Chapter 34

1059 Words
Chapter 34 Znela Napayuko ako matapos biglang umugong ang tenga ko. I closed my eyes para pakalmahin ang sarili pero kasabay ng malakas na ugong ang pananakit ng ulo ko. "HEY!" hinawakan ni Terrence ang magkabilang balikat ko saka mahinang niyugyog "Are you okay?" tinignan ko siya saka huminga ng malalim. I shook my head saka pumikit saglit. "Y-Yes, yes okay lang ako." Sagot ko saka pilit na ngumiti. "Sure?" asked Sam "Umuwi ka na kaya muna, namumutla kana eh!" tinatapos kasi namin yung paper works dito sa may library and Terrence offered some help. Kanina pa kami dito pero hapon na at di pa rin kami natatapos. "Tara ihahatid na kita." Kinuha ni Terrence yung books and bag ko saka nagpaalam kay Sam, sumakay na kami ng kotse ng bigla siyang nagsalita "I'll take you to hospital." Tinignan ko siya agad saka tumanggi. "Okay lang talaga ako, pagod lang siguro." sagot ko sa kanya. "No need to worry, ganito na ako, when I take my meds, umaayos naman eh." "Kailan mo pa nararamdaman yan?" tanong niya habang nakatingin sa daan. "Lately lang." pagsisinungaling ko "Sa dami lang ng ginagawa, alam mo na, stress." Sagot ko "Nagugutom ako, tara kain tayo!" pag-aaya ko sa kanya. He looked at me saka hinawakan ang isang kamay ko at marahan na pinisil iyon. "Come on, I told you na there's nothing to worry about. I'm okay, ano kakain ba tayo?" paglalambing ko na lang sa kanya. Kinabig niya yung sasakyan saka naghanap ng coffee shop. Terrence decided na dumaan na lang muna sa bahay nila, maaga pa naman kaya pumayag ako. Pagkarating namin doon, nilibot niya ako sa may garden nila, parang miniature yun nung nasa Kibok-Kibok. "Siguro nature lover kayong lahat." Sabi ko habang ginagala ang mata sa paligid, he nodded at me saka ngumiti. Napalingon ako ng biglang may nagtahulang aso, bigla akong napangiti ng tumakbo silang lahat papunta kay Terrence. Ang cucute nila. They're Pomeranians, ang liliit at sarap hawakan. Yung hair nila sobrang pino at lambot sa kamay. Umupo si Terrence saka kinuha yung cream ang kulay. "This is Sarang." Pakilala niya sa akin "She's a girl. That one!" turo ni Terrence sa medyo malaki at chubby "That's Khunnie, Rio's favorite. And this little one..." ibinaba niya si Sarang saka hinaplos naman yung isa "He is Fluffy." "They're all cute!" sabi ko saka umupo rin at hinaplos sila. They wiggled their tales habang dinidilaan yung kamay ko "Si Ate Maria ba ang mahilig dito?" tanong ko, he nodded. May lumapit na katulong at sinabi na papaliguan na daw niya yung tatlo. Nakakatuwa silang tignan, akala mo nga babies din. Pumasok kami sa loob, dinala ako ni Terrence sa wine cellar nila. Na-amaze ako sa dami ng collections nila doon. "Are you engaging in wine business too?" tanong ko habang tinitignan yung mga dates ng wine. "Kuya is planning to." Terrence answered me "Have you tasted one?" he asked me, ngumiti ako. "On occasions, yes, but I don't like the taste." Pagsasabi ko ng totoo, tumawa siya "Ikaw? Mahilig ka ba sa alcohol?" "I drink..." sagot niya kaya sumingit ang mga mata ko. "Pumupunta ka ng club?" tanong ko ulit. "Yes." Mabilis niyang sabi pero bigla ring bumawi ng makita niya ang mga titig ko sa kanya "P-Pumupunta ako kasama mga kaibigan kong lalaki." Pahabol niyang sabi. "Di ba maraming girls sa club?" usisa ko. "O-Oo." Halos pumiyok na sagot niya "P-Pero sa amin, kami kami lang, Kuya owned the place, m-may private room para sa amin ng mga barkada ko." paliwanag niya "At walang mga babae doon!" he assured me pero hindi ko inalis ang tingin sa kanya "Oo nga, promise!" sabi pa niya saka tinaas ang kamay. "Papalusutin kita ngayon." Mahina kong sabi kaya lumapit siya sa akin at ngumiti. "I'm going to show you something." Bulong niya saka hinawakan ang kamay ko. Pumunta kami sa kwarto niya. This is the second time na napasok ko ito but something has changed siguro pina-redecorate. Huminto ako sa family pictures nila, iba't ibang bansa iyon and they look so happy, I saw it before pero hindi ko masyadong binigyang pansin. "That's beautiful." Bulong ko at di ko namalayan na nasa likod ko na siya. "Santorini, Greece." Bulong niya and hugged me from the back. Napangiti ako ng pinatong niya ang ulo niya sa kanang balikat ko at sumasabay sa bawat hakbang ko habang tinititigan yung mga pictures niya. There's a picture wherein Terrence was sitting sa isang cemented structure while smiling. It shows kung gaano kaganda sa lugar, from the blue sky, white clouds at parang mga hut na may wind mills, makikita rin na blue na blue yung ocean. Terrence's face was at ease. He was smiling genuinely and enjoying the place. Nakakadagdag sa kagandahan ng lugar yung gwapo niyang mukha. "Do you want to go there with me?" he asked at ngumiti ako. I've been to different places too pero hindi ko kasama sila Mommy or Daddy or never kaming naging buo. Most of the time mga assistant ni Mommy ang sumasama sa akin, lalo na nung bata ako, minsan nga naranasan ko secretary pa niya ang nagsama sa akin sa Disneyland eh. "I want to." Mahina kong sagot saka nilingon siya "I want to spend more time with you there." At di niya napigilan ang pagngiti dahil sa sinabi ko. "Okay, I promise, I'll take you there, tayong dalawa lang." pabulong niyang sabi kaya nakiliti pa ako. I laughed at kumawala siya sa pagkakayakap. Tinignan ko siya matapos niyang buksan ang isang drawer saka may kinuha doon "Upo ka dali." Utos niya sa akin kaya umupo ako sa may kama niya. He kneeled down in front of me tapos inabot ang paa ko. He opened the box at doon niya nilabas yung white gold anklet na may little hearts na nakasabit. "T-Terrence..." "Look." Pinakita niya sa akin yung nakasulat sa maliit na hearts "T & Z" ngumiti siya saka ako tinitigan "Do you like it?" hindi ako agad nakapagsalita, tumango na lang ako at parang maluluha na napatingin sa kanya, yumuko siya ulit saka sinuot sa akin iyon "There, it suits you well." Rinig kong sabi niya saka umupo sa tabi. "T-Thank you. Wala akong regalo na naihanda-" "I'm not asking you to." Putol niya sa sasabihin ko "Andami mo ng binigay sa akin..." "Believe me Zee, those are nothing compared to what you gave to me..." bulong niya saka hinalikan ako sa may noo "I love you..." he whispered again that touched my heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD