Nakatitig lang ako sa nakasaradong pinto sa silid ni Amianna. Hindi ko na matandaan kung gaano katagal nagkulong si Cad sa silid na 'yon. Kahapon lang nailibing si Amianna at hindi siya nagpunta ro'n, marahil hindi n'ya kayang... Nag-aalala ako. Baka magkasakit siya sa ginagawa n'ya. Pero hindi ko rin siya masisi, alam kong sobrang sakit pa rin sa kan'ya ng nangyari. "Cad..." I knocked on his door gently... I know I should give him time to be alone but I can't just stay still. Hindi na siya lumabas sa silid na 'yon. Malamang hindi pa rin siya kumakain at nilulunod ang sarili n'ya sa alak. Hindi sumagot si Cad. Napabutonghininga na lang ako at marahang isinandal ang noo ko sa pinto. Mukhang wala pa siyang balak makipag-usap sa kahit kanino. "Liah... hayaan mo muna si babe Cad. Alam kon

