Videocall

1694 Words
“Anika, look here!” Nag-angat ako ng tingin kay Euri matapos naming makaupo sa likod ng van. She's back from her photo shoot in Japan at hindi talaga s'ya pumayag na hindi ako sumama sa pagsundo sa kanya sa airport. Huli na para matakpan ko ang mukha ko dahil nakakuha na s'ya ng ilang pictures. Tumaas ang kilay n'ya matapos i-scan ang mga pictures na kinuha n'ya. “This is a perfect shot for the before and after post later!” sabi n'ya at ipinagpatuloy ang pagkulikot sa phone. Bumuntonghininga ako nang mag-vibrate ng sunud-sunod ang phone ko. “There you go. I tagged you!” naka-peace sign na sabi n'ya. Iiling-iling na kinuha ko ang phone ko sa bulsa. I opened my i********: account na madalang pa sa patak ng ulan sa disyerto kung i-update ko. The last picture I posted there was almost a year ago when I had my first internship in Europe. I checked my feeds and saw Euri's post on top with the photo that she took just a while back. My notification bar was full of alerts from that post where she tagged me. Hindi pa man naglilimang minuto nang mai-post n'ya iyon ay mayroon na agad itong almost 5k likes at sunod-sunod ang notifications para sa mga comments. The perks of being a model, huh? “My followers are praising your 'no make-up' look, Anika. I couldn't blame them, though. You look even prettier with your bare face!” nagmamalaking sabi n'ya. Napailing na lang ako. We're identical twin but her confidence is always on another level. “Look who's talking!” sabi ko na ikinatawa n'ya ng malakas. Madalas ay napagkakamalan kasi si Euri na naka-make up kahit na wala naman talaga s'yang inilagay na kahit na ano sa mukha kundi ang moisturizer na palagi naming inilalagay pagkatapos maligo. Just like now. We're both not wearing any make-up at all. Bumungisngis s'ya habang nakatingin pa rin sa phone. Maya-maya ay napatili na ito ng impit habang sinisiksik ang mukha sa gilid ko. Umikot ang mga mata ko nang magkaroon ng ideya kung bakit s’ya nagkakaganito. There's only one person who can make her act like this. “What did Triton Aldana do this time?” natatawang usisa ko. Lalo s'yang nagsumiksik sa akin nang banggitin ko ang pangalan ni Triton. She's got a big crush on that guy at hindi ko masisisi ang kakambal ko. Triton Aldana is living up to his name. He looked like a Greek God. I still remember the first time I met him. Dumoble ang lakas ng karisma nito sa personal and he looked so intimidating. Gwapo nga pero mukhang sobrang mahal ang ngiti! I really don't know how my twin was handling that. He was like a celebrity that is so handsome and unreachable. Nang mag-angat s'ya ng mukha ay pulang-pula na ang pisngi n'ya. Sunod-sunod na paghampas ang sumalubong sa akin habang ipinapakita ang phone n'ya. “He viewed my story, Kambal! He's checking up on me!” kilig na kilig na sabi nito at napapatakip pa ng mukha sa sobrang kilig. What the? “View lang pala!” nang-aasar na komento ko. Tinawanan n'ya naman ako. “My gosh, Anika! Wag mong i-"lang" 'yong pag-view n'ya sa story ko. Kung alam mo lang kung gaano ka-busy 'yong tao na 'yon to even check his social media accounts pero tingnan mo naman! Nagawa n'ya pang i-view ang update ko. Kinikilig ako ng todo sa effort n'ya, huh!” ngiting ngiting bulalas nito. I can't stop rolling my eyes on her. “Crazy!” I mocked. “Nope. Just smitten!” ngiting-ngiting pagtatama nito. Napailing na lang ako at itinuon ulit ang atensyon sa phone. Someone sent me a message in my i********: account. Usually ay hindi ako nag-checheck ng mga messages ‘coz most of them are from Euri's admirer na madalas napagkakamalang ako. Minsan ay may mga nagsasabi pang 'poser' daw ako at ginagamit lang ang pictures ni Euri. Hindi ko alam kung paano nila nasasabi 'yon samantalang madalas namang nagpo-post si Euri ng pictures n'ya na kasama ako. Out of curiosity, I opened the message from someone who has a username of vmlovesyu. Kumunot ang noo ko pagkabasa sa username n’ya. What a weird username. Nagulat ako nang hindi lang isang message ang sinend n'ya. Marami at mukhang naipon na ang mga ‘yon at parang occasionally n'ya 'yon ginagawa. The recent chat says, Hi Anika! You look gorgeous in your recent upload! Napangiti naman ako at nagsimulang mag-type ng reply. Pagkatapos ma-send ay binalikan ko ang notifications ko at nakitang umabot na ng 100k ang followers ko. At hindi lang iyon, mayroon pang verified badge sa tabi ng pangalan ko. Euri has almost half a million followers kaya hindi na rin ako nagtaka. For sure ay mga admirers n'ya ang karamihan sa nag-follow sa akin. Binalikan ko ang feeds ko at nakita ko ulit ang recent post ni Euri. Umabot na ngayon ng 50k ang likes at 1k ang comments. Na-curious naman ako sa mga comments doon kaya sinilip ko na rin. There was a top comment there with 10k likes already. Tumaas ang kilay ko nang nabasa ang username nito. It was obvious kung kaninong profile 'yon! vaugh_an: Gorgeous! Tsk! “Man wh*re,” bulong ko na mukhang narinig naman ni Euri. Tumawa s'ya at sinulyapan ako. “What if Vaughan would try to hit on you, Anika? I wonder how would you start killing him?” natatawang sabi n'ya. Napangisi ako. She knows how I hate playboys! Nakita kong nagreply pala si Euri sa comment ni Vaughan. real.eureka.yu: Who? :-P Umikot ang mata ko at hindi na hinintay ang reply ni Vaughan at ibinalik ang tingin kay Euri na busy pa rin sa phone. “So, saan na nga tayo pupunta?” naiinip na tanong ko. “Magpapaganda pa lalo!” nakangiting sagot n'ya. Oh! Kaya naman pala hindi naglagay ng make-up dahil may balak na magpa-spa! “Isa pa, you need a haircut na rin! Para fresh ka sa Monday. Tingnan ko lang kung hindi maglaway 'yang magiging Boss mo kapag nakita ka ulit!” nakangising sabi n'ya. Kumunot ang noo ko. Si Vaughan ang magiging Boss ko kaya bakit naman ako magpapaganda para sa babaerong 'yon?! Bago pa man ako makapagreact sa sinabi n'ya ay bigla na n'yang itinaas ang kanyang phone at nagsalita. “Where is he?!” halatang nagpipigil ng kilig na tanong ni Euri sa kausap. Medyo maingay ang background at hindi ko masilip ang screen ng phone n'ya kaya hindi ko alam kung sino ang ka-videocall n'ya. “Over there!” rinig kong sagot ng kausap n'ya. Nangunot ang noo ko nang mabosesan iyon. That’s the man wh*re’s voice. Hindi ako pwedeng magkamali! “Hey, Vaughan! Put down the camera! Don't let him see me!” nahihiyang sigaw ni Euri habang iniiwas ang mukha sa camera. Narinig ko ang halakhak ni Vaughan at ang nagtatanong na boses ni Triton. Euri immediately passed her phone to me para siguro hindi makita ni Triton at nang silipin ko ang screen ay kitang-kita ko ang nakakunot na noo nito pagkakita sa akin. “Anika,” sambit n'ya pagkakita pa lang sa akin. Tumaas ang kilay ko sa bilis ng recognition n'ya. Kahit ang mga pinsan namin ay hirap kilalanin kami pero s'ya ay sobrang bilis nakakilala! Agad na naglikot ang camera at narinig ko sa background ang boses ni Vaughan. Nagulat pa ito nang makita ako sa screen. Umahon s'ya sa pool at saka naglakad palayo kay Triton. He was biting his lips while looking at the screen. Gusto kong mag-iwas ng tingin nang sa konting galaw n'ya ay mahagip ang nakabalandra n'yang dibdib at malapad na mga balikat. “Hi!” rinig kong bati n’ya matapos ang medyo may katagalang paninitig n’ya sa akin sa screen. I felt like I was holding my breath at nang magsalita s'ya ay saka lang ulit ako tuluyang nakahinga ng maayos! Tinagilid n'ya ang ulo at hinawi patalikod ang medyo basa pang buhok. The sight of his biceps and his armpit is making me really uncomfortable! Ilang beses na napalunok ako habang nalulunod sa mga titig n’ya mula sa screen. “Aren't you gonna greet me back, hmm?” malambing na tanong nito habang bahagyang ngumingiti sa akin. Napasinghap ako at napakislot sa upuan. Hindi ko alam kung bakit hindi ko matagalang makipag-usap sa kanya mapa-personal man o kahit sa phone. Hindi ako sanay at sobra sobra palagi ang pagkailang na nararamdaman ko sa kanya! I wonder how would I deal with him for three months na ganito ang nararamdaman kong nerbyos kapag nakikita at nakakausap s’ya? “Is it really that convenient to just stare at me rather than talking to me, hmmm?” Nang ibalik ko ang tingin sa kanya ay nanunukso na naman ang mga ngiti sa labi n’ya habang halos hindi na kumurap dahil sa paninitig sa akin. Pinigilan kong mapalunok at agad na nag-iwas ng tingin. “I'll r-return it back to Euri,” mabilis na sabi ko at agad na hinagis sa kandungan ni Euri ang phone n'ya. “Why?” takang tanong ni Euri pero nag-iwas na ako ng tingin at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana ng van. Hindi ko talaga maintndihan ang sarili ko kapag kausap ko ang Vaughan Montecarlo na ‘yon. Bakit ba ako kinakabahan gayong kausap ko lang naman s'ya sa screen? Inis na napairap ako. I hate it! Naiinis ako sa nararamdaman kong pagkailang sa kanya. Naiinis ako sa mga paninitig n’ya na parang mayroon s’yang gustong sabihin na hindi n’ya masabi ng diretso. I hate that I am curious about how he thinks of me. I hate how his voice became so soft when he was talking to me. I really hate how flirtatious he was when he’s with me or even just simply talking to me. I hate all of it! I hate him for always making me feel this way!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD