Pregnant

1113 Words
ANIKA'S POV “About the letter you are asking me, Anika,” Napatigil ako sa pagkuha ng paborito kong buttered shrimp nang magsalita si Daddy. “Y-yes, Dad?” napalunok ako. I was quite tensed ‘coz it's the first time na nagpatulong ako kay Daddy para sa pansariling kagustuhan ko. “It was approved,” sabi n'ya. Yes! Halos magtatalon na ako pagkarinig sa sinabi n'ya. “But I heard your friend needs to assist Mr. Montecarlo's son,” dagdag ni Daddy. Napasinghap ako. Muntik ko ng mabitawan ang kutsara at tinidor na hawak ko. Assistant? Bakit? And why him? Like I said, it was the first time na humingi ako ng tulong sa pamilya para payagang makapag internship din sa Montecarlo Holdings ang boyfriend kong si Jack pero pakiramdam ko ay ako ang magiging dahilan ng hindi n'ya pagtatagal sa trabaho. I can clearly remember how he thought I was into him that night. Sobrang babaero at sobrang gwapong-gwapo sa sarili! Ang kapal-kapal ng mukha! I really hate his guts! And there was this insane rumors in school after that night. Sinubukan ko daw akitin si Vaughan Montecarlo but I failed! I also remember how Euri got into a lot of different fights because of that groundless rumors. “Kung sino man ang nagpakalat ng tsismis na iyon tungkol sa kakambal ko ay lumapit dito at sasabunutan ko!” Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay humupa na ang tsismis na iyon tungkol sa akin at nung college, bumalik pero hindi na ganoon kalala. Euri wasn't there to defend me kaya hinayaan ko na lang. Tapos ngayon ay pepestehin n'ya na naman ang buhay ko?! Paano kung sabihin n'ya iyon kay Jack? I shook my head. “Pero, Dad, I thought he's going to be with me during the whole internship? Hindi po ba sinabi kong magkasama na lang kami ng department—” “I actually didn't do anything. I was just informed that he was personaly requested by Vaughan. Didn't your friend call you?” “Personaly what?!” napatayo ako sa gulat. What the hell? “What's wrong, Kambal?” tanong ni Euri na kunot-noong tinitingala ako. They were all stopped eating and now looking at me. Uminom ako ng tubig at tuloy-tuloy na inubos 'yon. “I'm sorry. Please, excuse me!” sabi ko at dali-daling lumabas sa dining room at patakbong umakyat sa taas para i-check ang phone ko. Ngayon ko lang napansin. It's been two days since I talked to him. Natapos ang weekend na ito ng hindi n'ya manlang ako tinext or tinawagan! Weird. I entered my room to thoroughly check on my phone. I saw three missed calls pero hindi sa kanya galing ang mga iyon. I scan my inbox to check if he texted me pero wala rin akong nakitang new message galing sa kanya. I then dialled his number. The subscriber cannot be reached. Please try again later. “What?” I checked on the time and it was just 7:05pm. Tulog na ba s'ya? Agad? I decided to just send him a message. Me: Good evening, babe! Are you busy the whole weekend? Baka napagod lang sa trabaho o kaya ay tumulong sa shop ng Papa n'ya. Jack's family isn't that well off. His Dad owns a small computer shop near their house and his Mom runs a small sari-sari store. He has three siblings and he's a working student since high school. He's very diligent and smart. Probably the reason why I like him. Magdadalawang buwan pa lang kami and so far, our relationship is smooth. But he didn't want us to go public, yet. So, we're dating secrectly for two months now. Even my closest friends don't know about us. Ang alam lang nila ay nililigawan ako ni Jack. Alas nuebe na ng gabi ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Iniisip ko pa rin kung bakit ni-request ni Vaughan si Jack na maging assistant nito. I wonder if they're close? Umiling-iling ako. No way. That's impossible! Jack isn't the type who would associate himself with the likes of Vaughan. They won't just seem to get along. Nakatulugan ko ang kaisipang 'yon. Kinabukasan ay maaga akong pumasok kahit na tapos ko naman na ang lahat ng kailangang tapusin bago magsimula ang internship ko. Tumuloy ako sa library kung saan kami nagkikita bago mag-start ang klase or if we both have a spare time. Pumwesto ako sa madalas naming pag-upuan. “Ten minutes before seven,” bulong ko at inabangan ang pagdating n'ya. “Have you heard what happened to Paye?” Three girls from the back were chatting. Napalingon ako saglit dahil medyo nasagi ng isa ang buhok ko. They were my schoolmates way back in highschool pero mukhang hindi nila ako napansin kaya hinayaan ko na. Napatingin ulit ako sa relo ko. It's 7:10am and Jack isn't here yet. Wala rin s'yang reply sa message ko sa kanya kagabi. “Yeah! I heard from my Mom this morning. She's quiting school coz she's pregnant!” I dialled his number and I still couldn't reach him. Seriously? What happened to him? Busy ba s'ya masyado at hindi manlang magawang mag-check ng phone? Yumuko ako sa table at napapikit. “I missed him...” bulong ko. “Who's the father? I heard nag-break na sila ng boyfriend n'ya?” Umikot ang mga mata ko. These girls, really?! Sa library pa talaga nag-tsismisan! “Jaycee!” “Here's Jaycee! Tara itanong natin kung totoo 'yong tungkol kay Paye.” “Ano? Nagmamadali ako may hinahabol pa akong prof.” Kumunot ang noo ko nang mabosesan ang nagsasalita. Jaycee? Jaycee Corpuz? Jack's cousin? Inangat ko ang ulo ko at nilingon ang likod para makita kung si Jaycee nga iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita s'ya. Hindi n'ya ako napansin dahil ang atensyon n'ya ay sa tatlong babaeng nagtitsismisan. Ngumiti ako at hinintay na mapatingin s'ya sa gawi ko. “Is it true that Paye's pregnant?” tanong ng isang babae sa kanya. Natahimik si Jaycee at napahilot sa batok. “Ahh.. oo. Hindi nga pumasok si Jack para puntahan s'ya sa bahay,” sagot nito. Unti-unting nawala ang ngiti ko. Pakiramdam ko ay nagdikit ang mga labi ko at hindi ko maibuka 'yon para makapagsalita. Paye? Buntis? Pinuntahan ni Jack sa bahay? Na..n-nakabuntis... si Jack? Parang mga keyword sa reviewer ko na isa-isang pumasok sa utak ko ang mga pinag-uusapan nila. Did I mishear them? Baka naman mali lang ako ng pagkakaintindi sa usapan nila? “A-Anika?” Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang pangalan ko. Parang nakakita ng multo si Jaycee nang magtama ang mga paningin namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD