Prologue

788 Words
"Ouch!" Napahinto si Anika sa paglalakad at halos mapaupo na s'ya sa bermuda grass ng magarang garden ng mga Montecarlo. Sinilip n'ya ang kanang paa na kanina pa sumasakit dahil sa suot n'yang sapatos na mayroong 3 inches heels. Hindi n'ya talaga lubos na maisip kung paano kinakaya ng kakambal n'yang si Eureka na magsuot ng ganun kataas kahit papasok lang naman sila sa school. Ngayon ay napilitan lang s'yang magsuot ng ganun kataas ang heels dahil sa party na ito ng kaibigan at business partner ng Daddy n'ya; si Von Montecarlo. Montecarlos are famous when it comes to hotels. Kahit highschool pa lang s'ya ay madalas na n'yang mapanood sa mga news at commercials ang pamilya ng mga ito. Her interest lies in managing hotels kaya nga balak talaga n'yang kuhanin ang kursong HRM kapag s'ya ay nagkolehiyo na. At dahil business partners na ang Daddy n'ya at ang mga Montecarlo, sila marahil ang magiging madalas na ka-transaction n'ya at excited na s'ya para sa bagay na 'yon! "Ang sakit na talaga!" ngumiwi s'ya nang makaramdam ng kirot mula sa namamaltos na daliri ng paa. Napatingin pa muna s'ya sa paligid bago tuluyang sumalampak sa damuhan. Nakasuot lang kasi s'ya ng maikling skirt at sleeveless blouse kaya hindi malabong masilipan s'ya kung may ibang tao doon. Kitang-kita n'ya ang nagpaltos na bahagi sa gawing hinliliit n'ya. Parang hindi na nga n'ya kayang isuot muli ang sapatos n'ya pagkatapos n'yang makita iyon. "Are you okay?" Halos mapatili s'ya sa gulat nang may magsalita sa likod n'ya. Sa sobrang taranta ay napatayo s'ya agad na iisang sapatos lang ang suot para sana harapin at sitahin ang kung sino mang nanggulat sa kan'ya. "Watch your steps!" Kasabay ng pagpihit n'ya paharap dito ay ang pagsigaw nito upang bigyan s'ya ng babala. Napatili s'ya nang sa paghakbang n'ya ay may naapakan s'yang mga natuyong dahon at ilang sandali pa ay lumusot na s'ya doon. Paupo s'yang bumagsak sa hindi kalalimang butas na iyon ngunit ang paa n'ya ay parehong nakataas. Halos mapamura s'ya nang makita ang ayos n'ya. "Are you okay, Miss?" Rinig n'yang tanong ng nanggulat sa kan'ya. Pinilit n'yang umayos para maibaba ang paa n'ya pero hindi n'ya magawa dahil masyadong masikip ang space ng butas na iyon. "Miss-" na rinig n'ya ang paghakbang nito. Nanlaki ang mga mata n'ya dahil sa posibilidad na makita nito ang ayos n'ya. Ni wala s'yang suot na stockings or cycling manlang sa ilalim ng skirt n'ya! "W-wag kang lalapit!" sigaw n'ya na nagpatigil sa paghakbang nito. "D'yan ka lang!" "Alright! But can you still stand?" tanong ulit nito. "I-i'll try. . Basta d'yan ka lang—ouch!" Pagtukod n'ya pa lang ng kaliwang kamay n'ya ay napadaing na s'ya sa sakit. Nang silipin n'ya iyon ay may gasgas na ang kanyang palad. Napapikit s'ya sa hapdi. Sino bang siraulo ang naghukay ng butas dito sa garden? Nag-iinit ang ulo n'ya. Susubukan sana n'ya ulit na tumayo ngunit nagulat s'ya nang may taong sumungaw na mula sa itaas. Sa una ay magkasalubong ang makakapal na kilay nito pero unti-unti iyong tumaas nang makita ang ayos n'ya. Wala na! Nakita na n'ya! Sa isip ni Anika, bigla n'yang nahiling na sana ay mas malalim pa doon ang kinahulugan n'ya. 'Yong tipong sa sobrang lalim ay hindi s'ya makikilala nito. Parang gustong manginig ng mga tuhod n'ya kahit na nakataas ang mga ito ngayon. Well, sino'ng matinong babae ang hindi panginginigan ng tuhod kung ito ang nasa harapan n'ya? The guy in front of her is none other than the heir of the Montecarlo Holdings! Naglahad agad ito nang kamay sa kan'ya matapos ang ilang saglit na pagkabigla. Kung kanina ay gustong manginig ng tuhod n'ya, ngayon ay gusto na yata n'yang mawalan ng malay. "Hold my hand," seryosong utos nito na ang mga mata ay nakadirekta sa kanya. Tinitigan n'ya iyon sa sobrang pagkamangha. Sa distansiya nila ay kitang kita n'ya ang mukha nito. She's always around with good looking guys pero ngayon lang yata s'ya nakakita ng lalakeng ganon kalakas ang karisma. "Look, Miss," bigla ulit itong nagsalita na ikinabigla n'ya. Mukhang natagalan ang pagkakatitig n'ya sa mukha nito. Agad s'yang nakaramdam ng hiya. Lalo na sa sumunod na sinabi nito. “If you want to torture me by giving a free sight access to your delicate skin, pwede namang sa itaas natin gawin," he smiled coyly. “Not in this tiny and uncomfortable space," he added and winked at her. Nalaglag ang panga n'ya! She can feel her heart beating too fast. Not because of the excitement for whatever he said. It's because, she couldn't believe it! She couldn't believe she would experienced it firsthand! Ang pagiging palikero ng isang Vaughan Montecarlo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD