Boyfriend

1832 Words
“So, paano ba yan? I have to go. Yung bilin ko, Anika!” nanliliit ang mga mata na paalala ni Euri kinaumagahan ng Lunes. It's my first day to work as an intern in Montecarlo Holdings and she's heading to France to spend her internship in Yu International main branch. Doon n’ya napiling mag-internship dahil ang ibang oras n’ya ay gugugulin n’ya sa pagmomodel doon. Tatlong buwan s’yang mawawala kaya naman todo bilin s'ya sa akin kagabi pa. Paulit-ulit n’ya akong pinapaalalahanan tungkol sa ex ko dahil alam n’ya kung gaano kahina ang loob ko pagdating sa ganoong bagay. She was afraid that Jack might do something nasty to win me back. Na hindi ko naman hahayaang mangyari dahil sa sitwasyon n’ya. There was a child involved! At hindi ako ganoon ka-desperada para lamang pagkaitan ang batang hindi pa man lumalabas sa mundo ng pag-asang magkaroon ng normal at buong pamilya. Umiirap s’ya habang tinatantya ako. Naiinis parin s'ya dahil wala s'yang nagawa sa problema ko kay Jack kaya binilinan n'ya na lang akong umiwas ng todo dahil baka daw gamitan ako ng kung anong pambobola makuha lang nito ang gusto. “I will. Mag-ingat ka do’n, huh? Stop going to bars alone!” ganting bilin ko sa kanya. Hindi iilang beses na muntik na s'yang mabastos sa mga bars dahil sa kakagala n'ya ng nag-iisa. Katwiran n'ya ay saka lang s'ya titigil kung si Triton na raw ang magbabawal sa'kanya which was a sort of crazy idea because they both knew that Triton wasn’t the type to do that. Isa pa, ni wala ngang pakialam sa kanya ang lalakeng iyon. Lahat nga ng paraan ng pag-iwas ay ginagawa ng lalakeng iyon para lang maiwasang makasama si Euri. Na hindi ko talaga maintindihan dahil sa sobrang daming nagkakagusto sa kakambal ko ay baka kuyugin s’ya kapag nalamang tinatanggihan lang n’ya si Euri. “Sumbong mo ako kay Triton. You will see him in MH for sure!” tumatawang sabi lang nito. Napapailing na sinundan ko s'ya ng tingin matapos makipagbeso kina Mommy at Daddy pati na rin sa mga kapatid namin. Nang makaalis si Euri ay kinausap naman ako ni Daddy para sa magiging internship ko sa Montecarlo Holdings. Parang hindi lang isang beses n’ya akong sinabihan na sa company na lang namin mag-intern which is very far from my course. Pwede naman sanang office jobs pero hotels ang gusto kong matutunan ang palakad kaya kailangang sa isang hotel din ako mag-internship. “Things will not be easy for you there, Anika,” simula ni Daddy habang naglalakad kami papunta sa veranda para doon mag-usap. I was actually expecting that. Alam ko naman na hindi madali ang pagpapalakad sa isang hotel. Lalo na kung sa operations ako magfofocus. Ibinaba n'ya ang iniinom na kape at dumekwatro ng upo bago nagpatuloy sa pagsasalita. “You are aware about the merging of our companies, aren't you?” tanong n’ya na ang tinutukoy ay ang bagong company na itatayo kasama ang mga Montecarlos. Tumango ako at kitang-kita ko ang pagsinghap ni Daddy. He was probably shocked because I already knew about it. Hindi rin naman kasi lihim sa akin na humina ang isang branch ng Yu International kaya balak na sana iyong ipasara ni Lolo kung hindi ang nag-offer ang mga Montecarlos na saluhin ang business at dagdagan ng ibang products nila. I've actually heard about that since last year. Ang alam ko ay magiging kasosyo din ang Aldana Groups sa itatayong kompanya which is the Yu-Montecarlo Constructions and Motors Inc. The company is in line with constructions and automotive. Sa amin ang real estate at sa mga Montecarlo naman ang automotive which is Vodie Montecarlo's main business. But there were rumors that his son will be the one to take over the position in YM na hindi ko rin sigurado kung totoo dahil masyado pang bata ang Vaughan na iyon para umalis sa poder ng mga Montecarlo. “You will be assign in the hotel's operations at sinabi ko na kay Vaughan na isama ka kapag maghohotel visits para matutunan mo rin pati operations hindi lang sa main branch,” tuloy tuloy na sabi ni Daddy. I was expecting this pero nagulat pa rin ako nang sabihin n'ya sa akin na ipapasama n'ya ako kay Vaughan. That's just means I couldn't avoid working with him and that also means, I couldn't avoid seeing Jack. Ngayon pa lang ay naiimagine ko na kung gaano ka-awkward iyon sa pagitan naming dalawa. Pinigilan kong mapabuntonghininga dahil sa naisip. So, this is why you can not engage in an office romance because you cannot work effectively when you two split up! “I hope you would learn a lot even with that short duration period, Anika. How long would that be again?” tanong n'ya habang matamang tinitignan ako. “Three months, Dad,” simpleng sagot ko. Tumango tango s'ya. “Alright. Make sure to familiarized everything coz you will be working in Y.M soon,” tuloy-tuloy na deklara nito. Gulat akong napatingin sa kanya. Mukhang inaasahan na n'ya ang magiging reaksyon ko kaya tumikhim s'ya pagkatapos ay umayos ng upo. “You know I can't just leave Yu International yet. Your uncle Vince don’t want to live here that's why we need to wait for your cousins to take over the company. Don't worry, baby, kapag na-train ko na si Kuya Vaughn mo ay pwede ka ng bumalik sa Montecarlo Holdings kung hotels talaga ang gusto mong i-manage,” sabi nito nang makita ang pagtutol sa mukha ko. Halos matigil ang paghinga ko dahil sa deklarasyon n’ya. I couldn’t imagine hearing such horrible thing this early! At ngayon pa talaga kung kailan magsisimula na akong magtrabaho? Working with Y.M means working with Vaughan and there's a big possibility na i-a absorb ng company si Jack dahil sa kapasidad nito. I know he can be one of their employees after his internship. Siguradong sigurado ako doon. At kung mamalasin pa ay baka sa Y.M din s'ya mapapunta and that would be another torture for me. I couldn't imagine working with my ex in the same company again! That would be super duper awkward! Kaya naman halos tumutol ako dahil sa pagkabigla. “But Dad—” “Please, baby?” paglalambing nito. Napanganga ako. He really knows I can't resist him! I couldn’t believe he will use that as an advantage now! “I need someone to represent our company, Anika. Alam mong hindi pwedeng iwanang basta-basta ang Yu International at wala akong ibang pwedeng asahan kung hindi ikaw. If you can't, Euri will be force to quit modelling—” “No! No, Dad,” sunod-sunod ang iling ko. I was quite expecting he would say that pero nang marinig ko mismo ay parang hindi ako makapaniwalang masasabi iyon ni Daddy! Napahawak s’ya sa salamin n’ya at kitang-kita ko ang pagsusubok n’yang itago ang ngiti. It was obvious that he was trying to play with my emotions! And he was trying to use my twin to control me! “I'll do it. I’ll do it, Dad. Leave Euri alone or don't even mention it to her. I don't wanna force her to do something she doesn't like,” seryosong pahayag ko. Sa lahat ng ginagawa ng kakambal ko para sa akin ay hinding hindi ko magagawang makita s'yang mahirapan. Tutal ay sanay naman ako sa trabaho sa opisina dahil bata pa lang ay mahilig na akong tumambay sa office ni Daddy. I don't wanna burden my twin because of this. I just want her to enjoy her life. Kaya kakayanin ko ito. Nagkibit balikat si Daddy. “In that case, I am counting on you, baby,” sabi nito at lumapit para yakapin ako. Gumanti ako ng yakap at agad na naisip kaya ko talagang gawin ang lahat para sa kakambal ko. Humigpit ang yakap ni Daddy kaya napapikit ako sa dibdib n’ya. “Hmm... I just want you to know that I'm so proud of you, Anika. I can finally say that I raised my baby girl so well,” tila proud na proud na sabi nito. Tumaba ang puso ko pagkarinig sa sinabi n’ya. Napangiti ako nang hagkan n'ya ako sa noo. I used to think that his favorite daughter was Euri. Noong mga bata kasi kami ay parating si Euri ang binabantayan at ako ay hinahayaan na lang. Eventually, nakita ko na kung bakit ganon si Daddy sa akin. It was because, he knew that I don't need to be tamed. Lumaki kasi ako na madalas ay sinusunod sila ni Mommy. Maybe my Dad trust me too much in everything that I do? Malaki ang tiwala n'ya sa akin na kaya ko ang sarili ko at hindi ko na kailangan ng karagdagang atensyon katulad ng atensyong ibinibigay nila sa kakambal ko. “Are you dating someone already?” bigla ay tanong n'ya. Nagulat ako at kumalas sa pagkakayakap sa'kanya. Tiningala ko s’ya at sinuring mabuti kung seryoso ba s’ya sa itinanong n’ya sa akin. “B-bawal ba akong mag-boyfriend, Daddy?” alangang tanong ko. Ngayon lang kasi namin napag usapan ang tungkol sa ganitong bagay. We weren’t really open to this kind of things. Kahit si Mommy ay hindi nakikialam at hindi rin nagtatanong. Siguro ay hangga’t wala silang nakikitang ipinapakilala namin ay hindi sila magsasalita at makikialam. “No. You can date whoever you want. Just make sure to introduce him to me so that I could make him quit instantly—” “Daddy naman, eh!” reklamo ko at sinimangutan s'ya. Tumawa naman s'ya at ginulo ang buhok ko. “Just kidding! I'm not worried at all. I know he can take good care of you,” sabi nito at pinisil ang ilong ko. Nagtatakang tiningnan ko s'ya. Sino naman ang akala ni Daddy na boyfriend ko? Imposible namang nalaman n’ya ang tungkol sa amin ni Jack? Mabilis na tinanggal ko ang bagay sa ‘yon sa isip. “Pero wala naman po akong boyfriend, Dad. Stop speculating!” nakangusong sabi ko. He just gave me a knowing grin na hindi ko makuha kung para saan! Saglit pa kaming nag-usap at ilang mga bilin pa ang sinabi n’ya bago ako nagpaalam at nauna nang pumasok sa loob para makapagprepare sa pagpasok sa opisina. Huminga ako ng malalim pagkapasok sa kwarto at makita ang mga susuotin ko sa pagpasok sa opisina. So, this is it! This is the start of something new. Something that would make me closer to my dreams. Napangiti ako bago tuloy-tuloy na pumasok sa banyo para makaligo at makapaghanda sa unang araw ko sa trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD