bc

Playboys Do Fall In Love

book_age18+
51.6K
FOLLOW
253.3K
READ
billionaire
possessive
escape while being pregnant
age gap
pregnant
playboy
arrogant
CEO
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

YM Series #1

Warning: MATURE CONTENT!

“You haven't brought girls here, then?” pasimpleng tanong ko.

“Well, of course I've had—”

Pinalo ko agad ang dibdib n'ya. Humalakhak s'ya sa nakikitang pagkapikon ko.

“Ang pikon talaga ng baby ko. Of course, I brought Mom and Lola here. Nath were also here if she needed to hide or something,” sabi n'ya at saka hinawakan ang kamay ko. “And of course, you...”

Napalunok ako nang umangat ang kamay n'ya at pisilin ang baba ko sabay halik sa akin. Saglit na saglit lang iyon. Parang idinikit n'ya lang ang mga labi n'ya sa labi ko pero kakaibang kilabot na ang naging dating no’n sa akin. He looked at me as if he was still asking for my permissions. I closed my eyes while anticipating for his kiss.

He brushed his lips against mine at katulad kanina ay magaan lang ulit iyon kaya hindi ko mapigilang habulin ang mga labi n'ya. Nag-init ang pisngi ko nang mahuli ko s'yang nakangisi sa akin. He licked his lips while looking at me. Umirap ako.

“Do you want more?” he seductively whispered.

“No!” pasupladang sagot ko dahil halatang inaasar n’ya ako. Hinapit n'ya ulit ako sa beywang.

“No?” bulong n'ya at agad binigyan ako ng magaan na halik sa gilid ng mga labi ko. Napalunok ako at bahagyang napapikit. Humalakhak s'ya sa tenga ko nang makita ang reaksyon ko.

“You are enjoying this, aren't you?” nanliliit ang mga matang tanong ko.

“Hmm? Enjoying what, baby?” patay malisyang tanong n'ya.

“Itong pambibitin mo sa akin—”

Napatigil ako sa pagsasalita at hinampas hampas ang mga balikat n'ya nang malakas na tumawa s'ya. Nag-iinit ang pisngi ko sa sobrang kahihiyan. Pulang pula ang tenga n'ya dahil sa pagtawa kaya lalong nag-init ang pisngi ko.

“Uuwi na nga ako!” inis na sabi ko at saka nagmartsa para makalayo sa kanya. Tumatawang inabot n'ya ang beywang ko.

“Bitawan mo ‘ko!” reklamo ko habang hinahawi ang kamay n'ya pero laking gulat ko nang pangkuin n'ya ako kaya agad akong napakapit sa leeg n'ya.

“There you go, my grumpy baby...” nakangising sabi n'ya at hinalikan ako sa pisngi.

Tiningnan ko s'ya ng masama.

“I'm going home. Ibaba mo ako,” nakairap na sabi ko. Ngumisi s'ya bago sunod-sunod na umiling.

“Nope. You're not going home. Ayaw ko ngang umuwi ka ng nabibitin...” bulong n'ya at saka naglakad na papasok sa isang kwarto.

****

Anika's first impression of Vaughan Montecarlo wasn't really that good. Kabilaan ang bali-balita tungkol sa di-umano ay pagiging babaero nito at kung kani-kaninong babae nali-link ang pangalan ng binata. Nang unang beses n'yang makaharap si Vaughan ay napatunayan n'ya sa sariling totoo nga ang mga balitang kumakalat tungkol dito. Lalo n'yang napatunayan iyon nang magtrabaho s'ya bilang intern nito at maranasan n'ya ang pagiging "malikot" nito sa babae.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Ouch!" Napahinto si Anika sa paglalakad at halos mapaupo na s'ya sa bermuda grass ng magarang garden ng mga Montecarlo. Sinilip n'ya ang kanang paa na kanina pa sumasakit dahil sa suot n'yang sapatos na mayroong 3 inches heels. Hindi n'ya talaga lubos na maisip kung paano kinakaya ng kakambal n'yang si Eureka na magsuot ng ganun kataas kahit papasok lang naman sila sa school. Ngayon ay napilitan lang s'yang magsuot ng ganun kataas ang heels dahil sa party na ito ng kaibigan at business partner ng Daddy n'ya; si Von Montecarlo. Montecarlos are famous when it comes to hotels. Kahit highschool pa lang s'ya ay madalas na n'yang mapanood sa mga news at commercials ang pamilya ng mga ito. Her interest lies in managing hotels kaya nga balak talaga n'yang kuhanin ang kursong HRM kapag s'ya ay nagkolehiyo na. At dahil business partners na ang Daddy n'ya at ang mga Montecarlo, sila marahil ang magiging madalas na ka-transaction n'ya at excited na s'ya para sa bagay na 'yon! "Ang sakit na talaga!" ngumiwi s'ya nang makaramdam ng kirot mula sa namamaltos na daliri ng paa. Napatingin pa muna s'ya sa paligid bago tuluyang sumalampak sa damuhan. Nakasuot lang kasi s'ya ng maikling skirt at sleeveless blouse kaya hindi malabong masilipan s'ya kung may ibang tao doon. Kitang-kita n'ya ang nagpaltos na bahagi sa gawing hinliliit n'ya. Parang hindi na nga n'ya kayang isuot muli ang sapatos n'ya pagkatapos n'yang makita iyon. "Are you okay?" Halos mapatili s'ya sa gulat nang may magsalita sa likod n'ya. Sa sobrang taranta ay napatayo s'ya agad na iisang sapatos lang ang suot para sana harapin at sitahin ang kung sino mang nanggulat sa kan'ya. "Watch your steps!" Kasabay ng pagpihit n'ya paharap dito ay ang pagsigaw nito upang bigyan s'ya ng babala. Napatili s'ya nang sa paghakbang n'ya ay may naapakan s'yang mga natuyong dahon at ilang sandali pa ay lumusot na s'ya doon. Paupo s'yang bumagsak sa hindi kalalimang butas na iyon ngunit ang paa n'ya ay parehong nakataas. Halos mapamura s'ya nang makita ang ayos n'ya. "Are you okay, Miss?" Rinig n'yang tanong ng nanggulat sa kan'ya. Pinilit n'yang umayos para maibaba ang paa n'ya pero hindi n'ya magawa dahil masyadong masikip ang space ng butas na iyon. "Miss-" na rinig n'ya ang paghakbang nito. Nanlaki ang mga mata n'ya dahil sa posibilidad na makita nito ang ayos n'ya. Ni wala s'yang suot na stockings or cycling manlang sa ilalim ng skirt n'ya! "W-wag kang lalapit!" sigaw n'ya na nagpatigil sa paghakbang nito. "D'yan ka lang!" "Alright! But can you still stand?" tanong ulit nito. "I-i'll try. . Basta d'yan ka lang—ouch!" Pagtukod n'ya pa lang ng kaliwang kamay n'ya ay napadaing na s'ya sa sakit. Nang silipin n'ya iyon ay may gasgas na ang kanyang palad. Napapikit s'ya sa hapdi. Sino bang siraulo ang naghukay ng butas dito sa garden? Nag-iinit ang ulo n'ya. Susubukan sana n'ya ulit na tumayo ngunit nagulat s'ya nang may taong sumungaw na mula sa itaas. Sa una ay magkasalubong ang makakapal na kilay nito pero unti-unti iyong tumaas nang makita ang ayos n'ya. Wala na! Nakita na n'ya! Sa isip ni Anika, bigla n'yang nahiling na sana ay mas malalim pa doon ang kinahulugan n'ya. 'Yong tipong sa sobrang lalim ay hindi s'ya makikilala nito. Parang gustong manginig ng mga tuhod n'ya kahit na nakataas ang mga ito ngayon. Well, sino'ng matinong babae ang hindi panginginigan ng tuhod kung ito ang nasa harapan n'ya? The guy in front of her is none other than the heir of the Montecarlo Holdings! Naglahad agad ito nang kamay sa kan'ya matapos ang ilang saglit na pagkabigla. Kung kanina ay gustong manginig ng tuhod n'ya, ngayon ay gusto na yata n'yang mawalan ng malay. "Hold my hand," seryosong utos nito na ang mga mata ay nakadirekta sa kanya. Tinitigan n'ya iyon sa sobrang pagkamangha. Sa distansiya nila ay kitang kita n'ya ang mukha nito. She's always around with good looking guys pero ngayon lang yata s'ya nakakita ng lalakeng ganon kalakas ang karisma. "Look, Miss," bigla ulit itong nagsalita na ikinabigla n'ya. Mukhang natagalan ang pagkakatitig n'ya sa mukha nito. Agad s'yang nakaramdam ng hiya. Lalo na sa sumunod na sinabi nito. “If you want to torture me by giving a free sight access to your delicate skin, pwede namang sa itaas natin gawin," he smiled coyly. “Not in this tiny and uncomfortable space," he added and winked at her. Nalaglag ang panga n'ya! She can feel her heart beating too fast. Not because of the excitement for whatever he said. It's because, she couldn't believe it! She couldn't believe she would experienced it firsthand! Ang pagiging palikero ng isang Vaughan Montecarlo!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook