Chapter 32
Znela
It was just an ordinary day pero palapit na ng palapit ang graduation day namin. I can't stop myself from falling every time na babanat si Terrence. W-Well, I must admit, may feelings din naman ako at w-well, kinikilig din naman ako sa ginagawa niya!
Napatigil ako ng may malaking Teddy Bear na nakaupo sa upuan ko. Nagtitinginan at nagbubulungan ang mga classmate ko habang nakatingin sa akin ng makarating ako sa loob.
"OH MY GEE!" rinig kong sabi ni Sam saka kinuha yung white teddy bear na may pink ribbon. Nahirapan pa siyang yakapin iyon sa sobrang laki. "IKAW NA ZEE! IKAW NA TALAGA!" halos maluha niyang sabi.
Dumating si Terrence kaya nilapag ni Sam yung bear kung saan namin nadatnan. Terrence winked at me. Galing nanaman sa kanya ito obviously, last time flowers ang binigay niya. Umupo siya sa upuan niya na parang wala lang. May mga classmate kaming nang-aasar pero hindi ko sila pinansin.
"How am I supposed to sit if there's a big teddy bear on my chair?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at nilagay ang daliri sa tapat ng sentido na parang nag-iisip. He flashed a cute face matapos parang nakaisip ng sagot sa tanong ko.
"Sit on my lap!" sagot niya. Hinampas ko siya dahil doon. He laughed at me.
"But seriously Terrence, ang laki laki ng bear!" sabi ko saka kinuha iyon. Kinuha niya sa akin saka nilagay sa may gilid para makaupo na ako, parating na rin kasi yung prof at mag start na rin yung klase. Napatingin pa sa akin si Miss Chin, siya kasi ang professor namin ngayon, binigyan niya ako ng nakakalokong tingin matapos tignan ang bear na nasa gilid.
I saw Terrence raised his thumb at her at parang nakakaintindihan pa silang dalawa. Napailing na lang ako.
----------
Breaktime at nasa freedom park kami ni Sam. Kumakain at nagkwekwentohan. Sam was laughing hard habang kwinekwento sa akin yung napanuod niya sa internet. I was enjoying her company too. Natigil siya ng makita niya si Theo na palapit sa aming dalawa. Nilingon ko siya at nakita ko ang nakangiting si Theo.
"Hi!" bati niya sa amin. I greeted back, so was Sam. "Here!" abot niya ng food. Nagpasalamat kami.
"A-Ahh naalala ko, may bibilhin pala ako para sa...s-sa project!" Biglang sabi ni Sam sa akin, kumunot ang noo ko.
"Project? Wala naman-"
"Meron Zee, di ka kasi nakikinig!" sabi niya sa akin saka ngumiti at mabilis na umalis. Sam has a crush on Theo, umamin na siya sa akin nung isang araw kaya ganyan siguro siya, she's acting weird.
"Anong nangyari doon?" tanong ni Theo. Medyo nailang ako dahil sa presensya niya but he showed me na wala naman siyang ibang pakay kundi ang makipag-usap lang. Theo asked me kung kumusta na ako, he asked kung anong situation sa bahay, kay Mom and Dad at yung...y-yung anak ni Daddy sa labas.
I answered all his questions, siguro nga mas maganda na mailalabas ko rin iyon at hindi iipunin at kikimkimin. These past few days, compared before, magaan ang pakiramdam ko. I must admit na masaya ako at mas nagagawa ko ng maayos ang mga bagay bagay without being over fatigue.
"My Lolo said that he wants to see you." Bigla niyang sabi kaya napatingin ako "He already talked to your Mom about it, ang alam ko pumayag na ang mommy mo, did she inform you?" he asked. Umiling ako dahil yun ang totoo.
"Hindi pa kami nakakapag-usap ni Mommy after the incident." Sagot ko "Why?" tanong ko sa kanya "Bakit gusto niya akong makita?"
"I don't know." Sagot ni Theo saka tumingala "He saw you before, he knows you maybe he wants to see you again." Dagdag pa niya, tumango na lang ako "Why?" he asked "Kinakabahan ka ba?" umiling ako.
"No, bakit naman ako kakabahan?" balik tanong ko "Nagtaka lang ako." Sagot ko.
Ngumiti si Theo sa akin "Lately laging nagkikita si Lolo at ang Mommy mo. Ang pagkakaalam ko, your lending company lent some money sa law firm to start a new business or maybe it is better to call it an investment."
"Ganun ba?" sagot ko sa kanya "Wala kasi akong balita diyan." Pagsasabi ko ng totoo "Mom wants me to focus sa school and she told me na the right time will come na sa company naman ako mag fofocus kaya better na isa-isa at a time muna."
"You're looking good." Biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya "I guess he is making you happy." Yumuko siya saka tumingin sa malayo, bumuga siya ng hangin bago nagsalita "Terrence is Mr. Genius." He concluded "You like him even before, right?"
"Theo."
Ngumiti siya bigla at tumayo "Even that's a question, you can also not answer that since I obviously know the truth." Hindi ako sumagot matapos siyang sabihin iyon. I want to say sorry but I know it will not help din naman. "Tara, I'll walk you back to your room."
When we were heading back to my classroom, I suddenly had the a curiosity about him not being able to enter a hospital. Halata kasi ang pagiging uneasy niya last time na sinamahan niya kami ni Sam. He couldn't even go inside.
"A-Ah." He replied matapos ko siyang tanungin about doon. He felt uneasy again. I wonder why.
"I. I just don't have a good memory when it comes to hospitals. When Mom died, when Lola died and when Papa had an accident which actually caused him to be immobilized." He took a deep breath before continuing "I. I just don't like that place, Ela."
"I understand."
"Basta huh, wag mong kalimutan yung dinner party." Paalala ni Theo sa akin ng makarating kami sa classroom at tumango na lang ako. Nakatayo kami pareho sa tapat ng pinto ng dumating si Terrence.
Ngumisi si Theo sa kanya saka ako hinalikan sa pisngi at nagpaalam. Nabigla ako dahil doon. Napatingin ako kay Terrence. He looked at me pero bumawi rin agad.
Tahimik siya the whole time. Hindi kumikibo at hindi rin ako kinukulit. Napansin nga ni Sam yun kaya tinanong ako kung nag-away ba daw kami "Hindi ah!" sagot ko na may pagtataka rin.
"Hala ka! Baka napagod na siya sa Zee!" gatong ni Sam.
"Napagod? Ganun kadali? Bahala siya!" sagot ko naman saka kinuha yung notebook sa bag ko.
Nagstart nanaman kami sa ibang subject pero tahimik parin siya. Ako na nga yung lumalapit para magtanong sa kanya pero isang tanong isang sagot lang siya.
Umabot ng dalawang araw yung ginagawa niya. Terrence never texted me nor called me during those days. Pag nagkakahulihan naman kami ng tingin agad siyang bumabawi at titingin sa malayo.
There's one time na pinaabot pa niya kay Sam yung pagkain at sinabi pang wag na wag daw sasabihin sa akin na galing sa kanya iyon.
"HOY!" hampas ko sa kanya ng makita ko siyang nakaupo sa may soccer field. Tinignan niya ako saka aalis sana ng hinila ko yung damit niya kaya napaupo siya "Anong problema mo?" tanong ko sa kanya saka umayos ng upo.
"Anong problema? Anong problema?" ulit niya sa akin na pabulong pero rinig ko.
"Bakit ka ganyan?" tanong ko na nakakunot ang noo, bumulong bulong siya na parang bata kaya hinampas ko ang braso niya "Umayos ka nga!"
"Ikaw kasi!" sisi niya sa akin.
"Ako? Anong ako? Ikaw nga yang di nagparamdam ng dalawang araw eh! Di ka pa namamansin, tapos ngayon ako may kasalanan?" sagot ko sa kanya.
"Eh di napansin mo din ako?" sagot niya
"Ano?"
"Di ba halata Zee? Nagpapansin ako sa iyo!" sagot niya, hindi ako nakasagot "Hindi kita tinawagan, kahit mahirap at para akong mababaliw tiniis ko iyon!" pagsasabi niya ng totoo.
"Bakit m-mo naman ginawa iyon?" tanong ko kahit nagsisimula ng mag-init ang magkabilang pisngi ko.
"Ikaw kasi puro ka na lang Theo, lagi ka na lang sumasama sa kanya. Kung makangiti ka, kung makatawa ka, kala mo ang saya-saya mo pagkasama mo siya." Himutok niya.
Pinigilan ko ang pagtawa ko matapos makita ang mukha niya. Para siyang batang inagawan ng candy. Gusto kong pisilin ang pinsgi niya pero baka magalit eh! Haha!
"Anong puro Theo?" sagot ko naman "Minsan na nga lang kaming magkita saka magkausap eh!" dagdag lo
"Pero may dinner party kayo." Sagot naman niya.
"It was friendly dinner party." Sagot ko naman "Yung Lolo niya gusto akong makita, yun lang yun." Paliwanag ko "Umayos ka nga! Hindi bagay sa iyo!" saka ko siya mahinang tinulak sa may braso.
Tahimik parin siya at di ako tinitignan. Tinitigan ko siya, yung mukha niyang artistahin, yung ilong niyang perfect at yung pinaka gusto ko sa lahat, yung mga mata niyang nawawala sa tuwing tatawa siya o ngingiti lang.
"Are you jealous?" I asked him matapos mabingi sa katahimikan sa pagitan naming dalawa "Kaya ka ba ganyan?"
"Alam kong wala pa akong karapatan pero nasasaktan kasi ako sa tuwing makikita kang ngumingiti at tumatawa pero hindi naman ako ang dahilan..." sagot niya sa akin.
"T-Terrence..."
"Znela ayaw kong maging madamot pero hindi ko maiwasan iyon pagdating sa iyo. I love you, I said that and I mean it. I tried to act cool whenever Theo is around, I don't want to him to see me threatened by his presence pero dahil sa iyo, dahil sa iyo nahihirapan akong gawin iyon. Everything, everything that concerns you, natatakot ako, kinakabahan, nag-aalala." Nakita ko ang paglunok niya while entwining his fingers "I feel threatened by anyone who comes near you."
"W-Why?" I asked him, he looked at me.
"Why?" he asked back "Why Zee?" he sarcastically smiled at me na parang hindi makapaniwala sa tanong ko.
"Because I love you and you mean so much to me!" sagot niya habang nakatitig sa mga mata ko "Alam mo yung pakiramdam, na gustong gusto mo yung isang bagay pero hindi mo siya makuha?" tanong niya sa akin.
"Gustong gusto kita Znela Jimenez pero hindi ko alam kung gusto mo rin ako. Hindi ko alam kung may pag-asa ba talaga ako sa iyo. Hindi ko alam kung mahal mo rin ba ako."
"Terrence..."
"I know I'm being impatient, I know its wrong pero masisisi mo ba ako? Mahal kita at natatakot lang ako na mapunta ka sa iba..."
Hindi ako sumagot matapos ang sinabi niya. I was moved, I was touched. Naramdaman ko ang lahat ng mga iyon at naniniwala ako na nagsasabi siya ng totoo.
I bit my lower lip habang nakayuko. Palubog na ang araw. Magdidilim na at nagsisimula ng bumukas ang ilaw sa field. Una siyang tumayo kaya napatingin ako sa kanya.
"It's getting late." Yun ang una kong narinig sa kanya matapos ang sinabi niya kanina. Tumayo ako, aabutin na sana niya yung bag niya ng pinigilan ko yung kamay niya. Napatingin siya sa akin. I stood in front of him. Malapit sa kanya. I looked at him. Sa mukha niya. Sa mga mata niya. Sa mga labi niya.
I felt kung paano nag-iba ang paghinga niya matapos ang ginawa ko. He was looking back at me. I saw how he moved his lips. I saw how he gulped. I saw kung paano siya mag react sa pagtitig ko sa kanya.
"Z-Zee..." he whispered ngumiti ako habang nakatingala at nakatingin sa kanya. "W-Why?" he heard him say "Why are you-"
I didn't let him say another word. Tumingkayad ako saka hinawakan ang magkabilang pisngi niya. I saw kung paano nanlaki ang mata niya matapos kong ilapat ang mga labi ko sa mga labi niya. I heard his heartbeat no, actually I'm not sure kung sa kanya or sa akin iyon. I felt it. Ang lakas. Ang bilis. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo, ang pag-ihip ng hangin, ang pag-galaw ng oras.
Ngumiti ako saka umayos ng pagkakatayo. He was speechless matapos ang ginawa ko. He looked down at me, puzzled, shocked. I smiled wider at him saka nagsalita.
"I'm giving you the right to get jealous." Umpisa ko, nakatitig parin siya "I w-want to try with you." Dugtong ko pa pero parang wala parin siya sa sarili kaya hinawakan ko ang magkabilang braso niya saka mahina siyang niyugyog "Yes, I want to be your girlfriend!" I finally breathe out at napaawang ang bibig niya.
Hindi niya alam ang gagawin at hindi niya alam ang isasagot. Tumalon siya saka sumuntok sa hangin sunod nun ay lumapit siha sa akin at hinawakan ang kamay ko "G-Girlfriend na kita?" he asked me to confirm it and I nodded. "GIRLFRIEND NA KITAAAA!" sigaw pa niya kaya hindi ko napigilang tumawa.
He pulled me towards him and hugged me tightly. Naramdaman ko kung gaano siya kasaya dahil ganun din ang nararamdaman ko ngayon.
"I love you Znela Jimenez, I love you so much..."
"I love you too Terrence Villaflor. I love you too, so much..."