Chapter 12

2336 Words
Chapter 12 Znela Umupo kami sa isang bench malapit sa soccer field, madilim na at wala ng tao gaano sa paligid. Malamig ang hangin at nakatulala parin ako sa maliwanag na field, bukas lahat ng ilaw doon kaya naman makikita mo ang mga varsity players na nagpa practice at exercise doon. Inabutan niya ako ng bottled water matapos kong mahimasmasan. Yumuko ako saka natahimik ulit. “Ilabas mo lang kasi kung lalo mong kikimkimin, mas lalong sasakit. Parang sa utot lang yan, kung hindi mo ilalabas, mas lalong mananakit ang tiyan mo!” sabi niya saka ngumiti ng nakakaloko. “Gusto mo bang pagaanin ang kalooban ko o gusto mong mainis nanaman ako sa iyo dahil ang gross ng example mo?” tanong ko sa kanya that made him laugh. “I guess you’re fine now…” he finally said saka mas lalong lumapit sa akin. I looked at my wrist watch at malapit ng mag 9 pm, isasara na ang school maya-maya kaya dapat na rin kaming umuwi. After my breakdown kanina, I think medyo gumaan ang loob ko. I suddenly felt guilty dahil sa ginawa ko sa kanya. I was harsh towards him. I. I actually wanted to apologise pero hindi ko kaya. “I have to go!” tayo ko saka kinuha ang bag ko, nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya saka ako hinawakan sa may braso. “You don’t need to run now…” mahina niyang sabi pero rinig ko. Napalunok ako kasabay ng paggalaw ng buhok ko dahil sa hangin, I slightly bowed down dahil natutusok na ng buhok ko ang mga mata ko. Binitiwan niya ang braso ko saka ako hinarap, pinagmasdan niya ako saglit bago tinanggal ang baseball cap na suot niya. “W-What are-“ nanlaki ang mga mata ko matapos niyang hawiin ang buhok ko saka ipasok sa may butas ng baseball cap hanggang sa maisuot niya ng maayos iyon sa may ulo ko. I gulped and looked at him at doon ko nakita ang dahan-dahan niyang pagngiti “Terrence stop-“ “You’re beautiful, bakit tinatago mo ang mukha mo behind those hair strands?” tanong niya saka binulsa ang mga kamay. I looked away at ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko pati na rin ang pag-iinit ng mukha. I cleared my throat saka hinawakang maigi ang bag. “Hatid na kita!” alok niya, I shook my head. “I’ll just take a cab…” sagot ko saka nakayukong naglalakad “I INSIST!” sigaw niya pero di ko na siya nilingon. Narinig ko na lang na pinaandar niya ang motor niya at napatingin na lang ako ng mabilis niyang pinaandar iyon. Tignan mo ito! Kala ko ba he insists pero mabilis rin umalis! I breathe out and continued walking ng biglang may humintong van na nasa harap ko. Van yun ng school, yung sasakyang may malaking logo ng school. Someone pushed the horn at napatigil ako “Miss Jimenez sakay na po kayo…” the driver said kaya nabigla ako, tinuro ko ang sarili ko and he nodded at me “Utos po ni Sir Villaflor, ihahatid kana namin sa bahay niyo, mahirap na pong kumuha ng taxi ng ganitong oras, hindi na po safe…” “But that vehicle is for school affiliations only!” sagot ko “Don’t worry po si Sir Terrence naman po ang nag-utos…” sagot niya at napaawang na lang ang bibig ko “Sige na Miss, baka kasi pag di kita naihatid ako pa mawalan ng trabaho!” “What?” “Sabi kasi ni Sir kung di daw kita napapayag bukas na bukas din wala na akong trabaho…” sagot niya sa akin na parang may kaba pa sa mga mata “Kaya sige na Miss, ihahatid na kita!” I breathe out ng sobrang haba saka pumikit. Terrence, you bully! ------ “We have to talk!” bungad sa akin ni Mommy ng bumaba ako for breakfast. “Next time na lang busy ako!” sagot ko saka umupo sa chair, my yaya served me some food ng nagsalita ulit si Mommy. “It’s for your future, we need to talk Znela!” tinignan ko siya saka medyo siningkitan ang mga mata. “What do you want this time?” I asked her matapos mapuno. “Your Dad is trying to show his bastard child in the public!” diretsong sabi ni Mommy “I am worried na maapektohan ang negosyo natin at-“ “Yan!” putol ko sa sinasabi niya “Dyan ka naman magaling eh, sa negosyo, bakit hindi mo naman ako isipin? Ang nararamdaman ko? ni Daddy? Nung anak niya? T-Teka bakit mo nga pala sila iisipin eh ako nga na sarili mong anak wala kang panahong isipin eh, puro ka na lang negosyo!” “YOU DON’T UNDERSTAND ME!” matigas niyang sabi sabay hampas ng table, natigilan ang mga katulong namin at napayuko “I AM DOING THIS BECAUSE OF YOU! I AM DOING THIS FOR YOU! ONLY FOR YOU ZNELA!” she shouted at me at kitang kita ko ang paglabas ng ugat niya sa leeg. She tried to calm her breathes saka saglit na pumikit. Umayos siya ng tayo and cleared her throat bago ulit nagsalita “I want you to prepare, I want you to show everyone that you’re the legitimate daughter and you will always be the rightful owner, ikaw lang Ela...Ikaw lang…” “Alam ko na yan, you always kept on repeating pero ang pinagtataka ko, bakit yung fact na may anak si Daddy sa ibang babae, tinago mo!” Nanggigigil ko na ring sabi saka tumayo. “Why? Bakit mo tinanggap na lang na may ibang babae si Dad? Akala ko ba lahat ito para sa akin? Then bakit mo hinayaan na mangyari ang lahat wherein-fact alam mo na ganito ang magiging reaction ko? Are you out of your mind?” “T-tinanggap ko yun dahil ayaw kong masira ang pangalan natin…” mabilis niyang sagot sa akin “I accepted and hid that your Dad committed adultery dahil ayaw kong masaktan ka! Ayaw kong maramdaman mo na hindi ka sapat, na may kahati ka, na may-“ “NONSENSE!” I yelled at her “Noon pa man ramdam ko na hindi na ako sapat Mom, na may kahati ako sa iyo, sa inyo. Negosyo na laman lang ng utak mo! Utak ni Daddy!” “Your Dad and I were married because of business…” nabigla ako sa sagot niya, I never know about that. “There was no love in the beginning, your Dad was supposed to marry my sister but a tragic accident happened and we lost her…” she confessed. “Ako ang pinakasal sa kanya, ako ang pinalit. We can’t stay in the same place d-dahil magkaiba kami ng gusto, he has a girlfriend, I have mine. P-Pero natutuhan ko siyang m-mahalin before you came, G-God knows that!” I suddenly saw the sadness on her eyes, ngayon ko lang siyang nakita na ganyan, napalunok ako at umiwas ng tingin. I feel uncomfortable with this topic. I want to end this conversation now. “A-Anak…” lumapit siya sa akin and to my surprise hinawakan niya ang kamay ko at nagpipigil na umiyak sa harap ko “I’m s-sorry. I’m sorry for all the mistakes I have done, I’m sorry sa lahat ng pagkukulang ko and I want you to know that I am lucky and happy to have you as my daughter, ikaw na lang ang sasabi kong akin Ela, ikaw na lang…” “M-Mom…” “I want you to be best because I don’t want people to look down at you! I want you to be the first in everything because I don’t want you be just a second choice! I want you to excel in everything, be the best, not just the second best! I trained you! I even forced you pero lahat yun para sa iyo, I want you to be perfect dahil ayaw kong matulad ka sa akin…” And she paused “A-Ayaw kong matulad sa akin na naging second choice lang, ayaw kong matulad ka sa akin na naging pamalit lang…” “M-Mom…” “If I was just smarter than my sister, if I was just more beautiful than your Dad’s ex, if I was just the best in the field I am taking hindi s-sana ako naging second choice lang…” napahigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko “I don’t want to happen that to you…”she said at napatulala ako matapos tumulo ang mga luha niya habang nakatingin siya sa akin “Pasensya kana if I am forcing you to be best in everything but I have reasons, reasons that I am holding on to para palakihin ka ng ganyan…” “I don’t care kung ako lang ang maging-“ “Shhh! Don’t say that you don’t care because Ela, you should care!” she gave emphasized to that “Your future depends on it and it’s the only way para hindi ka masaktan, hindi ka matapakan, you should be the superior, the powerful one!” “M-Mom…” “Wag kang magpapatalo sa isang bastardo…” she said saka binitawan ang mga kamay ko “In the first place, wala silang karapatan na mag-exist sa mundo!” saka niya ako tinalikuran. I took a deep breath saka kinagat ang pang-ibabang labi. I looked at my yaya with worriedness saka naupo saglit matapos makaramdam ng pagkahilo. “Kaya mo bang pumasok Iha?” tanong ni Yaya and I nodded at her “Just let me rest for a while, i-uupo ko lang ito…” ------ “Miss Jimenez? Miss Jimenez?” at nabigla pa ako matapos akong tawagin ng professor ko “Where’s your lecture? I told everyone na dapat printed out yung lecture na in-upload, do you have it?” tanong niya at bigla kong naalala na wala pala akong na print out na lecture for today, I opened my bag para maghanap ng lecture na pwede kong ipakita ng biglang nagsalita si Terrence. “She does!” sabi niya saka nilagay sa desk ko yung bond papers na may printed na slides na topic namin ngayon. “Ikaw Mr. Villaflor, meron ka ba?” tanong niya and Terrence scratched his nape. “Nakalimutan ko Ma’am eh!” sagot niya saka ngumiti pa. “You know the rules Mister, no exemptions!” sabi ng prof kaya tumayo si Terrence sa harap kasama ng mga classmate ko na walang notes. Napatingin ako sa kanya and he just winked at me. Sumandal siya sa may whiteboard at narinig ko ang pagbulong ng mga classmate ko mga babae. Hindi sila matigil kaya naman nagsalita ulit si Ma’am. “I think you stand at the back, masyado mong pinapasaya ang mga classmate mo Mr. Villaflor, nakaka-distract kana!” and he raised his hand and cutely smiled to everyone saka naglakad sa papunta sa likod. “Stand at the back until the class ended!” sabi pa ng prof. ------ “You shouldn’t have done that!” sabi ko agad sa kanya as soon as he sat down beside me ng makalabas na ng prof namin para sa subject na iyon. “What?” tanong niya saka sumandal pa sa upuan na parang nilalasap pa iyon. “You saved me, again…” sabi ko ng mahina “I told you hindi mo kailangang gawin iyon, ayaw kong mabaon sa utang na loob sa iyo, hindi ko alam kung paano ko mababayaran yun at-“ “Naniningil ba ako?” tanong niya saka ako tinignan. “W-What?” “Tinatanong kita kung naniningil ba ako!” ulit niya at napalunok na lang ako. “K-Kahit na-“ “See! Hindi naman kita sinisingil bakit nag-wo-worry ka? Besides kayang-kaya mo namang ibigay yung hihilingin kong kapalit eh, in case…” saka siya ngumisi. I narrowed my eyes on him kaya medyo umatras siya “Joke lang shempre!” bawi niya agad saka nilagay ang kamay sa may batok at napikit. “Zee!” tawag sa akin ni Sam, tumayo ako saka lumapit sa kanya. She embraced me saka hinawakan sa magkabilang balikat “I hope you’re okay!” sabi niya saka ngumiti “I am…” mahina kong sabi “Are you convincing me? Or yourself?” tanong niya, hindi na lang ako sumagot “Okay fine! Let’s eat, treat ko!” ------- Sam has to go home early dahil magkakaroon sila ng family dinner. I envied her for having a good family like that. I decided to stay at the university’s library para mag-review na rin, palapit ng palapit ang contest, I should be prepared! I solved several math problems and I found it easy! Huminga ako ng malalim saka nagpahinga muna. Pinatong ko ang kamay ko sa may dalawang layers ng books enough na taas na para mai-rest ko ang ulo ko ng maayos. I closed my eyes for a bit matapos kong makaramdam ng pagbigat nun. I never expected to face this kind of problem. Super depressing to the point na muntik na akong mag commit ng suicide but I realized that there’s more in life na dapat kong maramdaman o maranasan man lang and suicide is out of the question. “Pst!” naalimpungatan ako matapos may kumuwit sa akin “Pst!” tawag niya ulit kaya naman tinaas ko na ang ulo ko ng dahan-dahan, blurry pa ang mga mata ko kaya naman di ko makita ng maayos ang mukha ng nasa harap ko pero ng unti-unti ko ng nakikita kung sino yun, mas pinili ko na lang pumikit ulit. “Alam mo bang muntik ng kunin ng librarian ang ID mo?” hindi ko siya pinansin “Thanks to me dahil napakiusapan ko siya kung hindi magrereport ka sa Discipline Unit ng wala sa oras, bawal matulog sa library, hindi mo ba alam?” “It’s the most peaceful place in the whole university pero ng dumating ka naging mess na!” sabi ko saka padabog na kinuha ang mga libro, tumayo ako para ibalik yun sa shelves ng sumunod siya. “Sungit mo talaga no?” sabi niya habang nakatayo sa likod ko. Hindi ko siya pinansin kasi busy ako sa pagbalik ng libro “DAMN!” I cursed matapos hindi maabot yung pinakamataas na layer kasi dun yung proper place ng book. Kinuha niya yun sa akin saka pinasok dun ng walang kahirap-hirap! Okay siya na talaga ang super tangkad! “Help me please!” sabi niya saka ako tinignan “Three words, three syllables pero bakit ang hirap mong sabihin?” seryoso niyang sabi. Inirapan ko siya pero hinawakan niya ang braso ko. “If you need help, ask for it! If you need someone to talk to, ask for it! If you need a shoulder to cry on, ask for it! Damn it, if you need something, just ask for it! Bakit ba kinikimkim mo?” “Bakit ba nakikialam ka Terrence?” balik tanong ko sa kanya, I pulled my arm pero hindi niya binitawan iyon “I don’t do that! I don’t need to ask kasi kaya ko naman mag-sarili!” nakatingin lang siya sa akin habang nagsasalita ako “Bakit ba kinukulit mo ako, huh?” Nakita ko ang paglunok niya habang nakatingin sa akin ng diretso saka nagsalita “Ewan ko, b-bakit nga ba?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD