. “Nakakapagtaka lang Akira. Bakit ba gustong gusto mong mag-aral dito? Hindi ka ba nasasawa sa mga ginagawa ko sa 'yo?” Bakit ikaw Miro, bakit hindi ka nagsasawa sa pangbubully sa akin kahit na lagi kitang binabalewala? Iyan ang gustong gustong sabihin ni Akira ngunit mas pinili niyang manahimik. Hindi niya pinansin si Miro at nagpatuloy lang sa pagbabasa. Kung alam lang nang lahat na halos isuka na niya ang school na ito. Gustong gusto na niyang lumipat ng school pero alam niyang hindi pwede. At alam din niya sa sarili niya na nararanasan niya ang mga pangbubully nila dahil na rin sa desisyon niyang itago ang tunay niyang pagkatao. Naputol ang pag-iisip niya nang biglang hablutin ni Miro ang librong binabasa niya at itinapon iyon sa sahig. “Matatag ka. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo.” Pagkasabi ni Miro noon ay umalis ito sa harapan ni Akira. Si Akira naman ay nakakuyom na ang dalawang kamay at nagpipigil ng galit. Hanggang maaari ay ayaw niyang mag-react sa lahat ng sinasabi at ginagawa ni Miro. Pakiramdam niya kasi ay sa oras na magpakita siya ng emosyon, talo na siya sa larong ito. Alam niya kasi na kaya siya ang pinagtitripan ni Miro ay dahil siya lang ang babaeng hindi humanga at nagkagusto rito. Nakikita rin niya ang inis sa mga mata nito sa tuwing binabalewala niya ito kaya pakiramdam niya ay nakakaganti na siya rito kahit wala siyang ginagawa. Marahan niyang pinulot ang librong itinapon ni Miro at ibinalik ang atensyon sa pagbabasa. MIRO POV “Olats ka pa rin Miro. Wala ka pa ring epekto sa kanya,” bungad sa akin ni Leo nang makaupo ako sa upuan ko. Lumingon ako kay Akira na nagbabasa na ulit ng libro niya. Sa tagal ko na siyang pinagtitripan, hanggang ngayon ay wala pa akong naririnig na reklamo mula sa kanya. Kahit kailan ay hindi rin siya nagpakita ng emosyon. Hindi ko alam kung nasasaktan na ba siya o naiinis sa mga pangtitrip ko sa kanya. “Kung ako sa 'yo pare, titigilan ko na iyang si Akira. Noong umulan yata ng kamanhidan, sinalo na niyang lahat,” tatawa tawa namang sabi ni Richard. “Sa tingin niyo, susuko na lang ako basta? Baka nakakalimutan niyong si Miro ang kausap niyo,” pagyayabang ko sa kanila. “Now I wonder, sino kaya ang makakapagpalambot sa babaeng iyan? Sino kaya ang makakapagpalabas ng mga emosyon niya?” sabi ni Leo. Muli akong tumingin kay Akira. Bakit nga kaya ganyan siya? Parang hindi nakakaramdam ng kahit anong emosyon. Ganoon na ba kahirap ang buhay niya na ultimo pagtawa o pagkainis ay nakalimutan na niya? Nandito nga siya pero parang ang isip niya ay nasa kabilang dimension. “Hindi kaya naiinlove ka na sa kanya Miro?” sabi ni Richard na ikinatawa ko naman. “Ako pare? Sa babaeng iyan? No way. Kahit maubos pa ang mga babae sa mundo at siya na lang ang matira, magiging matandang binata na lang ako.” “Medyo defensive na iyang sagot mo Miro,” pang-aasar pa ni Leo. “Tigilan niyo na akong dalawa. Baka gusto niyong pag-umpugin ko kayo!” “What if Miro, may dumating na isang lalaki sa buhay niya na siyang magpapabago sa kaniya, anong mararamdaman mo niyan?” sabi naman ni Richard. “Hindi niyo talaga ako titigilan?” may pagbabanta kong sabi sa dalawa. Bigla silang tumahimik. Sumulyap ulit ako kay Akira. Hindi na siya nagbabasa ng libro. Nakatingin lang siya sa may labas ng bintana. Sa tinagal tagal na rin naming magkaklase, hindi ko pa siyang nakitang may kausap. Though nagsasalita naman siya kapag may recitation or kapag tinatanong siya ng teacher, nakikipag-usap din siya kapag may mga group projects. Pero after that, wala na ulit. Wala siyang kaibigan na lagi niyang kasama. Isang factor na rin siguro na lagi ko siyang pinagtitripan kaya hindi siya nilalapitan ng kung sino man. Natatakot din sila na madamay sa pangtitrip ko. Now I wonder, ano kayang nararamdaman niya ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD