Pagpasok na pagpasok sa banyo ay halos mamula ang mukha ko dahil sa iritasyon na nararamdaman. Iritang-irita na nga ako sa ginawa at sinabi n'ya kanina ay hindi pa talaga s'ya makaramdam na gusto kong umalis na s’ya. Ngayon ay gusto n'ya pang matulog dito kasama kami ng anak n'ya? Huh! Magsama silang mag-ama! “Kainis! Kaya pala maldito si Raven ay dahil nagmana talaga sa ama!” inis na inis na bulong ko at gigil na binuksan ang gripo sa sink. Halos mapatili at mapamura ako ng napalakas ang pagkakabukas at tumama ang mga tubig sa tiyan ko. Inis na pinagpag ko ang dress ko na halos basang basa na. Nang tuluyan ko nang mahubad `yon at tuloy tuloy na dumulas sa paanan ko ay halos mapapikit ako sa iritasyon. Inis na pinulot ko `yon at inilapag sa kung saan bago tumapat sa shower. Hindi n

