Work

2121 Words
“This way po, Ma'am. May kausap lang po si Sir Vaughan saglit,” sabi ng babaeng medyo may edad na nang makapasok ako sa floor kung saan ang assigned department ko bilang isang intern sa Montecarlo Holdings. Hindi ko maiwasang suriin ang itsura n'ya dahil masyado s'yang matanda para maging secretary ni Vaughan. Ngumiti ako sa kanya at bahagyang yumuko. She seemed super nice, though.   “Anika na lang po ang itawag n'yo sa'kin,” sabi ko. Alanganing ngumiti naman s'ya. Mukhang alam na n'ya kung kanino akong anak kaya hindi n’ya ako makuhang sang-ayunan sa suhestyon ko. “Kayo po ba ang secretary ni Vaughan?” di ko na napigilang itanong. Agad na umiling naman s'ya at bahagyang natawa.   “Naku, hindi. Walang secretary si Sir. Clerk lang ako d’yan sa kabilang department. Ako lang ‘yong nautusan ng Daddy n'ya para i-guide ka papunta sa kanya,” sagot nito. Kumunot ang noo ko habang napapaisip sa sinabi nito. Nakakapagtaka naman kasi talaga.   Wala s'yang secretary? Posible ba ‘yon sa dami ng ginagawa n'ya?   Mukhang nabasa naman ng babae ang nasa isip ko at agad na s'yang nagpaliwanag kung bakit walang secretary si Vaughan.   Ayon dito ay ipinatigil na raw ng Daddy nito ang pagbibigay ng secretary sa anak dahil kahit ang mga secretary daw nito ay naiinvolve kay Vaughan. Ang pinaka huling secretary daw nito ay naging spy pa at tinangkang sirain ang image nito. At sa gulat ko ay sinabi n'yang magkakaroon na raw ng assistant si Vaughan at ang Daddy daw nito ang kumuha. Nahigit ko ang hininga nang makuha ang sinabi n'ya.   Halos mapamura ako sa isip nang makuha ang sitwasyon. So, ang Daddy naman pala n'ya ang kumuha kay Jack at hindi si Vaughan mismo? So, ibig sabihin ay walang alam si Vaughan sa tungkol sa amin? Hindi ko alam kung bakit tila nakahinga ako ng maluwag nang maisip iyon. Hindi ko na tuloy napigilan ang sarili kong mag-usisa pa.   “K-kilala po ba ng mga Montecarlo ‘yong a-assistant na kinuha?” hindi ko na mapigil na tanong. Kung si Von Drew Montecarlo na mismong may-ari ng kompanya ang kumuha sa kanya ay malamang na personal nitong kakilala si Jack o di kaya ay may malapit ng koneksyon ang mga ito para ipagkatiwala nito ang anak. Saglit na nag-isip pa ang matanda bago ako sinagot.   “Ang alam ko ay pinag-aaral ni Sir Vodie ‘yong batang iyon dahil kakilala n'ya yung tatay, pero hindi ako sigurado, Anika,” alanganin itong ngumiti. “Pero kapareho mo rin ng school ‘yon at matalino daw. Malamang ay kakilala mo?” dagdag pa nito.   Muntik na akong masamid dahil sa sinabi n'ya. Agad na umiling ako.   “Ahh, marami pong estudyante do’n at… marami rin pong matatalino. Baka hindi ko kilala,” pagsisinungaling ko. Tumango-tango naman s'ya at binuksan na ang pinto ng opisina ni Vaughan.   “Sir, nandito na si Anika, iyong magiging intern mo,” sabi nito matapos mabuksan ang pinto at makapasok kami sa loob ng opisina ni Vaughan Montecarlo. Hindi ko napigilang mamangha sa laki at luwang ng opisina n’ya. Mas hamak ang luwang nito kaysa sa opisina ni Daddy na mayroon pang sariling kwarto. Nang igala ko ang tingin sa paligid para maghanap kung mayroon ding private room doon ay wala akong nakita. Tumaas ang kilay ko at ipinagkibit balikat na lang ‘yon. Mukhang wala naman pala akong maaabutang kung ano dito dahil walang ptivate room! Nagulat pa ako nang iyon ang maging laman ng isip ko dahil sa alam kong pagiging babaero ni Vaughan. Ipinilig ko ang ulo at ibinalik ang tingin sa kanya.   Kasalukuyan naman s'yang may kausap sa telepono kaya tinakpan nito iyon saglit at saka nag-angat ng tingin sa amin. Napasinghap ako nang magtama ang mga paningin namin. Hindi ko mapigilang mapalunok nang makita ang paghagod kaagad n’ya ng tingin sa kabuuan ko. At nang muling iingat n’ya ang tingin at magkasalubong ang tingin namin ay para akong inaatake ng kakaibang kaba. Kakaiba talaga ang dating ng lalaking ito. Hindi ko alam kung sadyang malakas ang karisma o alam ko lang na babaero s’ya kaya kabado ako palagi kapag mapapatitig sa mukha n’ya.   “Sabi ko sa’yong Vaughan na lang ang itawag mo sa akin,” nakasimangot na sabi ni Vaughan. Tumawa ang matanda sa sinabi nito. Nilipat n'ya ulit ang tingin sa akin.   “Have a sit, Anika. Give me a minute or two, tatapusin ko lang ito,” sabi n'ya at kinausap ulit ang matanda. “Yung assistant na sinasabi ni Daddy, wala pa ba, ‘Nay?”   ‘Nay? Nagtaka ako sa itinawag n’ya sa matandang naghatid sa akin doon. Hindi ko tuloy mapigilang mapatingin sa matanda. Are they close?   “Wala pa. At saka maaga pa naman. Dadalhin ko dito kapag dumating na. Ano palang gusto mong mirienda mamaya?” tanong pa nito at lalong naging kaswal ang pakikipag-usap kay Vaughan. “Ikaw, Anika? May gusto ka bang mirienda?” sabay baling naman nito sa akin kaya medyo nagulat pa ako dahil sa ginagawa kong paninitig sa kanya.   “Kahit ano na po. Kung ano po ‘yong... s-sa kanya, iyon na rin para hindi na po kayo maabala sa pagpili,” sagot ko. Napangiti naman s’ya.   “Kumakain ka ba ng maruya? Iyon kasi ang paborito ni Vaughan,” sagot nito. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung anong pagkain ang sinasabi nito. That was the very first time that I heard that.   “Maruya?” napatingin naman ako kay Vaughan. Hindi kasi talaga ako pamilyar sa pagkaing sinabi nito. Naabutan ko ang titig n’ya na mukhang hindi n’ya pa inaalis mula pa kanina.   “It's a fritter, Anika. Banana fritter,” nakangiting sabi n'ya at inilipat ang tingin sa matanda. “Ibili mo na lang s'ya ng kahit ano sa café, ‘Nay. Baka sumakit ang tiyan,” nakangising suhestyon n’ya. Agad na umiling ako.   “No! K-kakain ako,” tutol ko sa sinabi n'ya. “Gusto kong tikman iyong maruya,” sabi ko sabay baling doon sa matanda.   Tumawa si Vaughan at saka binalingan ang nakangiting matanda. “Samahan mo na ng fries, ‘Nay. Baka hindi n'ya magustuhan, para may pamalit,” utos nito. Agad namang tumango ang matanda at nagpaalam.   Kumunot ang noo ko.   Paano n'ya nalamang mahilig ako sa fries?   Pinilig ko ang ulo ko. Baka nagkataon lang dahil wala namang taong hindi kumakain no’n!   Tinapos na n'ya ang pakikipag usap sa telepono at muling hinarap ako. Ilang saglit na tumitig s'ya sa akin bago nagsalita.   “It suits you,” biglang sabi nito.   “Ha?”   “Your hairstyle. It looks good on you,” puri n'ya matapos ang ilang beses na paninitig sa mukha ko. Pinigilan ko ang sariling mapaismid.   Playboys way to get your attention: They compliment you.   Nanliit ang mga mata ko at pilit na pinapormal ang ekspresyon at saka eksaheradang tumikhim para iparamdam sa kanya na wala akong panahong makipag bolahan!   “Thanks. But can we now talk about work, Sir?” I said trying to avoid his flirtatious approach. Humalakhak s'ya pagkatapos ay tinitigan ako ng mariin.   “Drop the formalities, Anika. It's not like you are really here to work,” sabi nitong halos ikataas ng dalawang kilay ko. Kumunot ang noo ko at naisip kung ano kaya ang ine-expect nitong balak kong gawin doon.   “Well, I am!” I spat. Tumaas ang kilay n’ya sa akin. “Ano ba ang akala mong ipinunta ko dito? Para makipagharutan sa'yo?” prangka kong tanong at halos irapan na s’ya. Hindi ko mapigilan ang pagmamaldita dahil sa sobrang obvious na pakikipagharutan n’ya.   Imbes na masindak ay ngumisi pa ito lalo at tinitigan muli ako. Amusement was in his eyes.   “You've done your research, huh?” sabi nito na nakahawak pa sa labi. Nag-iwas ako ng tingin.   “I d-didn't. It's all over the news,” sabi ko at umayos ng upo. Tumayo s'ya at umikot palapit sa gawi ko. Napatingin ako sa hita ko na medyo na exposed dahil sa pag-upo ko. Bahagyang hinila ko ang ladlaran ng skirt ko.   “Hmm,” lumapit s’ya sa gilid ko at itinukod ang kaliwang kamay sa table. Napasinghap agad ako nang maamoy ang pamilyar na pabango n'ya. Napapikit ako nang nilapit n'ya ang mukha sa tenga ko. “Let's see how much did you know me,” bulong n'ya na halos magpanginig sa mga tuhod ko sa nerbyos dahil sa sobrang pagkakalapit namin.   Pakiramdam ko ay nabitin ang lahat ng salita sa lalamunan ko. Ni hindi ako makagalaw para itulak s'ya.   Napahigpit pa lalo ang hawak ko sa ladlaran ng skirt ko. This guy really knows how to seduce women. Ito ang dahilan kaya napapaikot n'ya sa mga palad n'ya ang mga kababaihan. At ang personal na maranasang harot-harutin ng isang katulad n'ya ay hindi ko masabi kung masama ba o pribilehiyo para sa isang babae.   “Do you want to try kissing me?” maya maya ay tanong n'ya. Napadilat ako agad na hindi ko namalayang napapikit na pala ako at agad na napaayos ng upo. Tumambad agad sa akin ang nakangisi n'yang mukha. Hindi ko alam kung saan ibabaling ang paningin ko sa kabuuan ng mukha n'ya. His facial features are almost perfect. Halos mapamura ako. He was really handsome up close! Hindi pangkaraniwan ang mukha n’ya at ang dating n’ya ay sobrang lakas na kahit sanay akong makakita ng gwapo ay hindi ko maiwasang mamangha sa kaperpektuhan ng mukha n’ya.   Bagong gupit s'ya ngayon at ibang iba ang hairstyle n'ya sa mga gupit n'ya na madalas kong makita sa mga news. Now, it was shaved on the sides and brushed up! Nagmukha tuloy s'yang model ng suit dahil sa ayos n'ya ngayon.   Ang kabuuang mukha n'ya ay halos nakuha n'ya sa Daddy n'ya na may ibang lahi. His creamy white complexion was I'm sure he got from his Mom. At sa bahagi lang din na iyon sila nagkapareho ng kakambal nitong babae na co-model ng kakambal kong si Euri. Unlike us, Vaughan and Nathalie are fraternal twins.   “Do you?”   “Huh?” gulat na tanong ko nang muling magsalita s’ya. I guess, I was zoning out again.   Gosh!   Tumaas ang kilay n’ya habang tinititigan ako. “Did you just zone out while talking to me?” nanliliit ang mga mata at tila hindi makapaniwalang tanong nito. Sunod-sunod na napalunok ako.   “It's—”   Di ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla s'yang tumawa. “You're unbelievable, sweetheart,” halos manindig ang balahibo ko sa lambing ng boses n’ya nang sabihin iyon.   Kinakagat kagat n’ya ang ibabang labi n’ya habang nakatingin sa akin.   Bakit parang ang sarap sa pandinig ng endearment na ginamit n’ya? Ipinilig n'ya ang ulo at magsasalita na sana nang biglang may kumatok sa pinto. Halos sabay kaming nag-angat ng tingin doon.   Tatlong sunod-sunod na katok at pagkatapos ay pumasok doon ang isang lalaki.   He looked so formal wearing a dark blue polo. Nakatupi ang sleeves hanggang sa siko at plantsadong plantsado ang slacks. Wala manlang mababakas na pagkagulat sa mukha nito nang magtama ang mga mata namin. Dumiin ang hawak ko sa laylayan ng skirt na kanina ko pa hawak hawak.   “Good morning, Sir Vaughan. I'm Jack Corpuz, your new assistant,” pormal na pakilala nito na itinuon ang buong atensyon kay Vaughan. Umayos ng tayo si Vaughan at hinintay ang paglapit n'ya.   “Oh, you must be Tatay Juan's son,” sabi nito at naglahad ng kamay. “I'm Vaughan and this pretty lady right here is Anika Yu, my intern,” pakilala nito.   Inabot ni Jack ang kamay ni Vaughan at pagkatapos ay pormal na naglahad ng kamay sa akin. Hindi ko maiwasang mapatingin ng mariin sa kanya.   “Jack Corpuz, I'm looking forward to working with you,” mas pormal na pakilala nito sa akin.   Napalunok ako. He managed to act as if it was the first time we've met! Tumikhim ako at inabot ang kamay n'ya.   “Same here,” matabang na sabi ko at inalis kaagad ang kamay ko mula sa pagkakahawak n’ya. Nakita ko ang gulat sa mga mata n'ya pero hindi ko na pinansin iyon. I am quite pissed and I just cannot hide it.   So, you want us to act like we don't know each other here? Fine, bastard!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD