Chapter 35

1809 Words
Chapter 35 Znela It was a very busy day. Kagagaling ko lang sa office ng organization namin para ayusin ang departure ko pati na rin salain ang mga incoming officers. Nakakapagod pero wala akong choice. Maaga naming natapos nila Sam yung mga requirements for graduation, yes after all the sacrifices, it's all worth it naman. "Hey!" malapad ang ngiti ni Sam ng lumapit siya sa akin "My family planned to have a simple dinner party, I want you to join." Aya niya sa akin. Nilapag ko yung folders na dala ko sa desk, ito kasi yung mga print outs ng information para sa tatakbong officers. "Hindi ba ako makakaistorbo?" tanong ko sa kanya "Isa pa Sam, family dinner yun dapat i-enjoy mo lang!" "Hindi naman." Sagot niya sa akin saka hinila hila ang braso ko "Isa pa gusto nila Mommy na kasama ka!" pag-aaya niya. "Celebration niyan for graduation di ba?" I asked her and she nodded "See! Dapat kayo kayo muna, I promise after our graduation day, lalabas tayong dalawa at magba-bonding!" saka ko tinaas ang kamay ko. "Promise?" ulit pa niya. "Promise..." Naalis ang pagod ko ng dalhan ako ng pagkain ni Terrence dito sa office. Iniipon ko na kasi yung gamit ko at iuuwi ko na. Professors and staffs were congratulating both of us, una para sa graduation at pangalawa para sa relationship naming dalawa. Miss Chin was all smile habang nakatingin sa amin ni Terrence, hindi ko mapigilang mangiti at mapailing kasi kitang kita ko ang tuwa sa mga mata niya. "Ako na!" kinuha ni Terrence yung dala kong box, tinulungan niya akong dalhin yun sa kotse saka ko na rin inutusan na iuwi yun ng driver ko. Inaya ako ni Terrence na lumabas ngayon since wala na rin naman akong masyadong gagawin mamaya. "Ikaw, wala ka bang lakad?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa freedom park habang magkahawak ang kamay "Wala bang party sa inyo?" tanong ko pa. "I was thinking na sabay na tayong mag pa party!" he suggested saka ako tinignan "You like that idea?" tanong pa niya. Natahimik ako at hindi nakasagot agad. "T-Terrence hindi ko kasi alam kung ano ang plans ni Mommy." Pagsasabi ko sa kanya ng totoo "She still doesn't know what's between us." Natahimik rin siya at napatingin sa malayo. "I will talk to her." Mahina pero rinig na rinig ko "I will tell her that I love you and my intentions are good." "Terrence alam ko naman yun eh pero kasi iba si Mommy." Sagot ko naman sa kanya "She doesn't care about your intentions nor your love for me. K-Kung ayaw niya sa isang tao, ayaw niya and I can't find any solution for that!" Huminga siya ng malalim saka saglit na ngumiti "So, ganito na lang tayo? Itatago na lang natin sa parents mo kung ano ang meron tayo?" hindi ko siya nasagot agad. "A-Alam mo, wala kang dapat ipag-alala. Even the world is against us ang importante, ikaw at ako lang." I smiled at him saka hinawakan siya sa pisngi "Besides, kung tayo, tayo talaga, di ba?" Umiling siya saka inalis ang kamay ko sa pisngi. "Why do people always say that?" he asked me "If it's meant to be, it will be, don't they know that without effort, destiny won't work?" he looked down at me saka tinitigan ako sa mga mata "I won't let that saying rule over us Znela, kahit ilang effort pa ang kailangan, gagawin ko para sa iyo, tandaan mo yan!" Ngumiti ako saka hinawakan siya sa kamay "Alam ko naman yun." Paglalambing ko na lang "Alam ko naman yun Terrence eh. Alam ko at ramdam ko na gagawin mo lahat. Pero sa ngayon mas mabuti ng wag muna nating galitin si Mommy, we can't push her to do things na pwedeng magpalayo sa ating dalawa, di ba?" Huminga siya ng malalim saka tumango na lang "Besides, I'm so full of love na nanggagaling sa family mo, sobra sobra na yun para sa akin." Pahabol ko "Yun nga lang, my family is not like yours. I'm sorry for that." Umiling siya saka hinawakan ulit ang kamay ko "Hindi naman yung Mommy mo ang gusto kong makasama habang buhay eh, ikaw." Sagot niya sa akin "So I don't mind kahit pa magalit at kainisan niya ako habang buhay ang mahalaga, ikaw." Saka niya pinisil ang ilong ko. "Ikaw ang mahal ko eh." Saka niya ako mabilis na kinindatan. Terrence is my everything. He makes me happy, undoubtedly happy! He makes me smile, makes me feel comfortable, secured and loved. Ibinibigay niya lahat sa akin, lahat kahit pa hindi ko kailangan handa niyang ibigay iyon. Things are not the same anymore. Things are lighter than before. Things are more beautiful, peaceful and are in place compared before. Sabay kaming gra-graduate, good thing we made it hindi lang on time, early pa nga eh compared to the normal phase na meron sa ibang mga universities. Ang alam ko naipadala na rin kay Mommy lahat ng documents na kailangan niya, I don't know her real plans pero I trusted her naman in terms of that. Kahit ganun si Mommy siguro darating din yung panahon na maiintindihan ko siya, yung gusto niya na lahat maayos in terms of my future, siguro lahat naman ng ina ganun ang gusto. Ganun ang pinaplano. Siguro lahat naman ng ina, kapakanan ng anak ang iniisip. S-Siguro nga ganun yun, s-siguro nga normal lang yun. "So, after this, what's your plan?" Terrence asked me habang naglalakad kami papunta sa may parking area, uwian na kasi at pumayag ako na sa kanila na muna mag dinner. "Review, board." Sagot ko saka tumingin sa kanya "Then maybe I'll pursue being a CPA Lawyer, ikaw?" tanong ko sa kanya. "Review, board, Law school then marry you." Sagot niya sa akin. I was taken aback, hindi ako agad nakapagsalita matapos ang sinagot niya. It took me few seconds para ma-internalize yung mga sinabi niya. "W-What?" natatawa kong tanong sa kanya. "What?" ulit niya na nagpipigil sa pagtawa. "What did you say?" tanong ko saka kinurot ang braso niya. "Aww!" himas niya doon "Bakit? Wala ka bang balak na pakasalan ako?" tanong niya "Di man lang ba sumagi sa isip mo yun?" "Ikaw talaga, ga-graduate palang tayo kasal na nasa isip mo!" sagot ko naman saka umiwas ng tingin. "Kaya nga sabi ko after ng law school, di ba?" pag ka-klaro niya "Hindi naman kita minamadali, sinasabi ko lang ang plano ko." dugtong pa niya. I bit my lower lip saka tumingin sa harap "Isa pa, wala na akong balak pakawalan ka pa kaya dapat ngayon palang, alam mo na, ah?" saka niya ako inakbayan. Hindi ko na siya sinagot. Pareho kaming nakangiti habang naglalakad palapit sa sasakyan. Nagtatawanan pa kami ng binuksan niya ang pinto ng kotse niya. Inabot niya ang bag ko saka nilagay iyon sa likod. I was about to enter his car ng may biglang tumawag sa akin. "ZNELA!" agad akong napalingon, hindi ko alam kung tatakbo ba ako o ano. I was frozen for a second hanggang sa makalapit siya sa akin. She grabbed my arm saka ako hinila palayo kay Terrence. "Ma'am." Rinig kong sabi ni Terrence matapos niya akong makitang nasaktan. He was about to pull me too pero Mommy gave him a warning look and I just nodded at Terrence saka mahinang umiling, pinigilan niya ang sarili niya at pilit na tumingin ng diresto sa amin. "M-Ma'am don't hurt her, please." pakiusap pa niya. "SHUT UP BASTARD!" sigaw ni Mommy sa kanya at doon agad namula ang mukha ni Terrence, agad kong winaksi ang kamay ni Mommy saka lumapit agad sa kanya, I hold his hand saka bumulong. "P-Please control yourself, for me..." pakiusap ko saka ulit ako hinila palayo sa kanya ni Mommy. "I told you to stay away from him!" may galit sa mga mata niya "Pero anong ginawa mo? You disobeyed me! Hanggang kailan ka magiging ganito Znela?" matigas na sabi ni Mommy. "Wala kaming ginagawang masama Mommy!" sagot ko "Walang ginagawang masama si Terrence, he is a good person, if you will just let him show that to you I'm sure-" "SHUT UP!" sigaw niya saka ako hinila "We are going home!" tinawag ako ni Terrence, he tried to talk and plead my Mom but Mommy won't listen. Hinila ko ang braso ko ng mas malakas kaya nabigla siya sa tinuring ko. "I'M NOT GOING WITH YOU!" sigaw ko sa kanya at nakita ko na lumapit si Sam sa amin matapos niyang makita ang nangyayari. " MOMMY YOU CAN'T INTERFERE IN MY LIFE LIKE THIS! THESE ARE THE PEOPLE WHO I LOVE AND HIM!" turo ko kay Terrence "HE IS THE ONE WHO SHOWED ME EVERYTHING, EVERYTHING NA HINDI MO NAIBIGAY, HINDI NIYO NAIBIGAY, BINIGAY NIYA SA AKIN!" at isang malakas na sampal ang sinagot sa akin ni Mommy. Biglang nag-init ang magkabilang dulo ng mata ko hindi lang dahil sa sakit at hapdi ng sampal niya kundi sa pagkakapahiya sa ibang tao na nakakakita sa amin. I cupped my cheek na namumula na matapos ang ginawa niya saka siya tinignan. "Yan!" sagot niya sa akin na namumula na rin ang mukha dahil sa galit "Yan ang tinuturo niya sa iyo! I told you Znela, I told you, you can love anyone but not a man like him!" halos pumutok na ang ugat ni Mommy sa mukha habang sinasabi iyon. Umiling ako "I love him Mom. I love Terrence and I won't unloved him just because you said it!" pagmamatigas ko. I started to cry and begged at her. Yes, I will beg at her kung yung lang ang paraan para tanggapin niya si Terrence. "Zee..." lumapit si Terrence sa akin at naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. "M-Mom please, just this one, let me do what I want." Umiling siya kasabay ng paghagulgol ko. She pulled me away from Terrence saka ako hinila hila pasakay ng kotse. I was crying out loud and Terrence started to shout my name ng pigilan siya ng mga body guards na dala ni Mommy. Binuksan ni Mommy yung pinto sa may backseat at nabigla ako kung sino ang nakaupo doon "T-Theo?" he looked at me pero hindi ganun katagal "Y-You told Mom about it?" hindi makapaniwalang tanong ko. Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin at paglunok. "He just did what is right!" sagot ni Mommy saka agad na rin akong pinaupo sa loob. I saw how Terrence struggled na makalapit sa kotse namin pero wala akong magawa. I was crying from the inside at wala na akong ibang magawa kundi ang tignan siya habang papalayo kami sa kanya. I cried and shouted his name but the people inside the car didn't seem to mind. Umupo ako saka hinarap si Mommy "You fell in love too right?" umiiyak ko paring sabi "You knew how it feels, why are you doing this to me Mommy?" "Exactly!" sagot niya sa akin na matigas parin ang mukha "I exactly know the feeling Ela that's why ngayon palang, I am saving you from the pain..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD