Chapter 20
Znela
Today was different, kasama ko sila Mommy at Daddy kumain and it was like, it was like a very very rare scenario na pwedeng mangyari sa buong buhay ko! They're not talking, so do I. Napatingin pa sa akin si Yaya at saka siniko ng mahina, urging me to speak pero di ko ginawa. And Dad suddenly cleared his throat.
"I heard you won, Congratulations Ela!" he said and I was a bit surprised "We're so proud of you!" I looked at them and smirked.
"Proud?" I hissed "Wow thanks!" sagot ko with full of sarcasm "Alam niyo bang nandun yung ibang magulang ng ibang mga contestant?" binagsak ko ang hawak kong kutsara saka tumingin sa kanila "At ako? Well, nanalo nga ako pero ni isa sa mga magulang ko, hindi nakapunta!"
"I'm so sorry anak, I just arrived kagabi dahil sa mga business meeting, ang mommy mo naman nag overnight na sa office dahil sa dami ng trabaho!" paliwanag ni Daddy
"Business meeting? What's new Dad?" tanong ko "Nakakabilib ka din po kasi eh no? Busy ka sa trabaho, walang oras umuwi pero nagawa mo pang bumuo ulit ng isa pang pamilya at may anak pa!" I bursted out.
"ELA!" sigaw ni Mommy, binagsak niya ang kutsara saka ako tinignan ng masama "Who taught you to be like that?" she asked habang gigil sa galit "APOLOGISE!"
"Who taught me Mom?" ngumiti ako saka inabot ang isang basong tubig bago nagsalita "Well you can't blame yourself, shempre hindi ikaw ang nagturo sa akin na maging ganito kasi oras nga na umuwi dito sa bahay wala ka, turuan pa kaya ako?" padabog akong tumayo saka tinignan sila
"Ela..."
"Well thank you for doing this...this effort of yours na kumain tayong magkakasama, ito na ba ang birthday gift niyo sa akin? Oh wait- Alam niyo kung kailan ang birthday ko?" tinulak ko ang upuan saka tinignan sila "Ask Yaya na lang, since siya naman ang nakakaalam ng lahat tungkol sa akin!" saka ko sila tinalikuran.
"ELA!" tawag sa akin ni Daddy, I stopped pero di ko siya nilingon "I know you are still mad at me, but please bigyan mo naman ako ng chance na maitama ang lahat ng mga nagawa kong pagkakamali..."
"Chance? Itama?" tanong ko saka siya saglit na nilingon "May time ka pa ba doon Dad? Better check your appointments muna bago mo sabihin sa akin yan!" saka ko sila tinalikuran.
I may be rude, I may be undisciplined dahil sa in-act ko ngayon pero galit ako sa kanila, galit ako at hindi ko alam kung kailan ko sila kayang patawarin!
------
I was sitting in front of the mirror habang nagpapatuyo ng buhok ng biglang tumunog ang cellphone ko. I opened it and it was Sam who kept on teasing me matapos niyang madatnan na hawak ni Terrence ang kamay ko nung gabing bumisita kami sa kanya.
E-Eh kasi naman yung bully na iyon eh, kung anu-anong sinasabi, hahampasin ko na sana siya nun kasi niloloko nanaman ako ng bigla niyang hinuli ang kamay ko saka tinapat sa dibdib niya. I was stunned shempre, sino ba naman ang hindi, tapos ayun pumasok si Sam at simula nun hanggang sa makababa ako ng kotse ni Theo, hindi na niya tinanggal ang ngiti niya sa akin at ang nakakalokong tingin.
Hindi ko na siya nireplyan, hindi rin naman titigil ang babaeng iyon.
Huminga ako ng malalim saka humiga na sa kama, nilapag ko na ang phone ko sa may bedside table ng biglang tumunog yun for pop up messenger. I opened it, si Terrence!
Terrence: Hey! :)
Zee: Oh?
Terrence: Hindi ako makatulog!
Zee: Paki ko?
Terrence: Grabe, pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan natin ganyan ka parin sumagot?
Zee: Oh? Ano pala ang gusto mong gawin ko?
Terrence: Pwede ba kitang tawagan?
Natigilan ako dahil sa sinagot niya, napatitig pa ako sa screen at di sumagot agad. Lumunok ako at hindi ko alam ang isasagot. At biglang nagtype ulit siya.
Terrence: Ayaw mo ba?
Nakailang ulit akong mag type pero binubura ko din naman agad, hindi ko alam kung ise-send ko ba or what, ayy basta bakit ba kasi gusto niyang tumawag?
Ako: Magkausap na tayo di ba? Bakit kailangang tumawag pa?
Terrence: Iba kasi sa pakiramdam pag naririnig ko ang boses mo.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko saka inabot ang unan saka tinakip sa mukha. B-Bakit ganito ang pakiramdam? A-Ano bang mga panagsasabi niya? Hindi ko na siya sinagot saka pinatay na agad ang phone ko. I closed my eyes and tried to sleep, sobrang late na, kailangan ko ng matulog!
Bumalikwas ako ng bangon matapos hindi makuha ang tulog kahit ilang beses na akong paulit ulit na umiikot sa kama. I bit my lower lip saka marahang sinampal sampal ang sarili, I even stood up saka tumayo sa harap ng salamin.
Huminga ako ng malalim saka nagsalita "Matulog kana Znela, wag kang papaapekto sa kumag na iyon!" tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin tapos nagsalita ulit "Aba, wag mong sabihing hindi ka makatulog dahil sa lalaking iyon, oi Znela umayos ka!" sigaw ko at duro ko pa sa sarili ko.
Nagsisigaw ako saka sinabunutan ang sarili at pabagsak na bumalik sa kama, napatulala ako sa ceiling ng kwarto ko at di ko namalayang napangiti. "I-Iba sa pakiramdam k-kung naririnig niya ang boses ko?" inabot ko ang unan saka binaon ang mukha ko doon. I squealed habang maubos ang boses ko!
------
"Iba na talaga yan!" salubong sa akin ni Sam, "Naka lip gloss na!" pang-aasar pa niya, bigla akong namula dahil doon, pinunasan ko ang labi ko saka tinignan siya
"Oi hindi ah, kissable lips lang talaga ako!" pagmamaang-maangan ko. Tumawa lang siya saka umiling, inabot niya ang braso ko saka kumapit doon, masaya siyang naglalakad kasama ako at parang may halong pang-aasar ang bawat pabulong niyang tawa "SAM ANO BA?" sigaw ko pero mas lalo lang siyang tumawa.
Umupo ako sa aking designated chair, hinawi ko ang buhok ko at inipon yun sa right shoulder ng magsalita si Sam "Wow, ini-expose ang neckline, para ba kay Mr. Genius yan?" pang-aasar niya kaya hinampas ko siya ng malakas, she laughed so hard at mukhang tuwang tuwa pa sa pang-aasar na ginagawa niya sa akin. Unti-unti ng dumadating ang mga classmate namin. Unti-unti na ring napupuno ang room.
Tumahimik na ang lahat ng dumating ang prof at ilang minuto pa dumating na rin si Terrence. He looked at me bago siya umupo sa chair niya na nasa tabi ko lang din.
"Gumaganda ka lalo!" bulong niya sa akin, biglang tingin ko sa kanya and he was just smiling. Umayos na siya ng upo saka nakinig na rin sa prof na nagsimula ng magturo.
It was as if a very long day, nakakapagod at nakaka-stress, ngayon pa na magstart na ang finals namin, di bale after this term last term na namin at sa wakas graduation na!
Sobrang daming activities, sobrang daming projects ang binibigay, sobrang daming requirements at sang tambak na reviewers ang kailangang aralin lalo na sa TAX at LAW.
Sa last subject namin para sa araw na ito, binigyan kami ng spare time para gawin ang ibang requirements na dapat naming gawin, busy ako sa pag-oorganize ng mga bagay-bagay, I even created my own time table at kung ano dapat ang unang i-prioritize ng lumapit sa akin si Sam.
"Zee, patulong naman ako, review tayo!" aya niya sa akin saka ngumiti, I immediately nodded at her.
"Saan mo gusto?" tanong ko "Bahay na lang?"
"Okay lang sa akin, okay lang ba sa parents mo?" she asked.
"Wala naman sila doon parati, don't mind them!" sagot ko saka tumingin sa notebook ko.
"Sige magpapahanda na lang ako ng snacks kay Mommy tapos papahatid na lang ako this weekend sa inyo, okay lang?"
"Sure Sam, basta para sa iyo!" sagot ko naman, ilang minuto pa ang lumipas ng may kumuwit sa akin, yung isa ko palang classmate, may tinuro siya sa may pinto at napangiti ako ng makita ko kung sino iyon "THEO!" tawag ko saka nilapag ang notebook na hawak ko, lumapit ako sa kanya at tumayo kami sa may pinto. "What brought you here?"
"Nakausap ko kasi yung driver mo kanina, luckily nagkita kami sa may gate ng papasok ako, may sira daw yung kotse niyo kaya ipapagawa muna niya, kaso nga baka lumabas ka na daw kaya nag-aalala siya..."
"Totoo ba?" tanong ko saka napatingin sa oras "Ilang oras ba yun bago maayos?"
"I have no idea pero sa tingin ko, hindi yun aabot sa pag-uwi mo, but don't worry you can go home with me, ihahatid na lang kita!" sabi niya ng biglang may humigam sa likod niya, napatayo si Theo sa gilid para biglang daan ang nakapamulsang si Terrence. Sinulyapan niya ako pero tuloy-tuloy lang ang lakad niya hanggang sa makaupo na siya sa upuan niya.
Tignan mo may pinapagawa ang prof kung saan-saan nagpupupunta!
"Sige Theo, sasabay na lang ako sa iyo!" sagot ko saka ngumiti "I'll just call you, thanks for telling me!" ngumiti si Theo saka nagpaalam na rin. Umupo ako sa upuan ko at laking gulat ko na wala na yung notebook na pinagsusulatan ko "OI!" sita ko kay Terrence na may hawak na pala nun, hinablot ko iyon sa kanya saka siya inirapan.
"Rule number 1 bawal magsungit!" sagot niya sa akin saka ako tinignan, I just rolled my eyes saka bumalik sa pagsusulat ng bigla siyang nagtanong "Gusto ka ba ni Theo?" kumunot ang noo ko at napatingin sa kanya
"A-Ano?"
"Lagi kasi siyang lumalapit sa iyo!" sagot niya sa akin, hindi ko siya sinagot "Hindi mo naman siya gusto di ba?" tanong niya ulit, napanganga ako
"Bakit ba?" naiirita kong tanong, tumagilid siya saka hinarap ako.
"Pahingi naman ako ng papel..." sabi niya, lalong kumunot ang noo ko
"Huh? Ano?"
"Sabi ko pahingi naman ako ng papel, papel diyan sa buhay mo!" saka niya ako kinindatan.
A-Ah? AH!