“I've a big problem, Kambal!” tila nahahapong sambit ni Euri at agad na humilata sa kama pagkatapos maitapon ang pouch bag sa kung saan. It's my fifth day here in Paris at mula nang dumating ako dito ay hindi pa kami nakakapag-usap ng matino dahil sobrang hectic ng schedule n'ya. Ngayon ay kakagaling n'ya lang sa isang event kasama ang mga models na personal na kakilala ni Tita Kylie. Isinasama n'ya nga ako pero nagpasya akong huwag na muna dahil hindi pa gaanong nakaka-adjust ang body clock ko at mukha akong magkakaroon ng flu dahil sa biglaang pagbabago ng klima. Sa aming dalawa ni Euri ay ako ang mas mahina ang immune system. Sa aming dalawa, ako ang nagmana kay Daddy. “Problema?” kunot ang noong tanong ko matapos mai-send ang reply ko sa chat ni Vaughan at saka hinarap s'ya. Mula sa

