Chapter 22

1548 Words
Chapter 22 Znela Lutang ako at halos sumabog ang dibdib ko matapos kong marinig ang sinabi niya. A-Ano, gusto niya d-daw ako? Hindi na ako nakapagsalita pa, si Sam din naiwan ng tulala sa kinakatayuan niya, dumating na kami lahat lahat sa tabi ng bahay ko pero tuyo parin ang bibig ko at walang masabi. Kanina pa din tumutunog ang phone ko dahil sa mga sandamak-mak na messages ni Sam pero hindi ko pinapansin iyon. Awkward. Oo sobrang awkward dahil pareho kaming tahimik ni Terrence. Hindi pa din siya nagsasalita matapos niyang sinabi na or better to say itanong sa akin kung gusto niya ba ako. Teka? Tama ba yun? Huh? Tama bang sa akin niya itanong kung gusto niya ako? AHHH! Kaloka! "H-Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko..." basag niya sa katahimikan sa pagitan naming dalawa, bumuga siya ng hangin saka tinanggal ang sariling seatbelt. "To be honest, I'm still in the process of confirming it..." lumunok ako at hindi alam kung saan hahabulin ang hininga. He reached for my seatbelt and effortlessly removed it from being locked. "P-Pero bakit mo sinasabi sa akin ito?" tanong ko ng hindi makatingin sa kanya, tulala lang ako at nakatingin sa harap, ilang metro na lang nasa tapat na kami ng bahay namin, hindi ko rin alam kung andyan na si Mommy at Daddy sa loob, gabi na, wala na rin masyadong naglalakad na tao dito sa subdivision ng mga ganitong oras. "I d-don't know..." sagot niya na nakatulala din "Maybe because I think you should know that." "AHH!" buga ko ng hangin saka inayos ang sarili, binuksan ko ang pinto ng kotse saka bumaba mula doon "T-Thanks for the ride!" sabi ko na lang saka kinuha na rin ang bag ko. I took several steps away from his car ng marinig ko siyang magsalita. "Please let me sleep tonight, Zee..." Tumigil ang mundo ko matapos marinig ang boses niya ulit. Para akong kinukuryente sa buong katawan, halos mapaluhod pa ako ng maramdaman ko ang paghina ng mga tuhod ko dahil narinig ko mismo sa bibig niya na tinawag niya ako sa pangalan ko. It's just a simple act from Terrence pero bakit ang lakas ng effect nun sa akin? "Please get out of my mind, even just for tonight..." ---------- Terrence "Saan ka galing?" tanong ni Ate Maco matapos akong humalik sa pisngi niya, they're half way through their dinner ng dumating ako "Ginabi ka ata?" Ngumiti ako saka humila ng upuan, nandito na rin si Kuya Toffer pati na rin ang kambal "Nag test drive lang ng bagong kotse Ate..." sagot ko saka ko siya kinindatan. "Did you like it?" Rylle asked saka ngumiti sa akin. "I do, thanks to your father!" sagot ko at ngumisi lang siya "Teka bakit andito kayo ngayon? Kala ko parehas kayong may out of the country photo shoot ngayon?" tanong ko sa kanila, lumapit ang isang kasambahay saka inayos ang plate ko, inabutan din ako ng rice saka nilagyan ng water and juice ang mga glass na malapit sa akin. "It was rescheduled, next week na!" Rio answered me, I smiled "By the way, what's the reason ba kung bakit ka nagpa-buy ka ng car?" she asked saka nilapag ang fork "For that girl ba?" umiling ako saka ngumiti, inabot sa akin Rylle ang viand na malapit sa kanya, kinuha ko iyon. "Masyado ka pang bata para usisain ako, you better clear the issues about your puppy love kuno bago pa lumala ang mga chismis kesa yung love life ko ang iniintindi mo!" pang-aasar ko sa kanya, she rolled her eyes saka bumalik na lang sa pagkain. Marami kasing teen stars din ang ni-lilink kay Rio ngayon, ganun din kay Rylle, they are both lead characters sa teleseryeng ini-ere ngayon sa isang sikat na channel. Yung kay Rylle pang hapon, yung kay Rio pang-gabi. "How was it?" tanong ni Kuya Toffer saka ngumisi sa akin. "What? The car? Or the girl?" tanong ko sa kanya that's why he answered me a silly smile. I saw Rylle shook his head habang pinapagpatuloy ang pagkain. "What is that all about?" tanong ni Ate Maco "Yung kotse, kailan mo yun binili para sa kanya?" tanong pa niya kay Kuya.. "It was just a simple present, tumawag ang school board, Terrence is still the top student sa whole student body, we should be proud of him!" sagot naman ni Kuya. "About the girl?" tanong ulit ni Ate Maco "May nililigawan ka na ba? Kilala ko ba?" sunod sunod nyang tanong "Nakita ko na ba siya?" Huminga ako ng malalim saka sumandal, pinunasan ko ang gilid ng bibig ko bago nagpatuloy sa pagsasalita. "I'm not sure if I'm going to pursue it pero sa tingin ko gusto ko na siya..." they all looked at me, pati ang mga kasambahay na nakatayo sa gilid, napatingin din "W-What?" natatawa kong tanong "Bakit ganyan reactions niyo?" "Did I hear you right Tito?" tanong ni Rio "You're confused pa sa feelings mo?" "May mali ba doon?" tanong ko "I just wanted to make sure, hindi ako ang tipo ng lalaki na nag-a-I LOVE YOU ng basta-basta!" sagot ko pa. "Who is she?" pangungulit ni Ate Maco. "Don't worry, I'll let you know her, soon..." sagot ko saka ngumiti na lang ng nakakaloko. Flashback "Buy me a car!" bungad ko kay Kuya ng pumasok ako agad sa opisina niya. "WHAT?" bigla niya ding sagot, ibinaba niya ang folder na binabasa "And what are you doing here? Do I have an appointment with you?" pang-aasar pa niyang sabi. "Kuya!" sagot ko saka hinila ang upuan na nasa tapat ng mesa niya "I want a car, buy me one!" "Are you serious?" he asked, tumango ako "Para saan? Kala ko ba motorcycle enthusiast ka? Why need a car kung marami kanang motor?" "Someone told me that I should not let my girl ride in a motorcycle, risky daw and I think he has a point!" I reasoned out "Besides, ayaw ko ng matanggihan ulit dahil mas gusto niyang sumakay sa kotse kesa sa motor!" "So you're telling me na nagpapabili ka ng kotse para maisakay mo ang mga babae mo?" I shook my head saka agad na tumanggi. "I want you to buy me car para maihatid ko yung babaeng sa tingin ko gusto ko na at nag-iisa lang siya." End of Flashback ------- Natapos na ang dinner and we are all here sa may veranda habang nag-te-tea. Lumapit sa akin si Rio matapos iabot ang isang magazine, magazine yun ng Villaflor's Creations. "What is this for?" "Mom didn't tell you?" she asked in surprise. "Ang alin?" kunot noo kong tanong. "Mamita decided na maglabas ng sport wear collection by next month, ikaw ang naisip niyang mag-model nun!" she plainly explained. "Mahal ang bayad ko!" pagloloko ko. "Kayang tapatan yun ni Mamita!" sagot naman niya. Mommy Eleonor has asked me several times tungkol sa pagiging full time model ng kompanya, sabi ko naman masyado akong gwapo para doon, baka lalo akong pagkaguluhan but the truth is, I just don't find it interesting enough para pag aksayahan ng oras. "Ikaw lang ang gusto niyang magsuot ng collection na ilalabas next month, sana pagbigyan mo na si Mommy..." Ate Maria cut in, ngumiti na lang ako saka binalik kay Rio ang magazine. "May magagawa pa ba ako?" sagot ko na lang saka umupo. Biglang nakatanggap ng tawag si Kuya mula sa telepono kaya napatingin kaming lahat ng inabot ng isa sa mga kasambahay iyon sa kanya. "Sir galing po sa Kibok-Kibok!" ani ni Yaya, tumango si Kuya saka inabot iyon. "Okay...Sige...Good...Okay...Okay. I'll let them know..." yun lang at ibinaba na niya. Bigla akong napangiti ng maalala ko na sa wakas nagkaroon na rin ng linya ng telepono sa Kibok-Kibok, limang taon na rin ata na may linya na ng telepono doon, medyo malakas na rin ang signal ng cellphone at nakakapag-internet na rin kaso walang lumabas na picture sa sobrang bagal. Hindi ako sure kung abot na ng GPS ang lugar pero minsan ita-try ko sa kotse ko kung meron na. Balita ko rin kasi yung mga major highways ay sementado na pati yung mga maliliit na daan na papunta sa mansion ay napaayos na rin. Malaki na ang pinagbago ng Kibok-Kibok in terms of structures over the years pero ang ganda at kapayapaan ng lugar at na-preserved parin. "What is that all about?" tanong ni Rylle ng ibinaba ni Kuya ang telepono. "Tungkol doon sa kasal ng isa sa mga katiwala natin, naalala niyo? Yung pinsan ni Marcos?" tumango ang kambal "They just updated me tungkol sa mga preparations, kinuha kasi nila akong ninong, pati ang mommy niyo so sinagot na namin ang mga gagastusin sa buong kasal, sinabi ko na rin na ipahiram ang garden natin para sa reception." "Cool! So we are going there?" tanong ko. "Yes, we are, kinakamusta ka pala ni Anna, kakapanganak niya lang sa bunso nila ni Marcos nung isang buwan." Ate Maco informed me, I smiled "Toffer, na-settle na ba yung listahan ng magkakapareha sa kasal nila?" baling niya kay Kuya. "As far as I know, magkapartner si Mommy at Daddy, ganun din ang Mommy at Daddy mo, ako at ikaw para sa principal sponsors, si Rio at Rylle naman para sa secondary sponsors, si Terrence na nga lang ang wala ata eh..." sagot naman ni Kuya saka humigop ng tea. "Ganun ba?" pagtataka ni Ate "Naku kailangan mo ng maghanap ng makakapareha mo!" sabi naman niya sa akin "Baka bigla na lang tayong manghila ng dalaga doon kung wala kang madadala sa Kibok-Kibok!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD