Chapter 36
Znela
"N-NO! NO MOM PLEASE DON'T!" I cried after she pushed me inside my room, nakita ko ang pagsunod sa amin ni Theo mula sa kotse "M-Mom please. Please don't."
"I can't lose you too Znela. I can't." yun lang ang sinabi niya saka malakas na sinara ang pinto. I shouted and tried to open the door pero ni-lock niya iyon.
"M-Mom!" hampas ko sa pinto "M-Mom please, please open it." Maga na ang mga mata ko dahil sa walang tigil na pag-iyak. She collected my gadgets kahit pa yung laptop ko. I can't call Terrence and I know he is very worried right now. "Y-You can't lock me in here. Please Mom."
"Well, guess what Ela, I just did!" sagot niya mula sa labas. I started to beg at her. I started to pound the door hard pero hindi parin nagbago ang isip niya.
"Is it necessary?" rinig kong tanong ni Theo sa kanya "Tita, you can't lock her inside like that!"
"Thank you for your concern Theo but I can take it from here, you can go now!"
"B-But Tita!"
"THEO!" kahit ako napatigil sa paghinga dahil sa pagsigaw niyang iyon "Don't mess up with me dahil kapag ako ang nagalit kahit Lolo mo walang magagawa." Napalunok ako dahil doon. Narinig ko ang paglakad palayo ni Theo.
"M-Mom. Mom please, please pag-usapan natin ito." Pagmamakaawa ko.
"Wala na tayong dapat pag-usapan Ela." Sagot niya "You broke my law and you'll suffer from the consequences..."
"I LOVE HIM!" sigaw ko saka pinunasan ang pisngi "I LOVE TERRENCE, I LOVE HIM SO MUCH MOM!"
"You can't..." sagot niya, umiling ako saka mas lumapit sa pinto
"No, I can and I am free to do that. He is a good man, he can show you that, just let him, let him show you that!"
"He can't change anything, even you, even you Znela..." she assured me and I heard her footsteps away from the door.
Dahan dahan akong napaupo habang nakasandal sa pinto. I started to cry again, I want to talk to Terrence, I want to hear his voice, kahit boses niya lang, kahit yun lang. H-Hindi ko alam ang gagawin, natatakot ako, nalilito, I can't make any decisions right now! I just want to talk to Terrence, I just want to see him!
-----------
Terrence
"What happened?" bungad sa akin ni Ate Maria matapos kong umuwi sa bahay na may pasa sa pisngi. She checked it pero agad kong nilayo iyon.
"They took her!" agad kong sagot sa kanya, lumapit ako kay Kuya na nakatayo at nakatingin sa amin "They took Znela!"
"WHAT?" he asked
"Kuya, I have to get her back!"
"H-Hindi ko maintindihan!" sagot ni Ate "Who took her?"
"Her Mom!" sagot ko habang hindi mapigilan ang pag-aalala "W-We were just heading to my c-car when her m-mom suddenly arrived and caused a scene. I didn't have the chance to protect her!"
"Sinong gumawa sa iyo nito?" may galit na tanong ni Kuya.
"Hindi na yun ang mahalaga, ang mahalaga ngayon ay si Znela. I saw how her Mom hurt her! I can't contact her by all means, I'm worried!" I looked at my brother's eyes saka nakiusap "P-Please, please help me get her back!"
"T-Terrence we can't just go in there at kunin siya mula sa sarili nilang pamamahay!" sagot ni Kuya, I shook my head saka ginulo ang buhok ko. I don't know what to do, I want to see her. I want to hear her voice. I want to hug her and tell her she'll be alright pero paano? Paano!?
"We will take care of your wounds first!" rinig kong sabi ni Ate saka nagpakuha ng mga gamot. She calmed me pero hindi ko maiwasang mag-alala. Pinagpapawisan ako ng malamig at hindi mapakali.
"T-Tell me ano ang dapat kong gawin?" parang mababaliw na tanong ko kay Ate "I saw how she hurt her!" ulit ko "She was crying Ate! She was calling my name pero w-wala akong nagawa." Biglang bumigat ang pakiramdam ko dahil doon "W-Wala akong nagawa habang umiiyak siya at tinatawag ako!"
"It's not your fault." Hinawakan ni Ate ang kamay ko "They had you guarded, we will call her Mom and try to make amends. We will help you, I promise." Umiling iling ako saka tumayo.
"It wouldn't go that way!" sagot ko "Her mom, she will not make amends, ayaw niya ako para kay Znela, ayaw niya ako para sa anak niya!" I closed my fist "You know why? Because I am a bastard! I am a f*****g bastard!"
"TERRENCE!" sigaw ni Kuya sa akin, hinawakan niya ang magkabilang balikat ko saka tinignan ako sa mga mata.
"We never treated you that way! Alam mo yan!" natahimik ako at napaiwas ng tingin "I never looked at you that way!" he cupped my neck saka hinuli ang tingin ko "You're my brother! The blood flowing in my veins is the same as yours." I took a deep breath saka siya tinignan "I will help you, okay?"
Ilang minuto. Ilang oras pero wala paring nangyayari. I called Sam and she is here right now. Kahit siya hindi pinapapasok sa bahay nila Znela, she can't call her too. She's worried, just like me. Kanina pa gumagawa ng phone calls si Kuya, I saw how he tried to contact the Jimenez but from the looks of him nothing has worked out yet.
"Maybe the foods will help you two!" tinignan ko ang dalang pagkain ni Ate, I refused it saka agad ng kinuha ang susi ng kotse ko "WHERE ARE YOU GOING?" agad niyang hinawakan ang braso ko para pigilan ako.
"I'M GOING TO GET HER BACK!" sagot ko saka tinanggal iyon, Kuya stopped me.
"TERRENCE CALM YOUR SENSES!" he shouted at me "Hindi makakatulong ang gagawin mo, sa tingin mo papapasukin ka nila doon? Sa tingin mo magdadalawang isip silang ipabugbog ka kung ipagpipilitan mo ang sarili mo?"
"Hindi ako natatakot!" sagot ko sa kanya
"USE YOUR HEAD!" sigaw niya sa akin kaya ako napalunok dahil doon "Right now all you can do is to wait. Wait until we find a way to get her back!"
----------
Znela
The room was dark so was my feeling. I never stop crying since my mom brought me back here. Nakaupo ako sa isang gilid habang yakap ang mga tahod. I was just staring at my wall thinking how can I escape this prison that my Mom created.
I hate her! I hate her for being manipulative! I hate her. I hate her for being hypocrite! She acts strong, she acts powerful but behind those images hindi niya parin kayang iwan ang Daddy ko, hindi niya parin kayang tanggapin na hindi na mabubuo ang pamilyang ito matapos niyang magbulag-bulagan at bingi-bingian sa mga kasalanang ginawa ni Daddy!
I can hardly breathe dahil sa pag-iyak. Maga at mahapdi na rin ang mga mata ko. I looked at the door matapos makarinig ng katok mula sa pinto sunod nun ang pagpihit at pagbukas noon.
"Y-Yaya..." halos walang boses kong tawag sa kanya.
"ZNELA!" agad niyang nilapag ang dalang pagkain saka ako mabilis na niyakap. I cried in front of her habang hinahaplos niya ang buhok ko. "A-Anong ginawa niya sa iyo?" tanong niya sa akin
"P-Please help me!" pakiusap ko habang patuloy sa pag-iyak.
"Kumain ka Iha!" alok niya at doon ko nakita ang mga gamot sa tabi ng pagkain ko "Parang awa mo na, kumain ka!" umiling ako saka tumingin sa malayo
"I want to s-see him." pakiusap ko sa kanya habang nakatulala "I want to see T-Terrence, please Yaya. Please..."
"Anak, patawad." Sagot niya sa akin umiling ako at malakas na umiyak ulit, ang sakit. Ang sakit sa dibdib. Para akong mahihimatay kahit anong oras dahil sa panghihina. Yaya tried to help me stand up pero natutumba lang ako sa kanya.
I am starting to feel weak. My legs aren't strong enough to stand up, nahihilo na rin ako at parang iniikot at pinipiga sa sobrang sakit ng ulo. She handed me a glass of water at pinainom niya ako nun. I held her hand saka tinignan siyang mabuti.
"I c-can't stay here..." I almost whispered "I want to talk to Terrence, a-alam ko...A-Alam kong nag-aalala na siya please. Please Yaya..." nakita ko ang awa sa mga mata niya "I love h-him and I want to fight for him. P-Please don't let Mom do this to us..."
Naramdaman ko ang paghawak niya sa pisngi ko saka saglit na ngumiti. Nilabas niya ang mumurahin niyang cellphone saka inabot sa akin. Agad akong napangiti at inabot agad iyon "I p-promise, I'll make it quick!"
I dialed Terrence number at nagpapasalamat ako dahil sinagot niya agad iyon.
"T-Terrence!" agad kong sabi
"Z-Znela?" nahawakan ko ng mahigpit ang phone saka napapikit matapos marinig ang boses niya. I was crying habang nagsasalita "Z-Znela sabihin mo, ikaw ba yan?" rinig kong sabi niya, agad akong napatingin sa pinto matapos marinig ang papaakyat na si Mommy.
"O-Oo, ako to. Please don't worry, I'll find a way para makapunta sa iyo!"
"N-No, don't make any actions that will put your life at risk!"
"T-Terrence don't worry, okay? Kaya ko ang sarili ko, we'll see each other soon!" at bigla kong nabitawan ang phone ng hinila ni Mommy ang braso ko. I shouted and cried because of that. She pushed me matapos sampalin si Yaya. Nanlaki ang mata ko matapos makita ang ginawa niya!
------------
Terrence
"O-Oo, ako to. Please don't worry, I'll find a way para makapunta sa iyo!"
"N-No, don't make any actions that will put your life at risk!"
"T-Terrence don't worry, okay? Kaya ko ang sarili ko, we'll see each other soon!" agad akong napatayo matapos marinig ang ingay mula sa kabilang linya. Sam, Ate and even Kuya's eyes were on me. Kinakabahan ako, sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya.
Lumapit si Ate sa akin but all I have to do is to listen to them "Z-ZNELA!" sigaw ko sa phone "ZNELA!" natahimik ako matapos marinig ang boses niya ulit
"YOU DON'T HAVE TO HURT YAYA!" malakas niyang sigaw "YOU DON'T TO HURT EVERYONE WHO'S AROUND YOU JUST BECAUSE YOU WERE HURT!"
Palakad lakad ako ng pabalik balik. Hindi alam ang gagawin at pinagpapawisan ng malamig. "Z-Znela, please don't turn off the phone, p-please talk to me, anong nangyayari diyan?" paulit ulit kong pakiusap
"HINDI NA KITA KILALA MOMMY! HINDI NA KITA KILALA! AT ALAM MO KUNG ANONG TINGIN KO SA IYO NGAYON? HUH? YOU'RE A MONSTER!" at napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang malakas na kalabog mula sa kabilang linya.
"W-What happened?" tanong ni Ate matapos makita ang mukha ko
"I d-don't know." Sagot ko na parang hangin lang na lumabas sa bibig ko, I started to become frantic ng marinig ko ang sigawan mula sa kabilang linya. Para akong mababaliw sa sobrang kaba, sa sobrang takot. "ZNELA! ZNELA! WHAT HAPPENED?" sigaw ko at kung pwede lang pasukin ko sila mula doon gagawin ko!
Bigla akong nararinig ng maraming boses, dinig ko din ang biglang pag-aalala ng Mommy ni Znela habang inuutasan ang ilang tao niya. "ZNELA! ZNELA!" I shouted at doon ko narinig ang boses ng yaya niya
"T-Terrence..." nanigas ako dahil doon
"S-Si Zee? A-Asan siya?"
"Terrence, nawalan ng malay si Znela, tinakbo siya sa ospital, dalian mo anak! Dalian mo, kailangan ka niya!"