Abala na ang mga kasambahay sa paghahanda ng mga pagkain para sa family dinner nang dumating kami galing sa venue kung saan ginanap ang graduation ceremony ko. Agad na sinalubong ako ng yakap ni Tickle, my cousin. She's Tito Travis' only child. “Congrats, Ate Nika! Here's my gift for you! ‘Yong kina Mom and Dad alam mo na daw kung saan,” kunot noong sabi n'ya habang inaabot ang isang paper bag sa akin. Medyo napasinghap pa ako dahil doon pero napangiti rin nang makita ang litong mukha ni Tickle. Pinisil ko ang mamula mulang pisngi n'ya. She's as age as Damon and she's very eager to have siblings but unfortunately, her mom has some fertility problems na kahit sa panganganak kay Tickle ay nahirapan ito kaya hindi na nasundan pa. “Thank you, cutie pie!” sabi ko at binitawan ang pisngi n'ya

