Chapter 21

1737 Words
Chapter 21 Znela "SINABI NIYA IYON?" Sam squealed as I told her kung ano ang sinabi sa akin ni Terrence kanina, biglang-bigla talaga ako at hindi ko alam ang isasagot sa kanya, luckily sumingit na yung prof namin at pinauwi na rin kami agad. "MY GOD ZEE! GUSTO KA NIYA!" sigaw niya pa kaya hinila ko ang braso niya saka siya pinanlakihan ng mata. "Will you please calm down?" sita ko sa kanya saka binitawan ang braso "He was just teasing me, again, ano bang bago?" "Yan ang hirap sa iyo eh, lagi na lang pang-aasar ang tingin mo sa ginagawa niya!" sagot niya naman saka sumimangot. "Ano pa nga ba? Tell me Sam, alam nating dalawa ang daloy ng bituka ng lalaking iyon, kaya alam kong alam mo kung bakit ako ganito!" "Andoon na tayo Zee pero hindi ka ba na-e-excite? Magkaka boylet kana!" sagot pa niya sa akin kaya tinignan ko siya ng masama "For the first time ah, at least ga-graduate ka ng college na nagkaboyfriend, si Mr. Genius pa!" pinasingkitan ko siya ng mata matapos magsalita. "You're so assuming Sam, hindi na nakakatuwa!" sagot ko saka naglakad, sumunod siya saka hinawakan ang braso ko. "Oi, sorry na, na-excite lang naman ako para sa iyo eh, shempre si Terrence Villaflor yun no! Saan ka pa, matalino, mayaman, super gwapo, may killer smile at lalo na yung pamatay niyang eye smile!" hindi mapigilan ni Sam na tumili "Ang perfect lang niya!" "Nakalimutan mo yata na mayabang, bully at playboy ang lalaking iyon!" sagot ko naman. "Di siya playboy ah! Wala ka ngang mabalitaan na naging girlfriend nun eh!" pagtatanggol pa niya, I just rolled my eyes, hindi naman ako mananalo sa babaeng ito eh! Napahinto kami kung saan nag-aantay si Theo, nakasandal siya sa kotse niya habang may kausap sa cellphone ng ngumiti siya sa amin saka ibinaba na rin ang hawak at ibinulsa iyon. "Hey!" bati niya saka ngumiti ng mas malapad, natigil si Sam at halata na nahiya agad. "Hello Sam!" bati ni Theo, I smiled. "Hey!" bati pabalik ni Sam. "Sabay kana sa amin!" aya ni Theo. "N-No thanks, andyan na rin naman kasi yung sundo ko, sige una na ako sa inyo!" aniya saka nagpaalam na rin sa aming dalawa. Biglang tumunog ang phone ni Theo, napatingin siya sa akin at tumango ako para sabihing sagutin na muna niya iyon. It took several minutes kaya sumandal na muna ako sa kotse niya saka pinaglaruan ang paa ng biglang may humintong motor sa harap ko, napatingin ako sa kanya habang tinatanggal niya ang helmet niya sunod nun ay tumingin siya sa akin. "Tara na, matagal pa yan!" aya niya sa akin, nabigla ako, inabot niya ang isang helmet saka nagsalita ulit "Sa akin, hindi ka mag-hihintay." sabi niya pa saka kumindat, tumalbog ang puso ko at hindi ko alam kung saan hahanapin! Hindi ako nakagalaw at hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya. "Terrence!" tawag ni Theo na natapos na rin sa pakikipag-usap, tumango lang si Terrence, napatingin si Theo sa inaabot niyang helmet saka tumingin sa akin "Did I miss something?" he asked at umiling ako. "W-Wala, tara na!" aya ko sa kanya, I was about to go around the car para sumakay ng biglang hinawakan ni Terrence ang braso ko, napatingin ako sa kanya. "I can take you home..." he offered again. "I'll take her home pare, I already called her mom..." sagot naman ni Theo, natahimik ako bigla, Theo has my parents' blessing, the thing that Terrence will never have! "Besides, hindi ba delikado para sa babae ang sumakay sa motor? I will never let my girl ride in vehicle that will put her life into risk." unti-unting lumuwang ang hawak ni Terrence sa braso ko, hindi na siya sumagot , yumuko siya saglit but he flashed a weak smile to Theo after that. "Of course, t-then I'll go first!" paalam niya saka saka sinuot ang helmet matapos bawiin ang inaabot sa akin kanina. Hinatid ko na lang siya ng tingin and the next thing I know, Theo opened the car door at pinapapasok na ako sa loob. ------- "You called Mom?" pagbabasag ko sa katahimikan sa pagitan namin ni Theo, he stopped when the traffic light turned red. "She did..." he answered me "Tinawagan daw kasi siya ng driver mo..." "I see..." "Is there something wrong?" he asked saka ako tinapunan ng tingin "Tell me." "W-Wala..." "Come on Zee, kahit na matagal tayong nagkahiwalay, I still know you!" he said saka ako nginitian "Tell me, nag-away ba kayo?" huminga ako ng malalim saka siya tinignan. "I...I j-just don't want to talk about it right now, s-siguro hindi pa ito ang tamang panahon para pag-usapan o ayusin kung ano man ang meron..." sagot ko na lang. "Okay, but you must remember, you should face your problems, hindi mo dapat yung tinatakbohan!" sagot niya saka tinuon ang pansin sa daan. "T-Theo..." tawag ko sa kanya "Yes?" sagot niya "S-Sa tingin mo, bakit kailangan pang ilihim ng mga taong mahal mo sa buhay ang katotohanan? Bakit kailangang pagmukhain ka nilang tanga?" umiwas ako ng tingin matapos makaramdam ng pagkalungkot "B-Bakit nila ginagawa iyon?" pabulong ko pang tanong saka natulala sa daan. "Zee..." naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko, hinayaan ko iyon "Things you don't know, won't hurt you, maybe they are just protecting you, there's a reason for everything and it is up to you if you'll take it as acceptable or not..." --------- "Ako na magdadala niyan!" nabigla ako ng may biglang humigit ng bag ko, nanlaki ang mata ko sabay awang ng bibig ng makita ko kung sino iyon. "T-Terrence?" kinindatan niya ako saka ngumiti. "Kumusta ang gabi mo? Nakatulog ka ba ng maayos?" he asked saka sinabayan ako sa paglalakad. Kinakabahan ako at tinatayuan ng balahibo dahil sa ginagawa niya, he even opened the door for me saka una akong pinapasok sa loob ng room. Nakangiti parin siya habang nilalapag ang bag ko sa upuan. "Oo n-naman bakit naman hindi ako makakatulog ng maayos?" sagot ko saka siya inirapan.. "Pansin ko kasi lately parang andami mong iniisip, may problema nanaman ba?" he asked at natigilan ako. Hindi ko na lang siya sinagot. Ang weird-weird ni Terrence! Nakakakilabot ang ginagawa niya, swear! Lalo na yung bumili siya ng food para sa amin ni Sam at yung pag hihila niya ng upuan para sa akin, pinagtitinginan na tuloy kami ng mga classmates namin lalo na yung mga babaeng patay na patay sa kanya! "Anong meron?" pagtataka ni Sam, tinignan ko rin siya na punong-puno ng pagtataka. "H-Hindi ko alam..." sagot ko at napatingin kay Terrence "Ang w-weird..." "Ang sweet..." komento ni Sam, tinignan ko siya ng masama, she pouted saka umayos ng upo. Uwian na, hinakot ko na ang gamit ko, palabas na rin ako ng room ng biglang tumunog ang cellphone ko, yung driver ko tumatawag. "Yes?" sagot ko doon "Ma'am, nasa pagawaan pa po kasi yung sasakyan, sa makina po pala ang problema!" pagpapaalam niya sa akin. "Ganoon ba? Sana sinabi niyo na sa akin kanina ng nasabi ko kay Theo na sasabay na lang ulit ako sa kanya!" sagot ko sabay tingin sa wristwatch "Nakauwi pa naman na iyon!" siya rin kasi ang sumundo sa akin kanina papasok, eh half day lang ang pasok nun ngayon at nakauwi na yun kanina. Naglakad na kami ni Sam palabas ng building. "Gusto niyo po ba Ma'am tumawag ako ng taxi para sunduin ka diyan?" tanong niya. "Hindi na po, okay lang, sasabay na lang ako kay Sam!" sagot ko saka tumingin kay Sam, tumango naman siya sa akin saka ngumiti. Ibinaba ko na ang cellphone. Malakas ang hangin at malamig na rin, nahuhulog na ang ilang dahon at maliliit na bulaklak mula sa nakatanim na mga puno sa gilid ng pathway na dinadaanan namin. "I'm so happy to have you as my friend!" biglang sabi ni Sam saka ako hinawakan sa kamay. "Ako din naman..." sagot ko. "And if ever na mabuhay tayo ulit, ikaw at ikaw ang pipiliin kong maging kaibigan..." paglalambing pa niya, ngumiti na lang ako "Na-e-excite na ako, alam mo bang nakabili na si Daddy ng ticket para sa European tour namin?" she happily said. "Talaga? Nakaka-inggit naman!" sagot ko. "Hello? Kayang-kaya niyo kaya yun, baka kahit ilang ulit niyo pang gawin Zee!" sagot niya sa akin "Yaman niyo kaya!" "H-Hindi naman sa pera may problem Sam..." sagot ko "S-Sa oras..." "A-Ahh sorry Zee, napaka-insensitive ko." sagot niya, umiling ako "You are happy and you don't have to spoil it because of me, I'm happy for you Sam!" biglang lumakas ang hangin kaya sabay kaming nakahawak sa mahahaba naming buhok. We both laughed and bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "I'll miss you!" bigla niyang sabi kaya nagtaka ako. "Miss? Bakit saan ka pupunta?" tanong ko, bigla siyang tumawa. "W-Wala lang, gusto ko lang sabihin sa iyon, ewan ko ba!" sabi niya sa kinamot ang batok, nagpatuloy kami sa paglalakad ng may biglang humintong kotse sa tapat namin. Kulay puti iyon at pangdalawahan lang ang upuan. Biglang tumaas ang bubong nun kaya nakita namin kung sino ang nasa loob. Inalis niya ang suot na aviator shades saka ngumiti sa amin ni Sam "S-s**t!" Sam cursed ng makita niya si Terrence "Ang gwapo talaga!" bulong niya sabay pisil sa braso ko. "Need a ride?" Terrence asked saka binuksan ang pinto ng kotse, binitawan ni Sam ang braso ko saka halos itulak papunta ako papunta doon. "Kailangang-kailangan niya Papa Terrence este Terrence!" na-e-excite niyang sabi, ngumiti si Terrence, niluwangan pa niya ang bukas ng pinto. "Sige na Zee, sumakay kana!" tulak sa akin ni Sam."May dadaanan pa kasi ako, out of the way kasi yung papunta sa inyo!" pagsasabi pa niya "T-Teka!" sabi ko pero tinulak na talaga ako ni Sam "S-Sabi mo okay-" di ko na natuloy ang sinasabi ko, sinara na niya ang pinto. Tinignan ko si Terrence saka pinaningkitan. "Alam mo kanina ka pa, you're acting weird!" duro ko sa kanya, tinignan niya lang ako "Saan galing itong kotse mo?" tanong ko pa. "Pinabili ko!" simple niyang sagot "I heard from someone kasi that he will not let his girl ride in a motorcycle, so do I, kaya ito!" sagot niya kaya napaawang ang bibig ko. "Y-You bought this para makasakay ang mga babae mo?" tanong ko, umiling siya. "I bought this para maisakay kita dito..." he plainly said, tumili si Sam. Bigla akong nakaramdam ng pag-iinit sa buong katawan, I looked at him but to my surprise he was staring at me na. "W-Why are you doing these?" tanong ko sa kanya na naguguluhan. Nakita ko ang paglunok niya at pagtingin ulit sa mga mata ko. "I d-don't know Zee, dahil ba, gusto na kita?" and Sam almost fainted.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD