Chapter 41

1276 Words
Chapter 41 Terrence I've never been this happy, ngayon lang, ngayon lang na tinanggap ni Znela ang pangako ng pagmamahal ko sa kanya. Nagkaroon ng maliit na celebration sa kwarto niya, andoon sila Kuya, sila Ate, pati ang Yaya at driver niya. "It will be happier if Sam is around." Mahina niyang sabi pero rinig ko. I smiled at her saka hinawakan ang kamay niya. "She's happy, I know it, you know it..." sagot ko, napatingin siya sa malayo matapos ang sagot ko, umupo ako sa tabi niya saka hinawakan ang baba niya at hinuli ang tingin "Zee..." "T-Terrence..." rinig ko mula sa kanya "Thank you..." umiling ako saka ngumiti. "Thank you..." sagot ko sa kanya "You made me happy..." "I love you..." sagot naman niya sa akin "A-And the moment you told me everything, the moment you asked me to be with you forever, realized ko na, n-na gusto kong mabuhay nang mas matagal na kasama ka..." kumuwala ang ilang luha mula sa mga mata niya, ngumiti ako saka pinunasan iyon "I w-want to be with you forever, for t-the rest of my life, T-Terrence, T-Terrence gusto kong gumaling, gusto kong makasama ka..." Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit. Hinalikan ko ang labi niya saka hinawakan ang magkabilang kamay "Zee thank you..." "T-Terrence, I want to live, with you, I want to take risk, g-gusto kong makasama ka, g-gusto kong makasama ka ng mas matagal, ng habang buhay..." ------- Two nurses were helping me preparing Znela para sa operation niya. Today, we will fly to US para maisagawa ang operation na dapat sa kanya. Ate Maria prepared everything we need; we used the private plane from Razon-Cruz, a very close family friend. Three nurses and one Doctor were present during our flight. I was holding her hand, sitting beside her the whole time; she doesn't want to talk to anybody aside from me. I fed her, assisted her, guide her to anywhere she wanted to go. She didn't even mention her Mom or Dad's name the whole time. ------------ The Mayo Clinic Rochester, Minnesota It was winter when we arrived in the place. Maswerte na kami dahil agad siyang inasikaso, sinigurado din nang medical team na kasama namin na maayos ang kalagayan niya hanggang sa mai-check in siya sa hospital. A neurosurgeon assisted us immediately, explaining what to do and what will going to happen. Pumasok ako ng kwarto ni Zee. She smiled at me matapos niya akong makita. Lumapit ako saka hinawakan ang kamay niya at hinalikan siya sa noo. I helped her get up saka pinasandal sa akin. She held my hand tightly bago nagsalita. "I'm nervous..." she confessed. "So do I..." sagot ko naman "But don't worry nandito lang ako and all you have to think about is that everything will be alright, hmm?" ngumiti ako saka mahinang pinisil ang pisngi niya. "E-Everything will be alright..." sagot niya sa akin saka pumikit. Doon ko pinagmasdan ang nag-iba niyang mukha, payat, halos walang kulay, mahina at mukhang pagod na pagod. "And after the surgery, we'll decide about our wedding day, our wedding plan, our honeymoon destination..." sabi ko at doon ko narinig ang mahina niyang tawa. "Okay..." sagot niya na lang sa akin "Pero aantayin mo na tumubo ulit ang buhok ko bago ang kasal ah!" pakiusap niya. "I don't mind if you're bald during our wedding, it will be epic you know!" I teased her, mahina niya akong hinampas, I smiled because of that, I smiled because I can see hope in her eyes, in her smile, again... "Ayaw ko nga, g-gusto ko mahaba ang buhok ko ng araw na iyon. I want to have my hair back, that day kasi gusto ko, ako ang pinakamagandang babae..."sabi niya. "Kahit kalbo ka para sa akin maganda ka parin, gusto mo pati ako papakalbo eh..." pagbibiro ko, she laughed, mahina pero tumawa siya... "T-Terrence can I ask you something?" tanong niya. "Anything you want Zee, anything..." sagot ko naman. "Will you please stay beside me during the operation?" nakita ko ulit ang takot sa mga mata niya, hinawakan ko ang dalawa niyang kamay saka mahinang pinisil iyon. "You know I can't they will not allow me..." I honestly said. "G-Ganun ba? P-Pero pwede ka namang mag-antay sa labas ng operating room di ba?" ngumiti ako at tumango "I won't go anywhere..." I assured her. "I want you to be the first person na una kong makikita." She said saka tinuro ang isang ballpen at papel na nasa bedside cabinet. She wrote something in there saka tinupi at pinatago sa akin "I want you to give it to me pagbukas ng mga mata ko k-kung sakaling h-hindi kita makilala at-" "Shhh..." I cut her in "Everything will be alright, wala na akong gustong isipin pang iba kundi ang gumaling ka at babalik ka sa akin, okay?" sabay kaming napatingin sa pinto ng pumasok ang ilang nurses, they're all foreigners, they gave me signal para ihanda si Zee, ilang minuto na lang papasok na siya ng operating room. I can't explain what I feel right now, takot, kaba,halo-halo na! She was holding my hand hanggang sa makarating kami sa tapat ng operating room, she looked at me at kitang kita ko ang takot sa mga mata niya. I can't stop myself from crying dahil umiiyak na rin siya. I bowed and cupped her face. "Shhh...Zee...Zee look at me..." sabi ko sa kanya, humawak siya ng mahigpit sa akin, mahigpit na mahigpit na parang ayaw na niyang bumitaw "Zee look at me!" ulit ko "I want you to look at me and promise me that you will be brave and strong, for me, for yourself..." Tumango siya at doon ko pinunasan ang mga luha sa mukha niya, I smiled at her, trying to hide my own fear. I smiled at her, trying to show that I am brave and strong enough para mabawasan ang takot na nararamdaman niya. "I love you Znela, I love you and will wait for you no matter what, you got it?" mabilis siyang tumango. Lumapit ako ng mabuti saka siya hinalikan sa labi. She hugged me for the last time at doon ko na binitawan ang kamay niya. I can't do anything aside from looking at her habang ipinapasok siya sa loob. I closed my eyes at ilang beses na nagdasal, ilang beses na nagmakaawa. "Let her live and I promise to do anything na makakabuti sa kanya, kahit ano, k-kahit ano pa..." -------- Hours passed, hindi ko na nga alam kung ilang oras na ang lumipas. Lakad lang ako ng lakad sa tapat ng pinto habang inaantay ang resulta, I don't know kung ilang oras ang aabutin, I don't know kung gaano katagal akong maghihintay, wala akong pakialam basta lang mabuhay siya, gumaling, y-yun lang, yun lang ang hiling ko! Ibinulsa ko ang kamay ko sa jacket na suot doon ko naramdaman ang nakatuping papel na ibinigay niya sa akin kanina. I opened it at saka binasa iyon. Dear Terrence, I have so many things I want to say to you but I'm not sure if I will have the chance to. Gusto kong malaman mo na wala akong ibang hiling kundi ang gumaling at bumalik sa piling mo. I love you Terrence, I love you and I really hope to see you again. Love, Znela Huminga ako ng malalim saka pumikit "I will see you again Zee, I will, I know I will..." bulong ko. "We all want that..." bigla akong nalingon matapos marinig ang boses na iyon. Napalunok ako ng makita ko ang Mommy ni Znela sa harap ko "We all want to see her again, alive..." sabi pa niya. She handed me a box, a big box saka ako tinignan sa mga mata "And we all want what's best for her..." "M-Ma'am..." "And I'm pretty sure you know well what's best for her..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD