bc

MARPLE, AT YOUR SERVICE

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
adventure
sweet
bxg
female lead
male lead
small town
passionate
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

#SYNOPSIS :

She was rented by a late fifties year old senator. She may think it's gross! Ni minsan ay hindi sumagi sa isipan ni Marple ang bagay na ito. Iyon pala, may dahilan.

Kinuha pala siya para sa anak nito na isa namang mayor, who was not married or involved with any women out there. Kaya ang inaakala ng senador ay bakla ang anak niya at siya ang magiging susi kung tama ba ang hinala nito.

Magiging tagumpay kaya si Marple sa trabaho niyang ito? Ano ang matutuklasan niya sa binatang Mayor?

chap-preview
Free preview
prologue
Pagtapak ko sa Coffee Shop ay agad kong tinanggal ang suot kong aviator. Naniningkit ang mga mata ko habang pinapasadahan ko ng tingin ang loob ng lugar na ito. Tumalikwas ang isang kilay ko dahil namataan ko ang isang babae na kikitain ko ngayong araw, si Nina. Ang isa sa mga sekretarya ni tita Maeva—ang pinakaboss namin sa The Jewel Escort Services. Nakaupo ito sa couch na katabi lang ng coffee shop window, may kausap sa cellphone habang hinahalo-halo niya ang kaniyang kape. Inayos ko ang suot kong sling bag. I thinned my lips and started to walk towards her. Nang nasa harap ko na siya at agad umangat ang kaniyang tingin sa akin na nakabuka ang kaniyang bibig. "Right away, Madame. Narito na po siya. Sige po." pinapanood ko kung papaano niya pinatay ang kaniyang telepono sa harap ko saka ipinatong niya iyon sa kaniyang tabi. Ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin. "Mabuti at nakarating ka na, upo ka muna." Sinunod ko ang kaniyang sinasabi. Inabot niya sa akin ang isa pang kape. "Heto, caramel latte. Your favorite." wika niya na nakangiti. Inikot ko ang aking mga mata. "Diretsahan mo na ako, Nina." tamad kong sambit. "Who's my next client this time?" Parang natauhan siya sa sinabi ko. "Marple, ipinadala na namin thru email ang impormasyon sa email mo. Hindi mo pa ba nache-check?" hindi makapaniwalang tanong niya. Kumunot ang noo ko. Agad kong kinulikot ang aking bag para ilabas ang aking cellphone. Nasabi naman sa akin ni Nina ang password ng wifi dito sa Coffee Shop kaya madali para sa akin na buksan ang sss ko. Halos malaglag ang panga ko nang makita ko ang impormasyon na naiforward sa akin ni tita Maeva, isang fifty nine years old ang client ko?! What the... Hell? Seryoso ba ito?! "Alam kong magugulat ka kapag nakita mo iyan, Marple." nakangiwing pahayag ni Nina. "Sa totoo lang, nagdadalawang-isip si madame kung tatanggapin niya ba iyan para sa iyo. "But if you notice, kilala mo ang lalaking iyan." Naniningkit ang mga mata ko habang nakatuon sa litrato na kaniyang tinutukoy. Oo nga, he looks familiar... "He's Gregorio Villalobos, one of the senators." Nanlaki ang mga mata ko nang inilipat ko sa kaniya ang tingin ko. "Kaedaran niya ang tatay ko, or should I say, mas matanda siya sa tatay ko, Nina." matigas kong sabi. "And you know, this will be my first time. Magkakaroon ako ng kliyente na ganito katanda." Bago siya nagsalita ay kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. "Actually, he made that clear to Madame Maeva. He said that he didn't know what type of escort services we offered as a whole, but, he would not be partaking of any s****l offerings..." Napasinghap ako't isinandal ko ang aking likod sa couch. What a relief! "Well, that's good!" the truth is, it was a huge relief. Knowing that I was going to have a s*x free month kind of sucked but I'd survived. Probably. Maybe? Ugh, bahala na nga! "And..." dugtong pa niya. What the hell, hindi pa tapos?! "Sinabi niya sa amin na hindi para sa kaniya kaya siya kumukuha ng escort," may ipinakita siya sa aking picture galing sa kaniyang cellphone. Litrato ng isang lalaki, naka-puting polo shirt na may tatak na Marco Polo sa kanang dibdib nito. What the effin' God! He's hot! Sa litrato, mahahalata na matangkad ito, mukha din siyang mexican or a latino. He got pointed features. He got dark hair with side part cut. Ang mas nakuha ng atensyon ko ay ang mga mata niya. His piercing brown eyes. "He's Byron Villalobos, thirty two years old. Bunsong anak ni Greg Villalobos. Tulad ng ama, nasa politika din ang anak. Kasalukuyan itong mayor ng isa sa mga lalawigan sa Cavite." "Where exactly in Cavite?" "Silang," she answered. Natigilan ako ng ilang segundo. Pagtataka ang umaahon sa aking sistema. "Bakit kailangan niya hanapan ng escort ang anak niya? His son is definitely hot... Pwede nang ihanay sa mga models, Nina." "His son is unattached, Marple. Huling nagkaroon ng karelasyon ang mayor na ito noong college, after that, wala na. Iyon lang ang napag-usapan. Pero sasabihin daw niya ang buong detalye sa oras na makarating ka sa ancestral house nila." dagdag pa niya. "So, tatanggapin mo ba? Or...?" "Of couse, tatanggapin ko." walang alinlangan kong sagot. Hindi pwedeng hindi dahil sayang ang kikitain ko sa isang ito! Ngumiti siya. "Kung ganoon, ihahatid na kita mga Villalobos. Napirmahan na din naman ang kontrata." tumayo na siya pero agad ko siyang hinawakan sa braso. Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Wait, alam ba ng Byron Villalobos na iyon tungkol dito?" "Yeah, alam niya. Ang sabi lang niya, bahala ka na daw. Wala daw kayo mahihita sa kaniya." doon ay binitawan ko na siya. "Siya, sumunod ka nalang sa labas. Hihintayin kita sa sasakyan." pagkatapos ay iniwan na niya ako. Ibinuka ko ang aking bibig. Gumuhit ang nakakalokong ngisi sa aking mga labi. "Suplado ka pala, ha. Tingnan natin kung uubra sa akin iyan..." mahina kong sambit. Tumayo na ako't isinublit ko ang sling bag sa aking balikat hanggang sa nakalabas na ako ng Coffee Shop para puntahan na si Nina na nanghihintay sa akin sa Parking Lot. Well, see you soon, Mayor Byron Villalobos. Dadating na ang demonyonita sa buhay mo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
101.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook