Chapter 37

2167 Words
Chapter 37 Znela I woke up inside the hospital, naramdaman ko na may nakahawak sa kamay ko at unti-unti akong napangiti ng makita ko kung sino iyon. "T-Terrence?" agad akong bumangon saka siya niyakap. I looked at my left hand kung saan nakatusok ang dextrose, I am also wearing a hospital gown. "What happened?" tanong ko sa kanya but Terrence didn't removed his arms around me. Mahigpit ang yakap niya. Sobrang higpit na parang iyon na ang huling pagkakataong magagawa niya iyon. "How do you feel?" he asked me while caressing my hair. He planted kisses on it hanggang sa noo ko, I smiled at him. "I'm good, umuwi na tayo!" nabigla ako ng mabilis niyang hinawakan ang magkabila kong kamay. Nakayuko siya at hindi makapagsalita "W-Why? What's wrong?" tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla siyang umiyak sa harap ko. He hugged me saka siniksik ang mukha sa beywang ko. Nalilito ako sa ginagawa niya "B-Bakit? What's wrong?" paulit ulit kong tanong. I cupped his face saka hinuli ang mga tingin niya "Look, I'm okay and I told you, there's nothing you have to worry about. We can go home now." He didn't answer me. He just look at me in the eye at doon ko nakita ang lungkot sa mga mata niya. "T-Terrence?" I asked him "What is it?" Sabay kaming napatingin ng bumukas ang pinto sa kwarto. It was Mom kasama ang isang Doctor. I also saw Sam, I smiled at her but she didn't smile back, umiwas siya ng tingin matapos pasimpleng punasan ang mukha niya. "I want to go home!" agad kong sabi ni Mommy "I'm okay, I feel good." Pagsasabi ko sa kanila. Lumapit ang Doctor sa akin saka chineck ang vital signs ko. "You are going to release me na, di ba?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya kay Mommy. "Ela..." tawag sa akin ni Mommy, mas mababa ang boses niya at kalmado "I'm afraid that you have to stay here longer..." "W-What? Why?" tanong ko "I feel normal. Headaches were gone!" sagot ko naman. Hinawakan ni Terrence ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Iha, you have to undergo in a surgery." Sabi ni Mommy at doon ko unang nakita ang pagtutubig ng mata niya "We have to do it for y-you." She said "Surgery?" bigla akong natawa "For what? Mom, I'm good, okay lang ako! Ano ba? B-Bakit hindi niyo na lang sabihin kung ano ang mali, bakit paliguy-ligoy pa kayo?" may inis ko ng sabi. "Calm down Iha, calm down." Alo sa akin ng Doctor "It will worsen your condition kung patuloy kang mag rerelease ng heightened emotions." "So what now? I'm not allowed to feel anything?" "Ela makinig ka sa Doctor para sa iyo ang ginagawa namin!" sita sa akin ni Mommy. "Then tell me! Tell me kung ano ang sakit ko!" I dared them saka lumunok, tumango si Mommy sa Doctor at doon ko siya nakitang nagsalita. "Severe headaches; memory problems; mood and personality changes; balance and walking problems. Tell me iha lahat ba yun nararamdaman mo?" I looked at them. "O-Opo but it was normal, lahat yun nawawala sa tuwing iinom ako ng gamot!" sagot ko naman "You also experience changes in speech, vision, or hearing, right?" nakatulala ako habang tinatanong niya iyon, I, I r-remembered a few times na na experience ko iyon pero wala lang iyon di ba? Baka dahil sa over fatigue lang di ba? Tumango ako sa Doctor ng wala sa loob. "Those were the symptoms of having a brain tumor..." Bigla akong napabitaw kay Terrence. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo matapos niyang sabihin sa akin iyon. I was shaking my head habang namumuo ang tubig sa mga mata. Terrence tried to hold me pero inalalayo ko ang kamay niya. "S-So you're saying that I am sick?" tanong ko sa Doctor sabay ng pagtulo ng mga luha ko, I shook my head "H-How sure you are?" "Ms. Jimenez, we run some diagnostic tests and it all points out to one thing. Brain tumor." I broke down matapos marinig ang confirmation nun. "Kung hindi ka agad sasailalim sa surgery mas lalo mo lang nilalagay ang sarili mo sa panganib. Your life is the most valuable thing we are after." "Is t-there a chance of survival?" tumingin siya kay Mommy bago ako sinagot. "A minimal chance." Tinignan ko siya "But the important is, there is a chance!" dagdag niya. "So you're t-telling that I w-won't last that long?" tanong ko kaya lumapit si Mommy sa akin agad at hinawakan ang kamay ko. "Ela, gagawin ko ang lahat para gumaling ka!" she assured me "Everything Ela, everything, w-wag ka lang mawawala sa akin..." she cried in front of me and hugged me tightly. "Unti-unti mag-de-deteriorate ang abilities mo. From speaking, hearing, walking. Lahat maaapektohan, the way you think, the way you make decisions, your emotions." Rinig kong sabi ni Doctor "We have to do something bago pa ito lalong lumala..." "A-After the surgery, after I went through all of that, a-anong mangyayari?" "The best result we are hoping to is that, you live." Sagot niya sa akin, yumuko siya saglit saka ako tinignan ulit "But cases like memory lost, unable to walk and speak were the common side effects during the early stages pero mapag-aaralan mo ulit yun, maibabalik mo ulit yun with the help of some therapies." Bumuga siya ng hangin "It is better to you start again in your life than to lose it now." Napatulala ako matapos ang sinabi niya. Lumabas na siya ng kwarto at para akong lutang matapos malaman lahat. "I w-want to walk!" nakatulalang sabi ko, kumapit ako kay Terrence pero parang lantang gulay na ang mga binti ko. I cried. I cried a lot habang yakap yakap ako ni Terrence. He hugged me, tightly at ramdam ko, ramdam ko na kahit siya nahihirapan sa situation ko. "I c-can walk. I'm normal. I'm normal..." paulit ulit kong sabi hanggang sa tuluyan na akong napaupo sa sahig. Sam was looking at me, crying. Lahat sila, puro awa ang nakikita ko sa mga titig nila. "AHHHH!!!!!!" sigaw ko matapos itapon lahat ng mahawakan ko. "Zee...Z-Zee.." Terrence was trying to calm me down pero sinigawan ko siya, pinaghampas hampas ko siya pero niyakap parin niya ako. Niyakap niya parin ako at pinaramdam niya na andyan parin siya para sa akin "Andito lang kami, gagaling ka. G-Gagaling ka!" "YOU DON'T UNDERSTAND!" sigaw ko sa kanya "Unti unti ng kinukuha sa akin ang lahat! Lahat lahat! I may live after the surgery pero hindi na magiging tulad ng dati ang buhay ko! THIS f*****g SICKNESS WILL TAKE EVERYTHING FROM ME! LAHAT NG PINAGHIRAPAN KO! LAHAT NG PINAGPAGURAN KO!" I was uncontrollable. Mommy was just standing beside the wall "T-Terrence. Yun na lang eh. Y-Yun na lang ang meron ako. Memories, abilities p-pero kukunin din pala sa akin. B-Bakit? Bakit? Anong nagawa kong kasalanan? A-Anong nagawa kong mali? Bakit ako pinaparusahan ng ganito?" "H-Hindi totoo yan!" Terrence answered me "Mawala na ang lahat lahat pero ako Znela, hinding hindi ako mawawala sa iyo. Mawala man ang mga paa mo, ang memorya mo nandito ako para tulungan kang tumayo, tulungan kang makaalala. Zee..." hinawakan niya ang kamay ko "Hinding hindi kita iiwan..." "L-Leave me..." pakiusap ko, tinignan nila akong lahat "P-Please, I want be alone...Please..." Sumandal ako sa kama saka tumulala. Walang tigil ang pagpatak ng luha sa mga mata ko, parang hindi mauubos. Parang walang katapusan. I hugged me knee saka umiyak pa ng umiyak. Gusto kong tanungin ang Diyos kung bakit niya ginagawa sa akin ito? W-Wala naman akong tinapakang tao! Wala naman akong sinaktang iba, pero bakit? Bakit niya ako pinaparusahan ng ganito? All my life wala akong ginawa kundi sundin ang magulang ko. All my life ginawa ko ang lahat para maabot ko kung ano ang meron ako. All my life, a-all my life I fought in order to survive pero bakit? Bakit kung saan ramdam ko na, na kita ko na ang mga pinaghirapan ko saka niya lang kukunin ang lahat? Bakit? Mali ba na mahalin ko si Terrence? Mali ba tumayo ako at panindigan ang desisyon matapos malaman ang ginagawa ng mga magulang ko? Mali ba na itama ko ang baluktot nilang pag-iisip? H-Hindi ko alam. Hindi ko alam. Ilang araw na rin ang lumipas, tuloy ang medication ko dito sa hospital. Tulala ako parati at walang ganang kumain. Ayaw kong makita si Mommy o kaya si Daddy. Ayaw kong makakita ng ibang tao but Terrence never left my side. Inaalalayan niya ako. Inaalagaan. Siya ang naging paa ko habang mahinang mahina at hindi ako makatayo. Siya ang nagpapaalala sa akin na kailangan ko uminom ng gamot sa tuwing makakalimutan ko iyon. Hindi ko maiwasang hindi maiyak sa tuwing haharap ako sa salamin. Kita ko, ramdam ko ang paghina ng buo kong katawan habang tumatagal. "A-Anong nararamdam mo?" biglang tanong ni Terrence matapos akong makaramdam ng pagsusuka, agad siyang tumakbo para kumuha ng plastic basin saka ako doon pinaduwal. He wiped my lips saka pinainom ng tubig pagkatapos nun. Ilang gabing wala rin siyang tulog dahil sa pagsisigaw ko sa tuwing lalamunin ako ng matinding sakit ng ulo. "AHHH! AHHH!" sigaw ko ng parang minamartilyo iyon sa sakit "M-Masakit...M-Masakit!" paulit ulit kong iyak. Terrence never left my side. Sa tuwing sisigaw ako, sa tuwing iiyak ako, andun siya para damayan ako. Nagising ako at nakita ko siyang natutulog sa bedside, nakapatong ang ulo habang hawak ang mga kamay ko. Natulala ako at napatingin sa kanya. He looked stress, tulad ko. Marahan kong hinaplos ang buhok niya. "Y-You should go..." mahina kong bulong sabay ng pagtulo ng mga luha ko "You shouldn't tie yourself to me...I'm j-just holding you back..." Inangat niya ang ulo niya saka mabilis akong nagpunas ng luha. I cleared my throat saka nagsalita "How are-" "Leave me Terrence!" matigas kong sabi "B-Bakit? Na-CCR ka ba? Sabi ko naman sa iyo wag kanang mahiya-" "I said leave me, for good..." pilit kong nilakasan ang loob ko "W-Wala ka ng mapapala sa akin. Wala na akong silbi Terrence..." "Ano bang sinasabi mo?" tanong niya saka hinawakan ang kamay ko, iniwas ko iyon. "AYAW NA KITANG MAKITA! AYAW NA KITANG MAKASAMA! UMALIS KANA!" sigaw ko at di na napigilan ang pag-iyak "W-Wala na Terrence, wala na. I'm useless, pabigat, alagain! Wala na akong silbi and I don't want to see you dahil sa tuwing nakikita kita mas lalo kong nararamdaman na wala na akong kwenta!" "Z-Znela, hindi totoo yan!" sagot niya sa akin "Leave me!" tulak ko sa kanya palayo "Hindi na pagmamahal ang nararamdaman mo, awa na lang at hindi ko kailangan yun ngayon. Please, umalis kana!" Nakita ko ang pagluha niya matapos ang sinabi ko. He shook his head "Alam mo kung ano ang mali sa iyo? Yang pride mo na hindi mawala wala! Nandito ako para alagaan ka! Nandito ako para tulungan ka! Oo Znela nahihirapan ka pero nahihirapan din ako!" "KAYA NGA UMALIS KANA!" sigaw ko "UMALIS KANA KUNG PAGOD KANA! UMALIS KANA KUNG NAHIHIRAPAN KANA!" "H-Hindi ko kaya..." sagot niya sa akin saka tumingin sa malayo, this is the first time I saw Terrence crying, umiiyak siya, sa harap ko. S-Sa harap ko! "Hindi ko kayang iwan ka! Hindi ko kayang nakikita kang ganyan! Hindi ko kayang mawala ka! Kaya kahit ilang beses mo akong ipagtulakan, hindi ako aalis Znela! Hindi kita iiwan!" Doon biglang bumukas ang pinto. Sam arrived napatulala siya matapos marinig ang sigawan naming dalawa. I looked away nakita ko kung paano niya bulungan si Terrence. Terrence went outside the room at doon lumapit si Sam. "Zee..." hindi ko siya pinansin, nilapag niya yung bulaklak at prutas na dala niya. "Miss na kita. Tignan mo, kinuha ko na yung graduation pictures natin." Saka niya nilabas yung mula sa brown envelope "Tignan mo, a-ang ganda ganda mo oh!" hindi na rin niya napigilan ang pagluha matapos niyang sabihin iyon. Tinignan ko siya "Z-Znela lumaban ka, hindi lang para sa sarili mo, para sa amin, kay Terrence..." pakiusap niya "Wag mong iisipin na wala kang kwenta dahil kahit kailan hindi totoo yun." Hinawakan niya ang mga kamay ko "Zee, ikaw lang ang nag-iisang kaibigan ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung mawawala ka!" "Tignan mo!" turo niya sa creative shot namin "Ang saya saya natin di ba? Maibabalik pa yan, m-maniwala ka!" kumbinsi niya sa akin "Don't push Terrence away, he loves you, he loves you very much..." "M-Mahal na mahal ko rin siya kaya hindi ko kayang makita siyang ganyan. Sam, a-ayaw kong maging dahilan para mahirapan siya. A-Ayaw ko ng nakikita siyang ganito....M-Mas nahihirapan lang ako..." She wiped my tears saka nagsalita "That's part of love and you are so lucky because you found the true love na hindi nahahanap ng karamihan. Terrence is willing to sacrifice para sa iyo dahil mahal ka niya, don't push him away Znela, sabay kayong lumaban. Sabay niyong lampasan ito..." Sam hugged me tightly "Don't hurt him by pushing him away. By leaving him behind." Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko bago nagsalita ulit "The worst mistake you can make is walking away from the person who actually stood there and waited for you..." she cupped my face and smiled at me "Magpakatatag ka Znela. Magpakatatag ka..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD