Mula sa ginagawang proposals sa monitor ng computer ko ay umangat ang tingin ko sa pinto dahil sa tatlong sunod-sunod na katok doon. “Come in,” sabi ko. Agad namang bumukas iyon at iniluwa si Vaughan. Kumunot ang noo ko. He was wearing his usual suit na iniwan lang ang puting long sleeve na ngayon ay nakatupi hanggang sa siko. He was still wearing his reading glass na mukhang galing sa pa sa kalagitnaan ng trabaho bago pumunta dito. Ilang araw na akong busy at ganoon din naman s'ya kaya gulat na gulat ako ngayon na nakuha n'yang manggulo dito sa opisina ko. Humalukipkip agad ako at inabangan ang sasabihin n'ya. Gusto kong mag-iwas ng tingin sa mukha n'ya dahil iba na naman ang t***k ng puso ko na nararamdaman ko lang sa tuwing makikita ko s'ya. Mula nang makita ko ang first subtle momen

