Masyadong busy ang buong opisina nang araw na iyon. Kaya kahit na first day pa lang at dapat ay orientation pa lang ng magiging trabaho ko ay napasabak na agad ako. Kabilaan ang mga tawag na narerecieved ni Vaughan kaya hindi n'ya pa ako gaanong naturuan. Sa paper works halos naubos ang oras ko. Nag-stretch ako matapos kong ma-encode ang mga pinagagawa n'ya. Napatingin ako sa monitor at nagulat pa ako nang makitang lampas alas dose na. Bumukas ang pinto at iniluwa doon ang matandang nag-assist sa akin kanina na napag-alaman kong dating mayordoma nila Vaughan at sinabi n'yang Nanay Rodora na lang ang itawag ko sa kanya. “Vaughan, lampas alas dose na. Ano at hindi mo pa pinapakain ang mga empleyado mo?” sabi nito na nakangiting tinignan ako at pagkatapos ay si Jack. Mula sa kung

