Chapter 33

1521 Words
Chapter 33 Znela Akala ko pag sinagot ko na siya at magiging kami na hindi na niya ako kukulitin at aasarin. Sinara ko ang pinto ng kwarto ko saka binuksan yung storage room ko. I put all the letters I wrote for him sa box na pinaglalagyan ko, napangiti pa ako ng makita ko yung dried santan bracelet na he made for me that night at Kibok-Kibok. I enclosed it with that letter. Tinago ko yun sa box, napangiti pa ako ng halos mapuno na iyon sa dami ng sulat na andun. I pulled a chair saka umupo. Inabot ko yung scented paper na andun saka nagsimulang sumulat. Dear Terrence, Thank you, thank you for making me happy. Thank you for showing me this side of our world. Thank you for making me feel so special whenever I'm with you. I must admit, I take things light compared before, it was all because of you. Terrence, sorry kung naging hard ako sa iyo, I never meant to do that, actually you pushed me to. Ikaw kasi, ang bully mo masyado. Hindi ko nga alam kung bakit ako nahulog ng ganito sa iyo eh. You're a good person, I saw that, you made me see that. You promised me happiness and I am happy to inform you that you never failed as of now. I maybe a coward kasi hanggang sulat lang ang kaya kong gawin. Hindi ko kayang sabihin sa iyo lahat ito ng harapan, dahil nahihiya ako. Nahihiya ako at baka pagtawanan mo lang ako. I like you Terrence, hindi ko alam kung kailan nagsimula. Nung highschool, nung grade school, hindi ko alam but it was never too late to realize that di ba? I'm happy, super happy kasi sinabi mo at pinaramdam mo na mahal mo din ako. I can't stop myself from smiling kahit mag-isa lang ako sa tuwing sasagi ka sa isip ko. Your smile. Your laughs. Yung mga mata mo na nawawala sa tuwing ngingiti ka. I love it all! Botong-boto ang lahat ng tao na nakakakilala sa iyo, of course you can cross out my Mom's name on the list but I'm still hoping that one day, she'll realize that you're the type of guy na dapat naman talagang mahalin. I'm happy kasi pinakilala mo ako sa family mo. They are all awesome. Yung family mo, yung mga taong nakapaligid sa iyo, nung inaya mo ako at dinala sa mundo mo, grabe, it was like a whole new world for me. Terrence, sana wag kang magbabago. Sana wag magbabago ang tingin mo sa akin. Ikaw lang ang unang lalaking nagparamdam ng ganito sa akin at ikaw lang din ang unang lalaking hinayaan kong pumasok at kumuha ng parte sa buhay ko. Things may go wrong throughout our relationship pero hindi ko muna iniisip yun, kakasimula palang natin eh. I just want to enjoy the days I am with you. All those happy days I may spend with you, lahat yun, pangako, i-tre-treasure ko at kahit kailan hindi ko makakalimutan. Let's be happy together. I love you, Terrence. Love, Znela Ngumiti ako saka nilagay sa loob ng box yung letter na sinulat ko after I fold it "Kailan mo kaya mababasa lahat ng ito?" tanong ko sa sarili ko matapos titigan ang mga iyon. "Sana kung mabasa mo man ito, wag mo akong tatawanan ah? At sana wag mong kakalimutan lahat ng mga sinabi ko dito, kasi ako kahit kailan hindi ako makakalimot..." -------- I slept peacefully that night. Maaga din akong pumasok at si Terrence ang unang taong nakita ko sa school "Maaga ka ata?" salubong ko sa kanya, kinuha niya ang bag ko matapos akong halikan sa pisngi. "Shempre, wala na akong reason para ma-late ngayon." Sagot niya sa akin. Sabay kaming pumasok sa room. Mabilis kumalat ang balita. Sobrang bilis. Halata kasi sa tinginan ng mga classmate namin at ibang students na makakakita sa aming dalawa. Yung iba nakangiti, yung umiirap. Natapos ang klase at break namin, saglit kaming pumunta ni Sam sa comfort room at ng pabalik na kami sa room, nakita ko si Terrence na nakatayo sa tapat ng locker niya, pagbukas niya nun may mga maliit na regalo na nahulog. Kumunot ang noo ko. I observed kung ano ang gagawin niya sa mga iyon. Pero napangiti ako ng pinulot niya iyon at binalik sa loob at sinara na lang ulit ang locker niya. Di niya kinain yung mga bigay sa kanya di tulad ng dati. Hindi na rin niya pinapansin yung mga sulat na nakikita niya na para sa kanya. Lumingon siya at doon niya ako nakita. Kumaway siya saka ngumiti ng malapad. "What happened?" tanong ko at lumingon siya doon. "I think I should get a new locker." Sagot niya sa akin saka tumawa. Siniko ako ni Sam, binigyan niya ako ng nakakalokong tingin matapos makita ang pagngi-ngitian naming dalawa ni Terrence "Hey, are you free?" tanong niya sa aming dalawa. "Why?" asked Sam "Are we going to celebrate?" she teased at bigla akong nahiya "Kayong dalawa huh, hindi niyo man lang ako in-inform!" kunwaring tampo ni Sam. "Treats on me!" sagot naman ni Terrence "Tara let's eat!" hinawakan ni Terrence yung kamay ko at magka holding hands kaming naglalakad. I am flashed, I know and I feel it. Ang bilis din ng t***k ng puso ko dahil sa magkahawak kami ng kamay ngayon. Sam was trying to hide her smile pero hindi mapigilan na mang-asar. She pouted her lips saka hinawakan ang sariling kamay at bumulong-bulong pa. Terrence on the other side was obviously enjoying our walk, and I, too, happy about it. --------- "Botong-botong-boto ako kay Papa Terrence!" sabi ni Sam habang naglalakad kami pauwi. Terrence was waiting sa parking area kaya nagkaroon kami ng time para mag-usap ni Sam. "Sobrang bait, sobrang gwapo, sobrang galante, sobrang talino, sobrang-ahhh! Sobra lahat!" halos patili na sabi ni Sam "Masama ang sobra." Sagot ko naman. "Okay lang kung si Papa Terrence, there's always an exception!" sagot niya sa akin, I shook my head and smiled. "Osige dito na ako ah!" paalam ni Sam ng makita ang driver niya. "Mag-ingat ka!" sabi ko, tinignan niya ako saka sumagot. "Grabe ka naman, para namang may mangyayaring masama sa akin!" pabiro niyang sabi. "Hindi yun ang ibig kong sabihin Sam." Sagot ko naman, tumawa siya. "I know, ikaw talaga di mabiro, opo mag-iingat ako, promise!" sabi pa niya saka tinaas ang kanang kamay, she hugged me bago tuluyang pumasok sa kotse. Lumapit si Terrence sa akin, I smiled at him. "Hatid na kita?" tanong niya. "Okay lang, tingin ko di naman uuwi si Mommy ngayon." Sagot ko sa tanong niya. Akala ko ihahatid na niya ako agad sa bahay pero hindi. Terrence brought me to their home and had dinner with his family. He also informed them na girlfriend na niya ako. Kahit nahihiya, I managed to mingle with them. Rio and Rylle were present kaya mas lalong nakakatense pero kinaya ko naman besides Terrence is there for me, I should have no worries. Inabot ni Terrence sa akin yung paper bag ng makababa na ako, muntik ko ng makalimutan yung perfume na binigay ni Ate Maria sa akin kanina. Bumaba din siya saka naglakad sa tabi ko. "A-Ah thanks for the dinner and thanks for this!" sabi ko sa kanya. He smiled saka hinaplos ang buhok ko. "You're welcome." Sagot niya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko at di mawala ang ngiti sa mga labi. "W-What?" natatawa kong tanong matapos mailang sa mga titig niya. "Wala lang, ang ganda mo kasi eh." Sagot niya kaya bigla ko siyang hinampas, hinuli niya ang kamay ko saka nilagay sa tapat ng dibdib niya "Ramdam mo di ba?" napalunok ako ng maramdaman ko yung mabilis ng pagtibok ng puso niya "You're the reason of it." He confessed, ngumiti ako. "Thank you." Mahina ko sabi, umiling siya. "No. Thank you." He held my two hands saka tinitigan ulit ako ng mabuti "Thank you for giving me a chance." Mabilis niya akong hinalikan sa may noo "I love you Zee." Bumuga ako ng hangin saka mabilis ding ngumiti sa kanya. "Ako rin." Sagot ko na medyo nahihiya pa "Mahal din kita!" tumawa siya matapos makita ang namumula kong mukha, hinampas ko siya pero hindi siya nagtigil sa pagtawa "Terrence naman eh!" sita ko at kinagat niya ang labi niya pero di parin mawala ang ngiti. "Sige na, pumasok kana!" utos niya pero andun parin ang nakakalokong ngiti niya. Tumango ako at naglakad ng bigla akong nakaramdam ng paghihina sa tuhod, mabuti na lang andun si Terrence para saluhin ako. "Are you okay?" may pagtatakang tanong niya. Kahit ako nagtaka rin. "O-Out of balance." Sagot ko na lang ng medyo umikot ang paningin ko. I tried to smile at him to hide it saka pinilit na tumayo ng tuwid. "Kaya mo?" tanong niya "O-Oo naman!" sagot ko saka tumayo at naglakad na papasok, nilingon ko siya saglit saka ngumiti "Bye!" hindi umalis si Terrence hanggang sa hindi ako tuluyang nakapasok ng bahay. Bigla akong napakapit sa pinto ng makaramdam ng paghihina sa may binti. "Znela?" biglang sabi ni Yaya , I shook my head saka siya mabilis na inutusan para kunin ang gamot ko. "I'm fine..." sagot ko sa kanya matapos makainom "G-Gamot lang kailangan ko, nothing to worry about." Saka ako ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD