"Anika?" Nagising ako sa tawag ng kasambahay namin bandang alas sais ng gabi. Nagulat pa ako na inabot ng apat na oras ang naging tulog ko pagkakita sa wristwatch na suot ko. Ang plano ko ay iidlip lang saglit at saka magbabasa-basa ng mga documents na pinapaaral sa akin ni Daddy pero hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. I guess it's my ruined body clock again. Halos magdadalawang linggo pa lang kasi nang umuwi ako galing sa isang buwan na bakasyon sa Paris. Palagi ay nakakatulog ako ng ganitong oras. Hindi ko alam pero hirap na hirap akong pigilan ang antok. I stretched my hands habang sarado pa rin ang mga mata. Naramdaman kong medyo kumikirot ang ulo ko kaya nagdilat ako ng mga mata para bumangon at umupo sa kama. Nang makaupo na ako ay naramdaman ko ang lalong pag

