Vaughan Montecarlo

1621 Words
“That's what you get for dating a guy secretly, Anika! Ano'ng sabi mo? Nakabuntis ng iba? How dare he two time you?!” tuloy-tuloy na sermon ni Euri nang tawagan ko s'ya sa messenger para ipaalam ang nangyari sa amin ni Jack. She's in Japan for a photoshoot and I am not sure kung kailan ang balik. I was really shocked and I need someone to talk to. Bumuntonghininga ako bago napatingin sa screen ng phone ko. Natahimik lang ako dahil wala akong masabi. “Oh my gosh! Look at you! You're hopeless! Are we really twins?” sermon pa rin nito habang tinitignan ang reactions ko. Napairap na ako. “So this is what I've got after calling you?” sumbat ko. Tumaas ang kilay n'ya at nag-focus sa screen. “Forget him, Anika. Don't you ever dare get swayed! Magkakaroon na 'yon ng sariling pamilya. Kahit sabihin n'ya pang ikaw ang mahal n'ya papatayin ko 'yan kapag uwi ko d'yan!” kinagat n'ya ang ibabang labi dahil sa panggigigil. Actually ay wala naman akong balak na habulin s'ya. I just want to know his side. Para na rin may closure at hindi 'yong ganito na nag-iisip ako ng kung ano-ano. “I called you because I have a favor to ask, Euri...” I cleared my throat. She crossed her arms. “Shoot! What is it?” Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “Friends kayo ni... Vaughan Montecarlo, hindi ba?” alangang tanong ko. Euri tilted her head. Nanliliit ang mga mata n'ya na ang tingin ay tumatagos sa screen. I know that look. “Of course, I am close to him. Why? Do you want me to set you up with him? He can surely make you forget your d*mn ex, Anika. Good choice—” There. Sinasabi ko na nga ba! “No! Hell, no! Hindi ‘yon ang rason, Euri!” napahilot ako sa sintido. Me and Vaughan together? Just the thought of it is already stressing me out. “What do you need from him except for that?” tanong nito na parang wala na akong ibang pwedeng dahilan para i-approach ang lalaking ‘yon. “I just wanna know if he's friends with... Jack.” napasinghap ako nang paluin n'ya ang ibabaw ng table n'ya. “Anika, I clearly told you—” “I just need to know, okay? He's... he's going to work in Montecarlo Holdings, too. Magkikita at magkikita kami,” paliwanag ko. Kumunot ang noo n'ya kaya nagpasya na akong i-kwento ang tungkol sa internship namin. “I'll be home this weekend. I will ask him personally. I will ask him to reject his application—” “He already passed, Euri. And... Vaughan personally picked him to be his assistant. So, basically he will spend his whole internship in his department... with me.” I said while bitting my lower lip. “What?!” “Okay lang naman na doon din s'ya mag-internship basta sa ibang... branch.” “Okay, I got it. I got you, Kambal! Leave it to me. Basta wag kang maingay kay Daddy.” Tumango ako at pagkatapos ay nagpaalam na rin s'yang magpapahinga dahil may photoshoot pa raw s'ya mamaya. “Ma'am Anika, pinapatawag na po kayo ni Ma'am Valeen sa baba. Kakain na daw po.” Nagulat pa ako nang makapasok na sa kwarto ang kasambahay namin. Ni hindi ko manlang namalayan iyon. Napabuntonghininga ako bago sumagot. “Sige po, Manang. Bababa na ako.” I am already in my pajamas dahil wala talaga akong balak kumain ng dinner. I guess, I'll just go downstairs to inform them that I'm not eating. Tinaas ko lang ang buhok ko at bumaba na. Pagpasok ko sa dining room ay nagulat pa ako nang sobrang daming pagkain ang nakahain sa mesa. Si Mommy naman ay halatang hindi mapakali. My brothers are already sitting there. “What are you wearing, Ate Nika?” tanong ni Dame. “Aren't you eating, Ate?” si Rowie na nakataas ang kilay. “Oh.. I'm not eating—” “Manang, okay na po 'yong desert?” rinig kong tanong ni Mommy at napatingin sa gawi ko. “What do you mean you're not eating, Anika? Sit down. Wag mong ipahiya ang Daddy mo sa bisita n'ya.” Bisita? “Are we expecting someone, Mom?” takang tanong ko. Pero bago pa makasagot si Mommy ay nagsabi na ang isang kasambahay na dumating na raw si Dad. Bumuntonghininga ako at umupo na rin sa hapag. Nanunuri ang tingin ni Rowie sa akin nang mapatingin ako sa gawi n'ya. “What?” irap ko sa kanya. “You don't look good, Ate. Are you stress in school?” si Dame na kinuhanan pa ako ng picture. “I'll send it to Ate Euri!” “Isa!” pinandilatan ko s'ya. “Mommy, how was it? Did you prepare dinner?” nagmamadaling tanong ni Dad pagkapasok pa lang sa dining area. Nakasimangot si Mommy. Tumawa si Dad at niyakap s'ya. “Sorry na, Mommy. Biglaan lang kasi. Well, Vaughan's in the area kaya sa kanya ko na ibibigay 'yong mga documents na kailangan ni Engineer para sa bagong project namin.” Vaughan? Ipinilig ko ang ulo. Now I am hearing things. This is not good. “Kasi naman, Daddy, nakakahiya kay Vaughan. Hindi manlang nakapagprepare ng maaga.” nakangusong sabi ni Mom. Dad just gave her a peck on the lips. Pero narealized ko na hindi na guni-guni ang pagkakarinig ko sa pangalan ni Vaughan. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanlamig. Ilang sandali pa ay dumating na nga s'ya. “It smells so good in here!” dinig na dinig ko na agad ang boses n'ya habang kausap si Dad palapit sa dining table. Tumayo kaagad si Mommy at nakipagbeso kay Vaughan. “Sobrang tangkad naman ng batang 'to!” puna ni Mommy nang makaharap na s'ya. “The power of genes, Tita..” natatawang sabi nito at nagawi ang tingin sa mga pagkain sa hapag. “Whoa, these are my favorites!” natatakam na bulalas nito. “Talaga? Naku, pasensya na at hindi nakapaghanda. Late na kasi nasabi ng asawa ko na dito ka magdidinner.” “No worries, Tita. Wala naman po talaga akong balak magdinner ngayon dahil may hinahabol akong trabaho pero bigla akong nagutom sa mga hinanda nyo.” ngiting-ngiting sabi nito. Tumawa si Mommy at pinaupo na s'ya. Kitang-kita ko ang pagtayo ni Damon at paglipat sa tabi ko para makaupo sa pwesto n'ya si Vaughan. I felt my knees trembled lalo na nang mula sa paghighfive n'ya kay Rowan ay mapako ang mga mata n'ya sa akin. “Long time no see, Anika...” Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mabilisan n'yang paghagod ng tingin sa kabuuan ko. Napakislot ako. Mabuti na lang ay nakaupo na ako kung hindi ay baka nanlambot na ako dahil sa titig n'ya. Until now, I really can't explain how his presence affects me this much. Kahit pa noong hindi ko pa s'ya nakikita sa personal ay iba na ang dating n'ya sa akin. At mukhang hindi lang ako ang apektado ng presensya nito kundi halos lahat ng mga ka-baro ko. No wonder he's branded as a skirt chaser. A certified playboy! Hindi lang kung sino-sinong naggagandahang elites ang napapabalitang naging ka-fling nito kundi pati ilang sikat na artista ay na-link din sa kanya! At ang pinaka malala ay ang napabalitang may anak na raw ito at itinatago lang sa kung saan which I know isn't true. Dahil kilala nina Daddy ang mga magulang ni Vaughan at hindi magagawa ng mga ito ang ganun ka-imoral na bagay. Hindi ako nagsalita at sa halip ay inismiran lang s'ya. Hindi maganda ang huling pagkikita namin kaya dapat lang na wag s'yang umastang masaya s'ya at nagkita ulit kami. Madalas ko s'yang mahuling tumitingin sa akin habang naghahapunan kami. Kung hindi pa s'ya kakausapin ni Daddy ay hindi pa n'ya iaalis ang tingin sa akin. Napaka babaero talaga! Akala siguro n'ya ay madadaan n'ya ako sa pagtitig titig at pagpapa-cute n'ya! “So, when are you gonna start your internship?” tanong nito nang matapos ng magdinner at hinihintay na lang ang ibibigay na documents ni Daddy. Paakyat na ako sa taas nang harangin n'ya ako. “Monday,” tinatamad na sagot ko at hinawi ang braso n'ya. Hindi manlang s'ya natinag sa kawalan ko ng ganang makipag-usap sa kanya. Sa halip ay lalo pang isiniksik ang sarili sa akin. Ilang na ilang ako dahil sa manipis na telang suot ko. Kunot-noong tiningala ko s'ya. Gulat na gulat ako nang mahuli ko s'yang nakatitig sa labi ko! Anak ng teteng! Napaka landi talaga ng isang ito! Buong pwersang itinulak ko s'ya at agad humakbang para makaakyat sa itaas. Narinig ko pa ang halakhak n'ya. “See you on Monday, then!” habol pa nito pero sa halip na sagutin ay binilisan ko pa lalo ang paghakbang sa hagdanan. “Watch your steps. Sayang naman kung magagasgasan ka!” Napatigil ako sa pag-akyat at tinanaw s'ya sa ibaba. He was still there and watching me. Nakatingala s'ya at kitang-kita ko ang pagkagat-kagat n'ya sa labi n'ya na parang nang aakit! Imbes na patulan ang pambubwisit nito ay sinimangutan ko s'ya ng todo at inirapan bago tuluyang nagtungo sa aking silid. Napaupo ako sa kama nang tuluyang makapasok sa kwarto. My knees were still trembling and my heart was still racing dala marahil ng pagtakbo. Sa pagtakbo nga ba, Anika? Ipinilig ko ang ulo ko. I have to get used of his presence dahil tatlong buwan ko s'yang makakasama sa trabaho. Three freaking months of torture kung hindi ako masasanay sa presensya n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD